Chapter 20

462 56 6
                                    


MIRACLE POV

Magkakasunod na pumarada ang kotse naming apat sa tapat ng building kung saan ay kasalukuyang nasa tutok ng building sila kuya Pierce at Eros.

"Agent Saavedra.."- sinubukan akong harangin ng mga kasamahan ni kuya pero hinawi ko lang sila at mabilis na umakyat sa hagdan. Feeling ko kasi matatagalan pa ako kapag naghintay ako sa elevator.

Umabot ng walong palapag ang building na ito including the rooftop kaya halos habulin ko ang hininga ko. Ramdam ko ang pangangalay ng mga binti ko habang tumatakbo paakyat. Napahawak ako sa pader ng sa wakas ay nakarating na ako sa ikahuling palapag.

Saglit kong hinabol ang sariling hininga at nilibot ang tingin sa paligid. Napasinghap ako at muling binundol ng kaba ng makita kong pinapaligiran ng team nila kuya Pierce at Xavier ang apat na miyembro ng hidden shadows. Nakatutok ang mga baril nila kuya sa kanila at ganon din sila. Nakita kong inaalalayan na ngayon ng isa sa mga hidden shadows si Eros, samantalang nakaharang naman ang dalawa sa unahan.

"Put down your gun hidden shadows or else we'll shoot you all."- narinig kong utos ni kuya.

"I'm afraid we can't do that."- sagot ng isang nakaharang sa harapan ni Eros. Base sa lamig ng boses nito ay alam kong sya si Casper. Pinagmasdan ko ang pagkaayos ng mga buhok nila at napagtanto kong si Gypsy ang katabi ni Casper at si Caius naman ang nakaalalay ngayon kay Eros.

"If that so? Wala na kaming pagpipilian."- mariin na saad ni kuya.

Nanlaki ang mga mata ko sa tinuran ni kuya, bago pa man sila makagawa ng kilos ay tumakbo na ako para humarang sa harapan nila Eros. Bumakas ang gulat sa mukha nila kuya Pierce dahil sa ginawa ko.



Gagawin ko ang lahat upang sa huli, sa huli,
Sa huli ay tayo
Kung kailangan kong tahakin ang kilome, kilome
Kilometrong layo



"Miracle! What are you doing here?"- gulat na tanong ni kuya.

Lumunok ako at bahagyang nilingon si Eros, mukhang nagulat din ito sa biglang pagsulpot ko. Para akong kinurot sa puso ng makita kong lumandas sa mga mata nya ang sakit, habang sapo-sapo ang tiyan na tinamaan ng bala. hindi ko alam kung ilang bala ang tumama sa kanya. Kinakabahan man ay pilit kong tinatagan ang loob ko at muling humarap sa pwesto nila kuya Pierce.

"You cant shoot them kuya."- ani ko at binuka ang mga braso ko. Mas lalong bumakas ang gulat sa mukha nila kuya Pierce at umawang pa ang mga bibig nila sa ginawa ko.

"What? Anong ibig mong sabihin?!"- pasigaw na tanong ni kuya Pierce sa magkahalong lito at gulat.



Bakit nga ba itong agwat natin
Pinipilit palawakin
Pero habang merong bumabalakid
Ang pag-ibig lumalalim
Tila tala sa tala ang layo
At di ka na matanaw
Pero pag humahaba ay lalo kitang sinisigaw..



"If you want to shoot them kuya, then you need to shoot me first."- buong tapang kong sabi kahit na sa totoo lang ay nanginginig na ako.

"Step aside Miracle! Are you out of your mind?! Alam mo ba kung ano ang magiging resulta nitong ginagawa mo?!"- bakas ang frustration na saad ni kuya. Mukhang hindi na nito alam kung ano ang gagawin. Nakita kong Nilibot ni kuya Pierce ang paningin sa paligid at napakaraming police at swat ang nanonood samin.

Against the Rules (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon