Chapter 21

460 56 5
                                    

Hidden Shadows ↑↑↑

Kasalukuyan kong inaayos ang necktie ng uniform ko ng makarinig ako ng mga mahihinang katok sa pinto ng aking kwarto.

Dinampot ko mona ang suklay mula sa drawer bago lumapit sa pinto para buksan. Bumungad sakin ang inaantok pang mukha ni kuya Pierce.

"Bilisan mo na, baka ma-late ka."- ani kuya at sumandal sa hamba ng pinto.

Tumango ako at tinuloy ang pagsusuklay sa buhok.
"Saglit lang, patapos na ako."

Binalikan ko ang backpack kong nakapatong sa kama at sinukbit sa balikat.

"Tara na."- aya ko kay kuya Pierce at dumaan sa gilid nya. Narinig ko namang sinara nya ang pinto ng kwarto ko. Tuloy-tuloy akong bumaba sa hagdan at nadatnan ko sila mommy at daddy na nag-uusap sa living room.

Pareho kaming nagpaalam sa kanila ni Kuya Pierce pero gaya ng dalawang araw na nagdaan, tanging si mommy lamang ang pumapansin at kumakausap samin. Naiintindihan ko naman si daddy kung bakit hanggang ngayon ay masama pa din ang loob nya sa amin. Pakiramdam ko nga parang ako ang naging simula ng lahat. Bigla nalang nagbago ang masigla naming pamilya, ganoon rin sa HQ. Simula din ng pangyayaring iyon ay inuutos ni daddy na ihatid-sundo na ako ni kuya sa eskwela. Muntik din akong mapaalis sa pagiging secret agent pero hindi ko alam kung ano ang nakapagpabago sa isip ni daddy matapos syang kausapin nila kuya Pierce at mommy.

Dalawang araw na rin na hindi pumapasok sa eskwelahan ang hidden shadows. Wala akong balita tungkol sa kanila at kung kamusta na sya. Hindi naman pwedeng pumunta ako sa hide out nila dahil baka may nakamanman sakin.

"Okay ka lang?"- narinig kong tanong sakin ni kuya Pierce ng mapansin na tulala lang akong nakatingin sa labas ng bintana.

Nilingon ko sya at tipid na nginitian.
"Im okay kuya. Dont worry."

Tumango naman sya at tinutok ang atensyon sa pagmamaneho. Nagpapasalamat na rin ako na inintindi ako ni kuya Pierce at hindi na sya nagtanong pa.

Papalapit pa lang kami sa gate ng school ay natanaw ko na silang apat na naghihintay sa entrance. Nakangiti akong nagpaalam kay kuya, bago bumaba sa kotse niya.

Sinalubong ako ni Alice at inakbayan.
"How's tito Lander?"

Bumuntong-hininga ako at napayuko.
"Hindi nya parin kami pinapansin ni kuya, though naiintindihan namin. Ang hirap pa din mag-adjust."- mahinang sabi ko.

"Okay lang yan. Im pretty sure, hindi rin kayo matitiis ng matagal ni tito. Soon, babalik din kayo sa dati."- nakangiting saad ni Kayleigh at tinapik-tapik ako sa balikat.

Ngumiti ako at tumango. Atleast nandito sila para pagaanin ang loob ko. Im really thankful to have such amazing friends like them.

"Pero sa tingin ko may mga dapat pa tayong pag-usapan, hindi ba?"- nalipat ang atensyon namin kay Clarity ng magsalita sya at binigyan kami ng makahulugang tingin.

Nagkatinginan kaming apat at sabay din na napaiwas ng tingin. We're guilty. Mukhang hindi lang ako ang may tinatagong sekreto.

"May hinala na ako simula pa lang, pero hindi ko inalam ng tuluyan kasi kapag nalaman ko. Nag-aalangan akong hindi rin matanggap ng sistema ko."- ani Clarity at tipid na ngumiti.

"Akala ko, ako lang ang may alam eh! Pero mukhang hindi pala. Actually, sa tingin ko hindi lang kayo basta may alam kundi meron talaga kayong mga dahilan and i'm curious about it."- dugtong nya at kinindatan kami.

Kahit ako, ni minsan hindi ko naisip na may alam sila. Napapaisip din ako kung ano nga ba ang dahilan nila Kayleigh, Alice at Majesty para gawin iyon.

Nalipat ang atensyon ko sa pinto ng classroom ng kumalabog ito. Nahigit ko ang sariling hininga ng magkakasunod na pumasok mula roon sina Caius, Kinsley, Aiden, Casper, Archer and Gypsy. Luminga ako sa paligid at nagbakasakaling nasa hulihan sya o humiwalay, pero bigla akong nanlumo ng mapagtanto na wala talaga.

Buong oras ng klase ay palihim kong tinitingnan ang mga hidden shadows at napansin kong medyo tahimik sila ngayon. Panay rin ang sulyap ko sa pinakadulong upuan at nanatili iyong bakante.

"Mr. Hernandez, why are you sleeping in my class?"

Nalipat ang atensyon namin kay Caius na mukhang kakagising lang ng tawagin sya ni Ms. Salazar.

Nakita ko pang nagkamot ng ulo si Caius habang nagpipigil naman ng tawa ang mga kaibigan nya.

"Napakalambing po kasi ng boses nyo ma'am. It sounds like a melody, kaya nakakatulog ako."- ngiting-aso na sagot ni Caius. Mas lalo kaming nagpigil na wag matawa dahil napaka-lame ng naisip nyang excuse.

"Talaga ba? So bakit ang iba hindi naman nakakatulog?"- tanong uli ni Ms. Salazar at bahagya pang tinaas ang isang kilay.

"I guess, hindi yata sila nakikinig."- natatawang sagot ni Caius.

"Tangna mo!"

"Gago! Dinamay mo pa kami."

Bigla nalang nagliparan ang mga notes, papel at ballpen ng mga kaibigan nya papunta sa kanya. Maski kami ay sinamaan sya ng tingin. Hindi ko alam kung matatawa ba kami o maiinis.

Nakita kong napa-facepalm nalang si Ms.Salazar na para bang hindi kinaya si Caius. Sabagay, kahit sinong guro namin ay kilala na sila sa pagiging pasaway. Nagpatuloy ang discussion namin hanggang sa mag-lunch break. Nang makita kong lumabas mag-isa si Caius ay napagdesisyonan kung sundan sya.

"Saan ka pupunta? Hindi kapa kakain?"- tanong sakin ni Clarity ng makitang nagmamadali akong tumayo.

"Susunod ako sa inyo, may dadaanan lang ako saglit."- ani ko at tumakbo palabas ng classroom. Natanaw kong lumiko sa isang pasilyo si Caius kaya sinundan ko din sya.

Humina ang takbo ko ng makita ko syang umupo sa hagdan at may kinausap sa cellphone. Saglit lamang iyon at parang nagtipa sya ng mensahe base sa galaw ng kanyang mga daliri. Mahina ang bawat hakbang ko hanggang sa huminto ako sa harap nya.

Napansin kong natigilan si Caius sa pagtipa sa sariling celpon pero nanatili syang nakayuko.

"How is he? Ayos na ba sya?"- mahinang tanong ko.

Nakangising nag-angat ng mukha sakin si Caius.
"You really cared about him huh?"- manghang saad nya.

Bahagya akong napaiwas ng tingin. alam kong medyo nakakahiya itong ginagawa ko, pero gusto kong malaman kung okay na ba sya.

"Hindi pa nga pala ako nakakapagpasalamat ng maayos sa ginawang tulong mo samin."- he traced and smiled genuinely. 

"Thank you Miracle. I hope we can return the same favor to you."

Tumayo sya at bumaba mula sa hagdan.

"About Eros, tatlong bala ang tumama sa kanya. Isa sa bandang kaliwa ng tiyan, isa sa kanyang likod at isa sa right shoulder nya. He's unconcious till now."- napaawang ang labi ko sa gulat matapos marinig ang sinabi ni Caius. Bigla akong kinabahan.

"W-what? Pero bakit? Kailan sya magigising?"- natatarantang tanong ko.

Muling gumuhit ang pagkamangha sa mukha ni Caius na para bang hindi nya inaasahan ang magiging reaksyon ko.

"This is getting more interesting."- mahinang sabi nya at napangisi.

"You dont have to worry Miracle. He'll be okay, sya pa ba. His vital signs are stable kaya natitiyak kong magigising sya one of these days."- nakangiting saad ni Caius at mahina akong tinapik sa balikat.

Para naman akong nakahinga ng maluwag. Kahit hindi ko sya nakikita, atleast alam kong maayos ang kalagayan nya.



That's enough for me.

Against the Rules (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon