Chapter 34

504 46 17
                                    


A/N: I'm frustrated. Disappointed. T_T  pangalawang araw na pero hindi parin ako nakakamove on sa "Constantly in love". Sabi na kasi, never expect and never assume. Masyado akong umasa 💔. Constant daw, Tss! Pero ang galing makipaghalikan sa iba. Anyway, masyado akong nagdadrama dito. Proceed na nga sa story.

***

Kagaya nang nakaraan, nagising ako na wala si Eros sa tabi ko. Mabilis akong bumangon at dumiretso sa banyo para maghilamos. Nang maayos ko na ang sarili ko ay bumaba ako sa living room. Tinanong ko si Nana Lorna kung nakita ba nila si Eros ngunit ang sabi niya ay bandang alas tres pa lang daw ng umaga ng umalis si Eros sa mansyon. Ni-dial ko ang numero nya pero hindi nanaman ito makontak. Napakagat ako sa labi ko sa inis. Ni hindi manlang sya nagpaalam. Hindi nya ba alam na nag-aalala ako sa kanya.

Paakyat na ulit ako sa hagdan ng bumukas ang main door ng mansyon. Magkakasunod na pumasok mula roon sina Clarity, Majesty, Alice at Kayleigh. Bahagyang nangunot ang noo ko ng makitang napakaseryoso ng mga mukha nila. Nakaramdam ako ng tensyon. Imbis na umakyat sa hagdan ay bumalik ako at sinalubong sila.

"We need to talk."- malamig na sabi ni Clarity. Tumango ako at tinungo ang sofa. Magkatabi kaming umupo. Sa harapan naman namin pumuwesto ang tatlo.

"What happened?"- takang tanong ko. Marahas na bumuga ng hangin si Clarity at inabot sakin ang iPod nya.

"It's finally confirmed. Tuluyan ko na ring nakilala kung sino ang nagtataksil sa organisasyon."- mariin na sabi ni Clarity.

Napasinghap ako sa gulat. Hindi ko inaakalang may taksil nga heavens agent. Bumaba ang tingin ko sa iPod nyang hawak ko at tiningnan ang laman nito. Pakiramdam ko bigla akong binuhusan ng malamig na tubig. Nanigas ang katawan. Paanong nangyari...

"Bago pa man nya tulungan si tito Lander sa pagtatag ng heavens agent ay right hand na sya ni Anton Stewart. Mas lalo syang nagpursigi ng mamatay ang panginoon nila. Sya ang pumalit sa posisyon at muling nag-ipon ng lakas." Bahagyang tumigil si Clarity at tumawa na parang hindi makapaniwala.

"Matagal na panahon nila itong pinaghandaan kaya natitiyak kong may lakas sila. I almost breakdown ng matuklasan ko ito. Sobrang galing nilang mag-ama. Anong klaseng pamilya sila?"

Nanginginig ang mga kamay ko ng ibaba ko ang iPod ni Clarity. Paanong ngayon lang namin ito nalaman, kaya naman pala ang hirap mahuli ng Ferocious dahil nakakasama namin mismo ang pinuno nila. Nagtagis ang ngipin ko sa sobrang galit. Nagtiwala kami sa kanila, pero ito lang pala ang kahihinatnan ng lahat.

"Kailangan natin itong ipaalam sa HS."- mariin na sabi ko.

"Sinubukan ko silang kontakin kanina, pero.. Lahat sila ay hindi matawagan."- saad ni Clarity. Salubong ang kilay ko ng lumingon sa kanya.

"What? Lahat sila?"- hindi makapaniwalang tanong ko.

Tumango si Clarity. "Oo, hindi ko rin sila mai-locate."

Naisuklay ko ang sariling kamay sa buhok ko dahil sa frustration. Anong nangyayari? Nasaan sila?

"Hindi ba't nakapunta kana sa hide out nila? Puntahan kaya natin sila doon."- sabi ni Kayleigh. Napatingin ako sa kanya at napaisip. Tama! Alam ko ang hide out nila.

"Sige, magbibihis lang ako. Hintayin nyo ako dito."- ani ko at tumakbo paakyat sa hagdan. Alam kong kumikilos narin sila ngayon kaya kailangan namin silang unahan. Uunahin ko muna ang mga galamay nya.

Magkakasunod na humarurot ang mga kotse namin paalis ng mansyon. Ako ang nauuna dahil ako ang may alam kung nasaan exactly ang hide out ng HS. May kalayuan din ito samin. Nakarating kami sa high road at magubat na daan. Ang alam ko'y mahigpit na ipinagbabawal ang pagpunta sa bahaging ito dahil ang sabi'y government's property ito. Ngunit nandito nakatago ang mansyon ng mga Dawsonne. Halatang may kapit si Mr. Dawsonne sa gobyerno dahil nananatili itong protekdo at walang nakakaalam.

Against the Rules (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon