Chapter 31

482 53 19
                                    

Pansamantala akong tumigil sa paglalagay ng body wash ng marinig ko ang boses nilang apat sa loob ng kwarto ko. Kanina pa kami bumaba sa sala, umakyat lang ulit ako dito para maligo. Hindi ko marinig ng maayos ang pinag-uusapan nila sa labas dahil sa bagsak ng tubig mula sa shower. Ilang sandali lang naman iyon at nawala din. Napailing nalang ako at tinuloy ang pagbabanlaw, baka may naiwan lang sila dito sa loob ng kwarto ko.


Nagpupunas ako ng buhok ng lumabas ako sa banyo.
"Anong kaila-------"- namilog ang mga mata ko at napaawang ang bibig ng hindi silang apat ang nakita ko dito sa loob ng kwarto ko. Buti nalang at sa banyo ako nagbihis ngayon.

Mula sa maaliwalas nyang mukha ay bumaba ang tingin ko sa suot nyang itim na shirt at denim pants. Walang espesyal roon but damn! He looks dazzling.

"B-bakit ka n-nandito?"- nauutal kong tanong. Mataman lang syang nakatingin sakin, instead na sumagot ay tinawid nya ang pagitan naming dalawa. Wala sa sariling napaatras ako pero hindi iyon naging sapat para magkaroon kami ng malaking distansya.

Kusang bumilis ang tibok ng puso ko ng malanghap ang pamilyar na pabango nya. He smelled so good. Para bang ang sarap pumikit tuwing naaamoy ko sya.

"Bakit ako nandito?"- mahinang sabi nya at bumaba ang tingin sa kamay kong may hawak na tuwalya. Nahigit ko ang sariling hininga ng maramdaman ko ang mainit nyang kamay na humawak sa pulsuhan ko. Mas lalong lumakas ang kabog sa dibdib ko ng titigan nya ako ng diretso sa mga mata at ngumiti.


He smiled.


He freaking smiled! Minsan lang sya ngumiti ng ganito. Bilang ang pagkakataon na nakikita ko syang ngumiti. Kusang kumurba ang labi ko at napangiti din habang nakatingin sa kanya.



"I just want to see you."- mababang sabi nya na dahilan upang mag-init ang pisngi ko pero mas lalo pa akong napangiti. Damn! I cant help it but to smile.

Marahan syang tumawa at nanliit ang mga mata nya pero mas lalo lang akong ginanahan na pagmasdan sya. Looking at him is my addiction.

Kinuha nya ang tuwalya na hawak ko at pinatong ito sa ulo ko. sya na ang nagpunas ng basa ko pang buhok habang magkaharap kami. Nakatingin lang ako sa kanya habang tinutuyo nya ang buhok ko pero biglang nawala ang aking ngiti ng may maalala ako. Nag-iwas ako ng tingin at napasimangot.

Mukhang napansin nya iyon kaya natigilan sya.
"What's with the sudden change of mood?"- tanong nya at bahagya akong niyuko para magpantay ang mukha namin.

Umiling ako at umiwas ng tingin pero hinawakan nya ang baba ko at marahang hinarap sa kanya.
"What is it? Tell me."- malumanay na tanong nya.

Kinagat ko ang ibabang labi ko at sinalubong ang tingin nya.
"Ano.. G-gusto ko lang itanong kung ano talaga tayo? K-kasi.. Hindi ko alam kung saan ako lulugar."- mahinang sabi ko. Nawala ang malambot na ekpresyon sa mukha nya kaya kinabahan ako at napayuko.

Stupid Miracle! Baka may hindi sya nagustuhan sa sinabi ko. Muli kong naramdaman ang daliri nya sa baba ko at inangat ang mukha ko. Para naman akong nabunutan ng tinik ng tipid nya akong nginitian.

"Im not a showy type of person Miracle. I love and care silently. But i got sincere in every action i take."- seryosong sabi nya habang titig na titig sa mga mata ko.


"Im not perfect. In fact, im very far from it. Im bad, worst, i hurt people. I can kill someone so easily. But if i could give you one thing in life. i would give you the ability to see yourself through my eyes, only then you will realize.. How special you meant to me."

Gumuhit ang ngiti sa labi ko pagkatapos marinig ang sinabi nya. Umusog ako palapit sa kanya at niyakap sya. Mas lalong lumawak ang ngiti ko ng maramdaman kong ginantihan nya ang yakap ko. Pumulupot ang braso nya sa bewang ko at mas hinapit ako lalo papunta sa kanya.







CLARITY POV

Sumandal ako sa upuan habang nakikinig sa mga sinasabi ni kuya Pierce sa unahan. Kasalukuyan kaming na sa meeting ngayon para sa mga gagawing hakbang tungkol sa Carnal killers at Ferocious.

Humikab ako at nilibot ang paningin sa mga kasamahan namin na seryoso din na nakikinig hanggang sa mahagip ng paningin ko ang dalawang magkatabi sa kabilang upuan at magkahawak ang kamay. Ngumisi ako at napailing, mukha yatang may hindi pa nasasabi si Miracle sa amin.

Dumako ang paningin ko kay Aiden na ngayon ay nakatingin din sakin. Kinindatan nya ako at ngumisi bago muling ibinalik ang atensyon kay Kuya Pierce. Napangisi din ako at tiningnan ang laman ng ipad na hawak ko. We're thinking the same thing.

May natuklasan lang naman kaming dalawa ni Aiden kamakailan lang. Hindi pa namin lubusang natitiyak pero nakakatawang isipin na nagtiwala kami sa kanila. We treat her like a real sister but she's a traitor. Hindi ko aakalain na makakapasok sa heavens agent ang mga tulad nila.




***

Short update.
Unedited.

Against the Rules (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon