Chapter 35

550 43 17
                                    

Dedicated to: reyanicayan

Halos lumipad ang mga kotse namin pabalik sa headquarters. Bahagyang nanginginig ang kamay kong nakahawak sa manibela dahil sa pag-aalala. Mabuti nalang at almost midnight na kaya wala na masyadong traffic, kung nagkataon baka kanina pa kami nabangga.

Napasinghap ako at halos sabay-sabay kaming napamura ng matanaw namin ang Headquarters na unti-unti nang tinutupok ng apoy. Nanlambot ang mga tuhod ko at mabilis na pumarada.

"Shit! What the hell is happening here?"- hindi makapaniwalang saad ni Majesty. Magkakasabay kaming bumaba sa mga kotse namin. Nagkalat ang mga bangkay sa paligid. Napatakip ako sa sariling bibig ng mapansin kong karamihan roon ay kasamahan naming secret agents. Rinig na rinig ko ang putukan mula sa loob HQ. Agad kaming tumakbo palapit roon, napansin kong may iilang kalalakihan na tumatakbo papasok ng HQ at natitiyak kong hindi namin sila kasamahan. Damn Ferocious!
Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at mabilis kong hinugot ang baril ko at pinagbabaril sila.

Nilibot ko ang paningin sa bawat sulok pagkapasok namin sa loob. May mga bangkay ng ferocious akong nakikita ngunit halos bagsak na rin ang lahat ng mga guards namin sa paligid. Unti-unti na akong nilalamon ng kaba gayong ang kabilang bahagi nito ay nagliliyab na ang apoy.

Tumakbo kami papasok at bawat ferocious na nakakasalubong namin ay agad naming binabaril. Sh*t! Nasaan sina daddy, mommy at kuya Pierce? Hindi ko napigilan ang pagpatak ng luha sa mga mata ko ng makita ang wala ng buhay na katawan ng mga kasamahan namin. Paanong nangyari ang ganito? Damn it!

Halos halughugin namin ang bawat sulok ng headquarters ngunit hindi namin sila makita.

"F*ck! where are they?"- frustrated na sabi ni Clarity.

Tinakbo namin ang daan patungo sa opisina. Iyon nalang ang natitirang bahagi ng HQ na hindi namin napupuntahan. Agad kong sinipa ang pinto nito pagkarating ko. Napasinghap ako ng sumalubong samin ang may karamihan pang ferocious. May mga baril ito at lahat ng iyon ay nakatutok samin. Nagtagis ang bagang ko ng makita sina mommy, daddy, kuya Pierce, Xavier, ate Gladys at ang ilan pa naming kasamahan na secret agent sa likuran. Nakagapos silang lahat at may takip ang bibig. Mas lalong nanginig ang katawan ko ng mapansin na parang hinang-hina na si Kuya, marami syang sugat ganoon rin si Xavier. Si daddy at mommy naman ay pareho ring may sugat at may mga pasa. Damn it! Nalipat ang atensyon ko papunta sa kabilang sulok ng marinig kong may pumalakpak mula roon. Humawi ang mga Ferocious at pinadaan ang taong gustong-gusto ko ng patayin ngayon. How dare he? Kapatid sya ni daddy, paano nya nagawa sa amin ito!

Malawak ang ngisi nya ng huminto sya sa harap ko. "So nandito na pala ang limang magagaling na miyembro ng heavens agent. Too bad. Medyo nahuli kayo."- ani nito at malademonyong humalakhak. Napakuyom ako ng kamay at matalim syang tinitigan. Tinaas nya ang kanyang kamay at agad na tinutukan ng mga tauhan nya sina mommy, daddy at kuya Pierce sa ulo. Napasinghap ako.

"Don't you dare to hurt them!"- sigaw ko at akmang tatakbo papunta roon ng tutukan rin ako ng mga tauhan nya.

Mas lalong napangisi ang demonyo.
"Ohh.. So fierce my niece. Should i be scared?"- may panunuyang tanong nito.

"What the hell do you want huh?"- nagtatagis ang ngipin na tanong ko.

Humalakhak sya. "Mukhang nagkakaintindihan na tayo. Drop down all of your weapons."

Nagngingitngit na ang kalooban ko. Gustong-gusto ko ng wakasan ang buhay nya ngayon. Nang mapansin nyang hindi kami kumikilos ay muli nyang tinaas ang kanyang kamay at nakagat ko ang labi ko ng pumutok ang baril ng isa sa mga tauhan nya. Gahibla lamang ang layo ng tinamaan ng bala sa ulo ni kuya. Tumalsik pa ang pader sa tabi nito.

Against the Rules (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon