Special Chapter

1.1K 47 27
                                    

Winter's Note: Sa mga makakarating sa bahaging ito ay lubos ko kayong pinasasalamatan. Maraming salamat sa suporta at pagbabasa.
Especially to my active and loyal reader. reyanicayan, my bestfriend. Thank you so much sa suporta. I really appreciate it. ^_^ you can read his story too. Natitiyak kong mag-eenjoy kayo.







"Isang linggo ba tayo dito?"-narinig kong tanong ni Majesty sa tabi ko. Lumingon ako sa kanya at tumango.

"Oo, gusto daw nilang sulitin ang bakasyon."- sagot ko. Kasalukuyan kaming nasa amarela resort ngayon sa bohol para magrelax. Kasama din namin sina mommy, daddy at tito Euro. Nagpaiwan sina kuya Pierce at Xavier para mapamunuan ang mga tao namin. Si kuya Aero naman ay kailangan pang magpahinga.

"Dude anong nangyari bakit may braces ka na ngayon?"- takang tanong ni Kinsley kay Archer.

"Ayokong pumangit ang ngipin ko. Gusto kong maayos pa lalo."- proud na sagot ni Archer.

"Eh bakit ngipin mo lang ang may brace? Diba dapat buong mukha? Buong mukha mo kaya ang dapat ayusin."-natatawang sabat ni Aiden. Humagalpak ng tawanan silang magkaibigan, maski kami ay bahagyang natawa. Lagi nalang si Archer ang napagti-tripan nila.

Nakita kong sinamaan sila ng tingin ni Archer lalo na si Aiden.
"G*go! Lutuin ko 'yang ibon mo kapag ako ang naasar."

Mas lalo silang nagtawanan ng makita ang pagbabago ng ekspresyon sa mukha ni Aiden.
"P*ta! Paki-alaman mona lahat. Wag si Pia ko. Magkamatayan muna tayo."- asar na sabi ni Aiden at padabog na tumayo habang hinahaplos ang ibon na nakapatong sa balikat nya. Lagi talagang natatalo si Aiden sa tuwing napapasok ang ibon nya. Sinundan namin sya ng tingin habang naglalakad palabas at muling natawa. He's really something.

"He's weird."- komento ni Majesty.

"I find it cute."- sabat ni Clarity.

Pareho kaming napatingin sa kanya ni Majesty at napangisi pero agad syang nag-iwas ng tingin. Now, im sure. There's really something. Biglang nawala ang ngisi ko ng maramdaman kong lumundo ang kinauupuan kong sofa at may brasong pumulupot sa bewang ko. Agad kong narinig ang pagtikhim ng hidden shadows. Nag-iwas naman ng tingin sina Majesty at Clarity. Samantalang nang-aasar naman akong nginisihan nila Alice at Kayleigh sa kaharap kong sofa. Kahit hindi ko sya tingnan ay kilalang-kilala sya ng katawan ko.

"Young ladies and young men, the food is ready."- nalipat ang atensyon namin kay mommy ng pumasok syang may dala-dalang tray at naglalaman ng pagkain. Mas gusto kasi namin ang luto nya. Kaya nagrequest kaming ipagluto nya.

Mas lalong nag-init ang pisngi ko ng mapatingin si mommy sa pwesto ko. Bahagya nya akong tinaasan ng kilay at ngumiti. Abala naman ang HS sa kanya-kanya nilang pagkain.

"Ang sarap mo talagang magluto babe."- natatawang sabi ni Caius at umakbay kay mommy. Feeling close talaga sya. Naiiling lang na natawa si mommy.

Naramdaman ko ang paghigpit ng kamay ni Eros sa bewang ko at pagpatong ng baba nya sa balikat ko. Mas lalong naghuramentado ang dibdib ko. Kailan kaya ako masasanay sa mga kilos nya.

"I can't contain here. So sweet, i might die."- ani Casper habang nakatingin sa iba. Mas lalo akong nakaramdam ng hiya dahil alam kong kami ang pinariringgan nya.

"Tang-ina! Bakit ang tamis ng spicy bulalo?"- Natatawang sabi ni Kinsley.

"Tita bakit ang tamis nito? Nilalanggam ako."- sabat ni Gypsy.

Tumawa lang si mommy at saglit muli akong tiningnan bago naglakad palabas. Nagtaka naman ako kung bakit biglang natahimik ang HS pero ng lumingon ako ay nakita ko ang matalim na tingin sa kanila ni Eros. Kaya naman pala.

Against the Rules (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon