"Oh, ate B."
inabot agad ni Jean sa kuya Brandy niya ang dala niyang gamot. Ilan araw na itong nagmumukmok sa bahay. Mabuti na lang at nasa out of town ang mga magulang nila kaya malaya itong mag emote anumang oras nito gustuhin. Dalawang linggong nagfile ng leave sa trabaho ang panganay na kapatid niya dahil sa iniinda nitong sakit sa puso.
Brokenhearted eh...
Naiintindihan naman niya ito. Kung siya nga noon ay kamuntik ng hindi umattend ng grand march niya dahil lang sa sugatang puso. Papaano pa kaya ito? marahil ay talagang pareho sila ng ugali kaya magkasundo silang dalawa. Pareho kasi silang ibinubuhos ang lahat ng mayroon sila kapag nagmamahal.
May mga pagkakataon pala na mali rin ang ibigay ang lahat kapag nagmamahal na. Dahil kung gaano kalaki ang itinanim ng isang tao ay mas higit pa doon ang aanihin nito sa oras na masaktan ito. Kapag nagmahal pala ay nawawala na sa isip ang salitang 'give and take'. Kapag nasaktan ka na ng sobra ay doon lang sasagi sa isip mo na na give ka lang ng give kaya bigay todo din ang sakit na naramdaman mo. Kasi wala namang hinihinging kapalit ang pagmamahal. Makita mo lang na masaya ang taong mahal mo ay para ka na rin nakajackpot sa lotto.
Naupo siya sa gilid ng kama at iniabot sa kapatid ang isang basong tubig. Ininom naman nito ang gamot at humarap sa kaniya.
"Ate B?" namamanghang bulalas nito sa kaniya.
Sa totoo lang ay malaki talaga ang hawig niya dito. Kung 'ubod ng ganda' ang madalas na description sa kaniya ng mga tao ay 'ubod ng gwapo' naman ito. Maliban sa kapatid ay ito na rin marahil ang best friend niya. Dahil alam niyang may pusong babae din itong kagaya niya ay hindi siya kailanman nahiyang magkwento dito ng mga problema niya.
Pero mukhang adik na zombie ngayon ang kapatid niya dahil nanlalalim na ang mga mata nito sa labis na pag iyak. At maisip pa lang niya na ganoon ang naging hitsura niya nang magdrama din siya -dahil nasaktan siya sa unang pag ibig-ay kinikilabutan na siya.
Pagkatapos ilapag sa mesa ang baso ay tumabi na si Jean sa kapatid. Isinandal din niya ang likod sa headboard ng kama at niyakap ang isang unan. Nanunuot sa ilong niya ang sumisingaw na amoy ng alak na kumakalat sa buong silid.
Ang pasaway na kuya Brandy niya, siguradong malalagot ito sa pag uwi ng mga magulang nila dahil ang matandang mayordoma ang tiyak na magsusumbong ng mga ginawa nito. Ilan gabi na itong umuuwing lasing at ngayong umaga naman ay nagising ito na masakit ang buong katawan at nilalagnat.
"Ate B.. ayaw mo? ikaw na nga ang tinawag na ate tapos parang hindi mo pa type. Dati naman gusto mo, ha?"
"Ang chaka naman kasi. Bakit naman kasi 'ate B' kung pwede namang Ate, sister, Ate ganda?"
"Ate B. mas bagay sayo.. ate booooba."
"Gaga!"
Mabilis na umiwas siya nang tangkain nitong hilahin ang mahabang buhok niya.
"Kuya B. na lang!" natatawang saad niya.
Inis na dinuro siya nito at binato ng unan sa mukha.
"Subukan mong itawag 'yan sa akin sa labas at malilintikan ka talaga sa akin."
Natatawang nilapitan niya ang kapatid at niyakap. Gumanti naman ito ng yakap sa kaniya. Sumandal ito sa headboard ng kama habang siya naman ay nakasandal sa katawan nito at may yakap na unan.
"Alam mo kuya-ate-kuya-B-"
"Sobra ka na!"
"Aw!" napahiyaw siya ng pingutin nito ang tenga niya.
BINABASA MO ANG
SUKI DAKARA (COMPLETED)
RomanceSuki Dakara (I Love You, After All) By Bethany Sy published year 2016 PHR "Kapag hinalikan mo ako, para mo na rin akong inalisan ng karapatang umalis sa tabi mo." Hinanap ni Jean si Mr. Right sa halip na magmukmok sa isang sulok at indahin ang saki...