Naalimpungatan si Zac mula sa mahimbing na pagtulog nang maramdaman na tila may mga kamay ang yumakap sa braso niya. Kahit inaantok pa ay nagmulat na siya ng mga mata. Tumambad sa kaniya ang natutulog na anyo ni Jean. Nagsumiksik ito sa tabi niya habang mahimbing na natutulog.Dahan dahan siyang humiga patagilid at pinagmasdan ang dalaga. Tumingin siya sa suot na relo, alas diyes na pala ng gabi. Hindi niya namalayan kanina na nakaidlip na pala siya habang nag uusap silang dalawa.
Napabuntong hininga siya ng muling magsumiksik sa tabi niya si Jean. Sa pagkakataong iyon ay itinago nito ang mukha sa ibabaw ng dibdib niya. Nawalan tuloy siya ng tsansa na mapagmasdan ang magandang mukha nito. Bandang huli ay hindi niya mapigilan na muling ipikit ang mga mata nang manuot sa ilong niya ang mabangong amoy ng mahabang buhok nito.
God! nakakataba pala ng puso na sa tuwing magigising siya ay ang maamong mukha ng dalaga ang bubungad sa kaniya. Ngayon niya lubos na naintindihan kung bakit sa tuwing umaga ay nakikita niya ang masayang ngiti sa mga labi ng kakambal niyang si Kurt.
Mapait na ngumiti siya ng maalala ang nalalapit na kasal ng kapatid niya. Ang buong akala niya ay magiging maayos na ang buhay niya nang magdesisyon siyang manirahan mag isa. Naisip kasi niya na kapag hindi siya masyadong nakikita ng magkasintahan ay mababawasan ang tensiyon sa pagitan nilang tatlo.
Nang bumalik si Kurt ng bansa makalipas ang ilang taon na pagkawala nito ay ipinaliwanag na niya kay Patty na nakahanda na siyang pakawalan ito. Tanggap na niya ngayon na si Kurt ang talagang mahal ng best friend niya kaya lumayo siya.
Batid niya na kahit ipinapakita ng kaniyang ina na masaya ito para kay Kurt ay nasasaktan naman ito para sa kaniya. Inakala niya na ang pag alis niya sa mansiyon ang magiging susi para matahimik silang lahat pero mali pala siya.
Mula kasi ng dumating si Jean sa buhay nila ay parang mas naging masigla pa ang mommy niya. Kung dati ay nagdadalawang isip pa ito na hayaan siyang mamuhay na mag isa, ngayon ay payag na ito. Sa tuwing magkausap sila ay wala itong ibang bukambibig sa kaniya kundi si Jean.
Escape. Excuse. Iyon ang tingin niya sa sitwasyon na nasuungan niya ngayon. Naipit na siya kaya wala siyang nagawa kung hindi ang magsinungaling. Parang panaginip lamang ang lahat nang nangyayari ngayon. Parang kahapon lamang ay paulit ulit pa siyang sinesermunan ng kaniyang ina dahil nga sa pag alis niya ng mansiyon. Pero ngayon ay masayang masaya naman ito para sa kaniya.
Kusang gumalaw ang kanang palad niya, hinagod niya ang likod ni Jean nang marinig niyang umungol ito.
“What time is it?” anas nito at nag angat ng tingin sa kaniya. Kinusot nito ang mga mata at saka kumurap ng ilang beses. Ilan dipa na lamang ang agwat nilang dalawa at hindi biro ang pagpipigil niya na kintalan ng halik ang tungki ng ilong nito.
“Time to go home,” sagot niya.
“Now?” anas nito at bumangon na. Nakuyom niya ang kanang palad dahil kamuntik na niya itong kabigin ulit para muling ihiga sa tabi niya.
“Yes, time to go home na.” napilitan na rin siyang bumangon. Nakita niyang humarap sa kaniya ang dalaga at inayos ang magulong buhok. Basta na lamang nito inipon ang makapal na hibla ng buhok at ipinuyod paitaas.
Sexy! ipinilig niya ang ulo para mawala ang agiw sa utak niya.
.
Tumayo na si Jean at naghikab.
“Ang sarap matulog dito sa kama mo parang ayoko nang umuwi.” saad nito.
Yeah.. me too..☆☆☆☆☆☆☆☆
-----
PAGKALIPAS ng dalawang linggo ay tumawag ang ina ni Zac kay Jean para anyayahan siya nito sa isang event na gaganapin sa Archangel’s Charity. Agad naman siyang pumayag dahil hindi rin niya magawang tanggihan ang kahilingan ng butihing ginang.
BINABASA MO ANG
SUKI DAKARA (COMPLETED)
RomanceSuki Dakara (I Love You, After All) By Bethany Sy published year 2016 PHR "Kapag hinalikan mo ako, para mo na rin akong inalisan ng karapatang umalis sa tabi mo." Hinanap ni Jean si Mr. Right sa halip na magmukmok sa isang sulok at indahin ang saki...