"Ella ikaw na talaga ang pinakamakatakaw na tao sa buong mundo. HAHAHA pang 4 na balik mo na yan besh!"
They giggled habang nakasimangot si ella because ly teases her. Makita ko lang syang masaya at tumatawa okay na ko. This sight is the best sight since I realized na mahal ko sya.
9, 9 years na akong nagmamahal sa malayo. 9 years na akong masaya, hindi dahil mahal ako ng mahal ko pero dahil alam kong masaya sya.
Akala ko noon its just a crush. Pero day by day, I never knew that I will fall in love. I will fall in love sa babaeng di naman ako kilala.
We are in the same school. Pareho kaming into modeling and swimming. Pareho kami ng dream maging doctor kaya same kami ng course, pero di nya alam na may ako na nag eexist sa mundo.
"Aly! Hahaha wth isip bata talaga"
Amy shouted matapos syang kilitiin ni ly when her boyfriend called. Ang cute talaga nya. Isip bata pero mahal ko yan!
"Huy! Isaac!"
"Ay alyssa!"
Napaigtad nalang ako when someone slapped my back, its my bestfriend
"Ayoon. Si von to paps bat napapa alyssa ka dyan? Bat di mo kasi lapitan paps? Ayan o, nasa harap mo lang?"
Gunggung talaga tung si von ang lakas pa ng boses!
"Pessumal tumahimik ka kung ayaw mong masapak kita. Ang lakas ng boses mo!"
He just gave me a peace sign tsaka umupo sa harap ko. Tsk! Natatabunan yung view ko na makikita si ly. Abno talaga tong lalaking to.
Dinungaw ko nalang yung ulo ko and nakita ko syang nakangiti lang.
Haay, what a sight. I could live a lifetime just watching that heart melting smile.
Pero hala! Bigla syang lumingon sa direksyon ko natulala ako sakanya! Sakin ba sya tumingin ng nakangiti?
Ewan ko, pero isa lang alam ko, nagwawala na ang puso ko. Mahal ko, mag aassume na kung mag aassume pero nginitian mo ba talaga ako?!
Sakin ba talaga sya ngumiti? Oh Lord that was breathtaking
What a day to remember
--
That day was the last day I was able to follow her. Nirecruite ako ng national team for swimming and may training kami for 2 months sa Germany.
I want to turn it down pero mas pinili ko nalang pumunta to atleast make time for myself para makapaghanda sa pag amin ko sa kanya pagbalik ko.
Yep aamin nako and honestly di ko alam kung san ako kukuha ng lakas ng loob.
Pero 2 weeks ko palang syang di nakikita nanghihina na ko. Hay. Sobrang hirap kasi ng training dito eh. Philippine Swimmings team wants to make sure na mauwi namin lahat ang gold. I want to represent the flag, pero miss ko na ang mahal ko. Hay, kumusta na kaya yun? Sana nasusunod ni Von yung sinasabi kong ipadala kay Ly everyday.
"Paps! Huy! Tulala na naman? Ano meron? Si Alyssa na naman ba yan?"
Kevin gave me a teasing look. Alam naman nito kung sino si Ly. Siya kasi ang close ko sa team and like my other friends, gusto nya din umamin na ko.
"Amin na kasi paps, mabait naman yun eh! Kung di kanaman kasi abno napakilala na kita dun eh ang kaso ayaw mong sumama samin pag kasama namin sya! Ayan tingin-isip ka hanggang ngayon"
See? Yeah close sila ni Ly. Super close nila na minsan naiinggit nalang ako pero wala pa kasi talaga akong lakas na harapin sya. Although she doesnt know me, di naman mawawala nun ang pagkatorpe ko.