Chapter 2: Kidnapped

28 2 0
                                    


Chloue's P.O.V

Nag-lalakad ako ngayon dito sa may village namin papuntang park para magpahinga saglit, nag-jojogging kasi ako every morning nakasanayan na sa korea every 5:00 to 5:40

Habang nag-lalakad ako, may nakasalubong akong puting Van, and laking gulat ko nang huminto ito sa harap ko, at lumabas ang isang lalake na sobrang pamilyar sa akin...

Mataba siya, panget, maitim pero di gaano, tapos maliit..

Bigla niya na lang akong hinawakan at tinakpan nang panyo ang aking ilong at bibig para di ako makasigaw, and I just feel someone that punched my tummy, then everything went black.

•~•

"Ah" ani ko nang magising ako nang medyo nahihilo, pagtingin ko sa paligid ko puro lalaki ang nandon at ang papanget at nakakatakot sila "Nasan ako?! Bakit andito ako???" Tanong ko

"Aba, gising ka na pala miss sexy, di mo ba ako naalala???"
Sabi nung baboy na pangit habang papalapit sakin...

Sexy??? Ay, oo nga pala naka-sportsbra and shorts nga pala ako...

"Sino ka ba talaga ha? Baboy!?" Sigaw ko sa kaniya

"Ako lang namn si Joshua, ang leader nang Gang na kalaban nang magaling mong boypren" sabi nito...

Hanudaw??? Boypren??? Eh last time I check single ako, kasi nagbreak na kami ni- Ayun! siya si Joshua yung laging nangkikidnap sakin dati kasi gusto niyang sumapi ang gang nang ex ko sa gang nila! And wait, di ba siya na-inform na break na kami??

"Teka lang ha, first of all wala akong boypren dahil matagal na kaming break!" Sigaw ko sakanya

"Don't me, akala mo makakalusot sakin yang palusot mo???
Hindi!" Sigaw nito "And isa pa, papunta na yung magaling mong boypren na si Jairah, kaya miss Cass-" Naputol ang sasabihin nito nang biglang may nagpaputok nang baril...
Kaya agad itong nanigas...

"Baboy!" Sigaw nung lalaking nagpaputok nang baril...

Nang marinig ko ang boses niya, parang feeling ko iiyak ako...
Kasi narinig ko yung boses nang tao na minahal ko...
Yung boses na ang tagal tagal ko nang gustong marinig muli...

"Jai-" naputol ang ibubulong ko nang biglang may humawak sa balikat ko...

"Cass, ok ka lang ba? May masakit ba sayo? May sugat ka ba?"
Sunod-sunod na tanong nito at halata mong nag-aalala..

"O-okay lang ako" sagot ko...

"Hoy jairah halikana, natanggal na ni Carl yung tali jan sa kay Babs" Sabi ni Jess at biglang tumingin sakin at ngumiti "Good to see you again, babs" saad nito...

Enemies To LoversWhere stories live. Discover now