Niel
"Kuyaaa gising na! Pambihira o, late ka nanaman" sigaw ni Charlie, kapatid ko. Argh, Sabado lang ngayon ah? Kung makagising naman 'to.
"Hmpph maaga pa. Sige na bumalik ka na sa pagtulog mo"
"Pero kuya kasi ano-" Inalis ko yung unan na pinantatakip ko.
"Ano?"
"Nagiintay sa labas yung crush mo" Sinabi niya ng pabulong, kulang na lang hindi ko marinig yung sinasabi niya. Medyo natatawa siya pero di ko malaman kung bakit. Automatic napabangon ako at napasigaw ng malakas sa aking inaasahan.
"HA?!"
"Tss. Hahah. Loko lang kuya. Alam ko namang di ka dyan makakabangon kung di ko yun sasabihin" Matawa-tawa siya sa pagkakasabi. Napagtripan nanaman ako. 12 years old si Charlie, pangatlo sa aming magkakapatid. Siya madalas ang di nawawalan ng biro sa aming pamilya kaya ganun kami kasaya palagi.
"Tch, ewan ko sayo" Nilagpasan ko siya at tumingin sa salamin para magayos ng buhok at pagkatapos ay lumabas para kumain.
"Uy kuya gising ka na pala. Umalis muna saglit sila Mama. Ikaw na daw muna bahala magluto" sabi ng kapatid kong si Ivan mula sa sala. Napailing nalang ako.
"Sige, bantayan mo muna sila Jace, Ellie at Charlie. Bibili lang ako saglit" Kinuha ko ang wallet, susi at jacket kong na nasa rack at pumunta sa garahe para kunin ang aking bisikleta.
Madalas pag may bibilhin o may pupuntahan na hindi kalayuan, etong bike ang ginagamit ko. Para makatipid din. Di tulad ng motor o ng kotse, magpapa-gasolina pa. Sabi nila Mama masyado daw akong mapagtiis at matipid pero sadyang ganun lang ako. Ayoko nang ano pang arte sa buhay, simple sa'kin okay na.
Naramdaman ko ang malamig na simoy ng hangin at ang mapayapang panahon. Hindi gaano mainit at may pagkakulimlim. Tama lang para mag-kape. Isang padyak lang saking bisikleta at kasama na ako ng hangin.
----------
Kirsten
"Kirsten, anak, okay ka lang ba?" I was met by my Mum's worried eyes. She slightly pat me on the shoulder and give me a small smile.
"Opo, pagod lang po ako siguro." I return back a smile to reassure her I'm fine.
"Well we'll get there soon. Hang for a minute, kay?"
Tumango ako at tumingin sa bintana.
Andami kong iniisip pati yung mga bagay na hindi ko dapat alalanin, inaalala ko. I try not to overthink pero hindi ako pinapapahinga ng utak ko. Gusto kong bumalik dahil marami akong naiwan pero. . . gusto ko rin umiwas dahil andami kong nasaktan. Ano na ngayon ang gagawin ko?
Tumingin ako sa relo ko. 10:30.
"Hang in your seats. We'll land in shortly" sabi ng stewardess sa speaker.
Hinga Kirsten. Kumalma ka, kaya mo yan.
Just as I was about to arrange my things, nag-buzz yung phone ko. On the contact, it says, "Vince". I click the message, it read.
"Heard you're back. Inform me kung nasaan na kayo nila Tita. I'll see you in a couple of minutes. Take care and be safe"
In which I replied,
"Still on the plane but we'll land in soon. Kain muna daw kami. Tanda mo pa ba yung cafe na napuntahan natin? Sasabihin ko kay Mum dun nalang tayo kumain for brunch".
And pressed send. I leaned on my seat. This is going to be a looooooong day.
Pagkababa namin ng plane, I was welcomed by the familiar air and the warm people. Yun nga lang, hindi gaanong kainit, malayo sa ine-expect ko kasi parang ayun na ang pinaka-trade mark ng bansang ito pero nowadays there's nothing much to expect, seeing palagi nalang pabago-bago ang panahon.
BINABASA MO ANG
A Trip to Destiny (k.n)
Teen FictionThey're best friends ever since they were five. Grew up together and got separated at the age of ten. By the age of 17, she returns to make up the days, months, years she was gone. But thing is, would things change or would things remain just the sa...