4

4.3K 87 0
                                    

"Saan ka natulog kagabi?" madilim ang mukha na bungad ng mga magulang ni Jean sa kaniya nang pumasok na silang lahat sa sala ng mansiyon.

Kung kanina ay yakap niya ang braso ni Zac ngayon naman ay ito ang tila paslit na natatakot bumitiw sa kamay niya.

Naupo silang dalawa sa mahabang sofa habang ang mga magulang niya ay sa katapat naman nilang sofa nakapwesto katabi ang kuya Brandy niya. Pinanlakihan niya ng mga mata ang kapatid niya at humingi ng saklolo dito. Pero hindi naman siya nito pinansin dahil nagkibit balikat lamang ito at nag iwas ng tingin.

Huminga siya ng malalim at pinisil ang palad ni Zac. Naguguluhang tumingin naman ito sa kaniya. Tumango siya at ininunguso ang mga magulang niya.

"Batiin mo sila," mahinang utos niya.

"Ah," tumango ito at bumaling sa mga magulang niya. "Good morning po,"

Ngumiwi siya ng malakas na tumikhim ang kaniyang ama.

"Tinatanong kita, Xenia Jean saan ka natulog kagabi?" mababa ang tinig ngunit may kalakip na pagbabanta na inulit ng daddy niya ang unang tanong nito kanina.

Tumingin siya sa kaniyang ina. Wala itong reaksiyon maliban sa masamang tingin na iginawad nito sa kaniya.

Lagot na talaga!

"Daddy bago po ninyo ako husgahan-"

"Sa bahay ka ba niya natulog kagabi?" singit ng kaniyang ina. Nakataas ang isang kilay na tumitig ito sa mga mata niya.

Syet! syet! syet! nakagat niya ang mga labi. Batid niya na kilalang kilala siya ng mommy niya at mahuhuli din siya nito kaagad kung magtatangka siyang magsinungaling.

"Opo," kagat labing tugon niya.

"Oh! Jesus.. ano ba ang ginawa mo anak?" nanlulumong hinilot ng kaniyang ina ang sentido nito.

"Mommy relax ka lang, nakahanda naman siguro ang boyfriend niya na pakasalan siya." pilit na pagpapakalma dito ng panganay na kapatid niya.

"Oo naman mommy relax ka lang dahil nakahanda naman-kasal?" napamulagat siya habang inuulit niya ang sinabi ng kuya Brandy niya. "Kasal? agad-agad?"

"And what do you expect, ha? na maniniwala kami ng mommy mo kapag sinabi mo na walang nangyari sa inyo?" dumagundong ang galit na tinig ng kaniyang ama.

"Dad, relax ka lang ang puso mo," saway ng kaniyang ina dito. Mariing naipikit niya ang mga mata. May sakit sa puso ang daddy nya kaya iniiwasan nilang lahat na magalit ito.

"D-daddy.. kasi wala naman talagang.."

"Ikaw lalaki, nakahanda ka ba na panagutan ang nag iisang anak na babae namin?" maawtoridad ang tinig na tanong ng daddy niya kay Zac.

Pakiramdam ni Jean ay binuhusan siya ng malamig na tubig dahil sa tanong ng kaniyang ama. Naiintindihan niya ang reaksiyon ng mga magulang niya. Nag iisang anak na babae siya kaya inalagaan at minahal siya ng mga ito ng mas higit pa sa kayang ibigay ng mga magulang sa isang anak. Kaya nga ayaw niya na nakikitang nalulungkot ang mga ito ng dahil sa kaniya.

Napaigtad siya ng biglang bitiwan ni Zac ang kamay niya. Tumayo ito at nagbow ng 360 degree sa harap ng mga magulang niya!

"Ano ka ba! bakit ka nagbow sa harapan nila. May lahi ka bang koreano?" natatarantang bulong niya at hinila ang isang kamay nito. Hindi siya nito pinansin at seryosong nagwika ito.

"Opo, nakahanda po akong pakasalan ang anak ninyo." magalang na sabi nito.

"What?"

May sayad ba siya?

SUKI DAKARA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon