Chapter 12

483 59 11
                                    

CAIUS POV

Hawakan mo ng dahan-dahan. Ipasok ang dalawang daliri, pwedeng ngang tatlo kung kaya pa. Siguraduhing basa na saka hagurin ng taas-baba. Ganyan nga..

Ganyan ang tamang paghugas ng mug o tasa. Kala mo ha! 😁

"Feel na feel mo yata ang pagiging dish washer Cai?"- nakangising sabi ni Kinsley.

"Paki mo? Minsan ko lang gawin to. Nilulubos ko na."- inis na sagot ko. Mga wengya! Ginawa kasing katuwaan ang paghuhugas ng pinagkainan, instead na mga tauhan namin ang gumawa nito, sa kasamaang palad ako pa ang nabunot.

"Bagay naman sa kanya ah! May future ka sa pagiging kasambahay Cai."- Pang-aasar ni Gypsy.

Pinakyuhan ko nga.

"May course ba ang pagiging kasambahay?"- sabat ni Archer.

Sabay-sabay kaming napatingin sa kanya at napa-facepalm.

"Wala na, bumalik nanaman sya sa pagiging lutang."- natatawang sabi ni Kinsley.



"Uhuh! I got some interesting news today."- biglang singit ni Aiden na nakangising nakaharap sa computer nya.

Nalipat ang atensyon namin sa kanya.

"Ano yon?"- tanong ko.

Mas lalong lumawak ang ngisi nya ng humarap sya samin.

"Someone spotted Frost last night, outside of the underground arena."

Pare-pareho kaming natigilan sa narinig.

"Frost? Di nga?"- hindi makapaniwalang tanong ni Gypsy.

"6 years na simula ng maglaho sya, bakit naman sya biglang babalik ngayon?"- sabat ni Kinsley.


"And you know what's the most exciting part....."- tumigil ng bahagya si Aiden at isa-isa kaming tiningnan.

"Wengya! Pabitin ka pa, ano nga?"- inis na sabi ko. Kung kailan naman atat na akong marinig ang buong balita saka naman sya magpapa-suspense. Sarap lang kutungan.



"Pinatay nya lang naman ang lider ng blood empire, including the right hand and the left hand."- dugtong ni Aiden at sumandal sa upuan nya.

"What?! Kung ganon maaalis sa ranks ang Blood Empire. Sabagay, mayayabang din kasi ang mga yon."- magkahalong gulat at ngisi na sabi ni Gypsy.

Sumandal ako sa sink at napaisip. This is odd. Bakit muling lumitaw si Frost pagkalipas ng anim na taon.


Narinig namin ang pagbukas ng pinto mula sa ikalawang palapag ng mansion. Ilang saglit pa ay natanaw nanamin pababa ang isang lalaking walang kabuhay-buhay ang mukha.

"Frost huh?"- mahinang sabi ni Casper at nakangising binalik ang atensyon sa binabasang libro.

Nagkatinginan naman kaming dalawa ni Aiden at napangiwi.

"He's creepy."- ani ko at binalik ang atensyon sa paghuhugas.

Tumawa lang si Aiden at binalik din ang atensyon sa kaharap na computer.




∞∞∞

MIRACLE POV

Napapitlag ako ng malakas na humapas ang palad ni daddy sa ibabaw ng mesa.

"Alam nyo ba kung ano ang ginawa nyo?! Paano kung napahamak kayo?! Tandaan nyo, hindi na kayo mga bata lang na dapat pang pagsabihan."

Kasalukuyang sinasabon kami ni daddy dahil sa kalokohang ginawa namin kagabi. Nakatayo at nakayuko lang kami sa harap nya. Wala din kaming masabi dahil talaga namang mali ang ginawa naming pagtakas.

"You are all matured enough to know what is wrong and what is right! For pete's sake. Secret agent kayo! Hindi kayo simpleng mga estudyante lang."

"From now on, hihigpitan ang securities ng HQ. Kailangan nyo magreport everytime na may pupuntahan kayong iba aside from school. You may now leave."- humina ang boses ni daddy ngunit puno iyon ng awtoridad.

Nakatungo kaming naglakad palabas ng opisina nya. Agad kaming sinalubong ni kuya Pierce pagkalabas namin.

"Napagalitan kayo ni dad?"- tanong nya samin.

Tumango ako at napabuntong-hininga sya.

"Kung bat kasi anong pumasok sa isip nyo at tumakas kayo kagabi? And worse sa underground arena pa."- frustrated na saad ni kuya Pierce at isa-isa kaming tiningnan. Nanatiling tahimik lang sina Majesty, Alice, Kayleigh at Clarity kaya ako nalang ang nagsalita.

"Im sorry kuya, hindi na yon mauulit. Siguro dahil sa curiosity kaya namin ginustong pumunta doon."- mahinang sabi ko. Muli kong narinig ang malalim na buntong-hininga ni kuya Pierce saka ako tinapik sa balikat.

"Sige na, pumasok na kayo."- aniya.

Tumango naman ako at naunang naglakad palabas ng HQ. Naramdaman kong sumunod din sakin ang apat.

Sabay-sabay kaming nakahinga ng maluwag ng tuluyan na kaming makalapit sa mga kotse namin. Nagkatinginan kami at biglang natawa.

"Nenerbyos ako kay tito Lander."- natatawang sabi ni Alice.

"Ako nga din. Mabait si tito, wag nga lang galitin."- saad naman ni Clarity at napahawak pa sa dibdib nya.

"Hindi na talaga ulit ako tatakas. Swear!"- ani kayleigh at pumasok sa loob ng kotse nya. Muli akong natawa at pumasok na din sa sariling kotse.



Naglalakad na kami papasok sa gate ng eskwelahan ng matanaw ko ang pamilyar na tindig ng isang lalaki patungo sa likuran ng auditorium.

"Una na kayo, restroom lang ako."- sabi ko sa kanila.

"Sige, sunod ka nalang ah!"- saad ni Clarity at naglakad na sila patungo sa building namin.


Nang makita kong medyo nakalayo na sila ay nagmadali akong naglakad papunta sa likuran ng auditorium.


Nanlaki ang mga mata ko at mabilis na nagtago sa isang puno ng makita kong nakatayong nakasandal si Eros sa pader samantalang nasa harapan nya sina Caius, Kinsley, Aiden, Casper, Gyspy at Archer. Medyo naguguluhan ako kung bakit magkakasama sila. Impossible namang magkakaibigan sila o baka naman isa rin sila Caius sa mga bully student. Muli akong sumilip at nakita kong parang may seryoso silang pinag-uusapan. Hanggang sa nakita ko ang isang nakaitim na lalaki na tumalon mula sa mataas na bakod ng eskwelahan namin. Napaawang ang labi ko ng makitang yumuko iyon sa harap ni Eros saka may binigay na parang sulat. Mas lalo akong nagulat ng mapagmasdan ang initial sa suot na jacket nito.



Napasinghap ako at parang nanghina ang mga binti ko.






Hidden Shadows..







Pero paano nangyari?



Nag-usap pa sila sandali bago magkakasamang naglakad ang anim patungo sa kabilang bahagi ng auditorium.

"Lider! Ipa-ampon mo na tong si Gypsy. Wengya! Patay gutom talaga."- natatawang sabi ni Aiden habang hatak-hatak naman sya ni Gypsy sa dulo ng uniform.





Leader?




Imposible.



Naiiling akong napaupo sa ugat ng malaking puno na pinagtataguan ko. Ni sa panaginip hindi ko naisip na ganito ang totoong Eros Dawsonne.

Against the Rules (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon