Chapter 24

467 56 8
                                    

Hindi ko maalala kung paanong nakarating kami sa hospital. I am just crying and trembling for the whole time. Niyayakap ako at pilit pinapakalma nila Alice at Majesty habang naghihintay kami sa labas ng operating room.

Magkakasabay rin na dumating ang lahat na miyembro ng hidden shadows. Rinig ko ang mahihina ngunit maririin nilang pagmumura. Pinagmasdan ko sila at napangiti ng mapait. This is the first time..
Kung saan nagsama-sama sa isang lugar ang heavens agent at hidden shadows ng walang gulong nangyayari. Halos hindi mapakali sina Caius, maya't-maya ang paparoon at paparito nila. Nakita ko pang napahilamos sa mukha si Aiden at nakayukyok naman ang ulo ni Gypsy sa pader.

Muli akong tumingin sa pinto ng operating room at naramdaman ko na naman ang pagdaloy ng mainit na likido mula sa mga mata ko. Kapag may nangyaring masama sa kanya, hindi ko alam kung kakayanin ko pa. The thought of him being harmed because of me is unbearable. Wala akong ibang ginusto kundi ang protektahan sya but he ended up on protecting me.

Lumipas ang ilang oras at nanatili lang kaming tahimik habang naghihintay sa magiging resulta. Wala akong ibang naririnig maliban sa mga yapak ng hindi mapakali na hidden shadows at malalalim na paghinga namin. Habang tumatagal ay mas lalo akong kinakain ng takot at kaba.

"May pamilya ba ang pasyente dito?"- napaangat kami ng mukha at mabilis na umayos ng tayo ng makitang lumabas na pala ang doctor mula sa loob ng operating room.

"Yes doc, kami po. What happened to him?"- sabay na sagot ng hidden shadows at lumapit sa harap ng doctor.

Gusto ko ring lumapit at magtanong pero masyadong nanghihina ang katawan ko. Mas lalo akong kinabahan ng biglang lumungkot ang mukha ng doctor at bahagyang yumuko.

"I'm sorry, we did everything we could to save him but he had a sudden cardiac arrest during the operation and.. He didn't make it."

Napaawang ang labi ko sa narinig. Parang literal na bumagsak ang mundo ko. Unti-unti akong dumaosdus pababa sa sahig. Agad akong dinaluhan nila Alice, Majesty, Clarity at Kayleigh.

"No.. No.. That's not true.. H-he's lying.."- ang sakit! Nanlalabo ang paningin ko sa dami ng luhang gustong lumabas sa mga mata ko.

"Ssshh.. Nandito lang kami."- pagpapakalma sakin ni Alice pero halos hindi ko na iyon maintindihan.

"H-he's alive. That wasn't true.."- napahawak ako sa dibdib ko dahil halos hindi na ako makahinga sa sobrang pag-iyak at sa sakit na nararamdaman ko.



"Anak what happened?"- napaangat ako ng mukha ng marinig ko ang boses ni mommy. Mas lalo akong naiyak ng maaninag ko ang nag-aalalang mukha nila ni daddy.

"M-mom.. Dad.. He's gone. And i.. I don't know what to do anymore.."- nanghihinang sabi ko sa pagitan ng paghikbi.

"Hush now baby.. It's okay, im here. We're here for you." Naramdaman ko ang pagyakap sakin ni mommy at tuluyan na akong humagulhol sa pag-iyak.


He's really gone and he left me with a heavy heart.





CAIUS POV

Halos lumipad ang mga motorsiklo namin ng makatanggap kami ng tawag mula kay Casper na may nangyaring masama daw kay Eros. Tang-ina! Ni hindi namin napansin na umalis sya ng mansion.

Halos nagsiksikan pa kami at nagtulakan kung sino ang mauuna pagkarating namin sa entrance ng hospital. Wengya talaga iyong si Lider, hindi pa nga lubusang gumagaling tapos ito nanaman.

Walang tigil kami sa pagmumura habang naghihintay sa labas ng operating room. For people's sake ni minsan hindi ko pa naramdaman ang ganitong kaba, ngayon lang. Pakiramdam ko kasi parang may mali.


"I'm sorry, we did everything we could to save him but he had a sudden cardiac arrest during the operation and.. He didn't make it."

Tang-ina! Parang bigla akong nabingi.

"F*ck you! Anong sinasabi mo?! Ginagago mo ba kami?"- galit na galit na sigaw ni Casper at kinuwelyuhan ang doctor na mabilis namang inawat ni Archer.

Bigla akong nanghina at napasandal sa pader. Nakita kong inuntog ni Gypsy ang ulo nya sa pader na agad namang pinigilan ni Kinsley.

"P*ta! Ano to? Pagkatapos mong makipaglaban kay satanas at makipagpatayan kay kamatayan, susuko ka nalang ng ganito? Tang-ina naman."- narinig kong saad ni Aiden at paulit-ulit na sinutok ang pader na syang inawat din ni Archer. Mas lalo kaming nanghina ng ilabas na mula sa operating room ang katawan nyang natatakpan ng puting kumot.

Walang nagtakang lumapit samin. Napahilamos ako sa mukha ko at hindi ko namalayan na kanina pa pala ako umiiyak. Putang-ina talaga! Buong buhay ko ngayon lang ako umiyak.

Hindi ko kayang tingnan sya, dahil sa oras na ginawa ko iyon. Yun ang magpapagising sakin, samin sa katotohan na wala na talaga sya.

"P*tang inang yan! Wala manlang kaming nagawa."- pagmumura ko at napaupo sa sahig.


He fucking leave us full of regrets!



"Tang-ina mo talaga Eros! Gagohan ba to?"- halos magwala na si Kinsley na ngayon ay si Aiden naman ang umaawat.

"Nagsawa ka na ba samin Lider? Pramis! Hindi na kami magpapasaway."- mahinang sabi ni Gypsy na hanggang ngayon ay nakayukyok pa din ang ulo sa pader.

Mas lalo akong naiyak ng marinig ko ang hinanakit sa mga salita nila at bawat paghikbi. Ang makita silang nagkakaganito ay mas lalong nagdudulot ng sakit. Ito ang unang pagkakataon sa tanang buhay namin na nagkaganito kami. We are completely devastated. Ni hindi ko maisip kung ano ng mangyayari samin gayong wala na si Lider.

P*tang-ina! Ang sakit wengya! Gusto kong magwala at sumigaw. Eros is not just a leader to me. He's my childhood bestfriend and my f*cking cousin. Napakuyom ako ng mahigpit, kung sino man ang may gawa nito ay tinitiyak kong ako mismo ang maghahatid sa kanya sa impyerno.

Umayos ako ng tayo at lumapit sa katawan ni Eros. Hindi ito ang oras para maging mahina kami, may kailangan pa kaming singilin. Kahit saang sulok ng impyerno o kalawakan pa sila magtago, hahanapin at hahanapin ko sila.





I'll make them pay more than they owed to us.

Against the Rules (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon