Chloue's POV
Di ako makapaniwala na yakap-yakap ko na yung best friend ko na 3 years ko nang di nakikita!
Siya si Chris Park, best friend ko siya. Nung naging kami ni Jirah na pinsan niya, umalis na lang siya ng di nag-papaalam and hanggang ngayon di ko alam kung anong dahilan.
"Bes, namiss kita!" Sigaw ko tsaka hinampas yung likod niya at kumalas sa yakap niya.
"Well... Di kita namiss" sambit nito.
"Che!" Sigaw ko sa kaniya at nag-pout
"Joke lang naman eh! Namiss din kita! Namiss ko yung dyosa kong bes!" Pang-aamo nito at akmang yayakap pa sa akin
"Hoy! Hoy! Hoy! Kanina ka pa akap-ng akap ah! Hokage ka parin talaga kahit kailan" sambit ko, "baba na tayo, para makasabay tayo kila mommy at kila kuya" sambit ko
"Well. Wala sila kuya at mommy at daddy mo for 1 week, kaya ako muna ang kasama mo. Pinakiusapan ako ng mommy and daddy mo ma samahan ka muna dito kasi yung mga kasambahay niyo pinag-day off muna ng daddy mo for one week para makauwi sila sa mga pamilya nila." Hmmmm.
"Ah. Ok, kain na pala muna tayo. Gutom na rin ako eh" yaya ko sa kaniya
"Mag-mumog ka muna! Tsaka mag-hilamos! Mamaya may panis na laway ka pa diyan eh!" Utos nito kaya napatawa na lang ako.
Hahahaha kahit kailan talaga siya! Di siya nag-bago, yung itsura niya lang.
Bumaba na siya at aayusin pa daw niya yung hapag-kainan, sabi ko tutulong na ko pero sabi niya wag na daw. Mag-ayos na lang daw ako ng sarile ko.
Galing niya mag-utos, oo. Saya saya eh!
After ko mag-ayos ng sarili, bumaba na ako.
"Wow! Mumkhang masarap yan ah!" Sarkastikong sabi ko
"Oo ah! Ako nag-luto eh!" Sabi pa nito.
"Tanga! Malamang iisa lang naman ang lasa ng hotdog at homi eh!(homi na noodles)" sabi ko dito kaya napahagalpak siya
"Kiw!" Sigaw nito, "ok lang yan Bes, almusal pa lang naman eh, dibale babawi ako mamaya, dun tayo sa restaurant kakain ng lunch" sabi nito kaya nabuhayan ako
"Yun! Haha sige pala kain na tayo" yaya ko.
I really do miss him...
To be continued.
