Chapter 11

511 59 11
                                    

Pagmulat ko, unang bumungad sakin ay ang nag-aalalang mukha ni kuya Pierce.

"You okay?"- tanong agad nito.

Instead na sumagot ay luminga muna ako sa paligid, dun ko lang napagtanto na nasa private room ako sa loob ng headquarters. Tanaw ko din sina Majesty, Alice, Kayleigh at Clarity na natutulog sa sari-sarili naming mga kama.

Umupo ako at sumandal sa headboard ng kama.

"Anong nangyari kuya? Bakit nandito na kami?"- naguguluhan kong tanong. Ang huli kong naaalala ay tinurukan ako ng isang hidden shadows ng kung ano sa batok at nawalan na ako ng malay.

Bumuntong-hininga si kuya at umupo sa tabi ko.
"Tinawagan namin kayo kagabi para kamustahin pero walang sumasagot sa inyo ni isa kaya bigla kaming kinutuban. Nang dumating kami sa warehouse ni Gov. Cortez ay nadatnan namin kayo pareho ni Clarity sa labas na walang malay ganon din sina Kayleigh, Majesty at Alice sa loob. Mukhang ginamitan kayo ng pampatulog ng hidden shadows."

"P-pano nyo nalaman na hidden shadows ang may kagagawan samin nito?"- taka kong tanong.

"Sino pa ba ang ibang makakatalo sa inyo? At iiwan nalang kayo basta? Besides, hidden shadows lang naman ang madalas nakakabangga natin sa mga ganitong kaso."- sagot ni kuya. Napatango naman ako.

"Kagagaling lang nila mommy at daddy dito kanina. Sobra silang nag-alala pero sinabi kong ayos naman kayo. Mahirap na baka bigla nalang mag-hysterical si mommy."- natatawang sabi ni kuya Pierce kaya natawa na din ako. Totoong naghi-hysterical si mommy kapag tungkol sa amin ni kuya ang pinag-uusapan.

"Buti nalang naagapan mo. Ayokong mabulabog sa boses ni mommy."- natatawang sabi ko.

"What happened?!"- malakas na tanong ni Kayleigh. Mukhang nagulat ito pagkagising.

Napatingin kaming dalawa ni kuya Pierce sa kanya.

"Naisahan nanaman tayo ng hidden shadows."- sagot ko.

"The f*ck? So anong nangyari kay Gov. Cortez?"- tanong uli ni Kayleigh.

"Ayon tinangay nila. Hindi na namin matrack kung saan sya dinala ng hidden shadows."- paliwanag ni kuya.

"Ugh! Nakakainis talaga."- ungot ni kayleigh at halos magpapadyak na sa kinahihigaan nya.

"Ang ingay mo kayleigh."- mahinang sabat ni Alice na mukhang kagigising lang din. Halos magkakasabay silang tatlong nagising. Mabisa pa lang alarm clock boses ni Kayleigh ;b

"Okay.. Why are we here?"- mukhang naguguluhan din na tanong ni Clarity.

Inulit lang namin ni kuya Pierce ang sinabi namin kay Kayleigh.


"Ang dadaya lumaban ng mga walangya."- inis na sabi ni Alice.

Natawa naman si kuya Pierce at isa-isa kaming tinapik sa balikat.

"Cheer up ladies. Okay lang yan, atleast hindi kayo napahamak. May next time pa naman."- aniya at sinulyapan ang suot na wrist watch.

"Magtatanghali na. Pahahatiran ko nalang kayo ng pagkain dito."- dugtong ni kuya at lumabas.


Binalot kami ng katahimikan pagkaalis ni kuya Pierce, mukhang bawat isa samin ay may iniisip. Muli kong naalala ang hidden shadows na nakaharap ko kagabi. Pangalawang beses nya na akong tinulungan kaya naguguluhan ako kung bakit nya yon ginagawa.

"Magagaling talaga sila. I don't think na kaya natin silang labanan."- maya-maya pa'y pambabasag ni Alice sa katahimikan.

Humugot ako ng hininga at tumingin sa kanila. Base din sa karanasan ko kagabi, tingin ko wala kaming laban ng harapan sa hidden shadows.

Against the Rules (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon