Chapter 6 - Fiesta Engrande

336 10 5
                                    



Kirsten

An hour had already passed. It is now 5:30 at katatapos lang naming mag merienda. Naisipan naming tumigil muna sa paglaro at maglakad-lakad nalang. Pumasok sa isipan ko si Charlie at napansin na hindi pa siya nakababalik. Hindi kaya napasabak na siya sa mga laro dun? But I know hindi naman siya mapapabayaan, knowing she has five brothers behind her back.

Ginala ko ang tingin ko kung saan-saan at napatapat sa isang stage sa kabilang banda ng perya. Simula dito, mapapansin mo ang ilaw na nanggagaling doon at maririnig ang mga sigaw ng tao. Na-curious ako masyado at natanong kay ate Dianne kung puwede kaming pumunta doon. Sabi niya wala naman daw kaming rason kung bakit hindi dapat so why not give it a try. Na-feel 'kong nag boost bigla ang saya na nararamdaman ko.

Kanina pa lang, pagkakarating namin dito, it already caught my eye, kahit medyo malayo siya at hindi pa gaanong clear sa paningin. Now, mapupuntahan at makikita na namin siya ng malapitan.

Sa bawat paglakad at paglapit namin sa stage ay ang paglakas ng boses at tawanan ng tao. Naabutan namin ay isang Comedy show, pagkarating roon ay nagsisimula na agad ito. Sinundan ko si Ate Dianne at pumwesto sa dulong unahan.

"Nasa department store lang ako nung isang araw" Pagkuwento ng comedian. "At nagtitingin ako ng sapatos, nilapitan ko ang isang saleslady don at tinanong siya, sabi ko, 'Hi miss, could you get me one of this?' Malaki kasi sa'kin yung nakita kong sapatos kaya nagpapakuha pa ako ng isa. Sinabi niyang babalik siya. Pagkabalik niya kala ko'y dadalan ako ng isang pares ng sapatos pero nakita ko isa lang ang hawak niya" Ngayon ay tumahimik ang mga tao at nakatingin lamang sa kanya, nagiintay sa kanyang susunod na sasabihin.

"Sabi ko, bakit isa lang? At hulaan niyo ang sinabi niya. Sabi niya, e di ba sir sabi mo to get you ONE, right?" Nagtawanan ang mga tao, napatawa pati kami.

Kumuha ng tao sa audience at um-acting kasama ang comedian. Mas lalong lumakas ang tawanan ng nagkamali sila ng mga sinasabi kaya nag ad-lib nalang sila. Yung kung ano nalang masabi pero somewhat may sense at nakakatawa parin. But that didn't take long dahil natapos din ito kaagad.

Pinasimulan naman ang pag-introduce sa isang girl na kakanta. She started strumming on her guitar and started the first verse to "Titibo-tibo"

"Elementary pa lang napapansin na nila

Mga gawi kong parang hindi pambabae e kasi

Imbes na Chinese garter laruan ko ay teks at jolens

Tapos ka-jamming ko lagi noon mga sigang lalaki sa amin"

"Nung ako'y mag-high school ay napabarkada sa mga bi

Curious na babae na ang hanap din ay babae

Sa halip na makeup kit bitbit ko ay gitara

Tapos pormahan ko lagi ay long sleeves na tshirt at faded na lonta"

"Pero noong nakilala kita nagbagong bigla ang aking timpla

Natuto ako na magparebond at mag-ahit ng kilay at least once a month

Hindi ko alam kung anong meron ka na sa akin ay nagpalambot nang bigla

Sinong mag-aakalang lalake pala ang bibihag sa tulad kong tigreng gala"

"Everybody sing with me" She said from the microphone at nakisabay ang lahat sa kanya sa pagkanta sa chorus. Nakisama rin ako, I poured my heart out onto the song.

"Kahit ako'y titibo-tibo

Puso ko ay titibok-tibok pa rin sa'yo

Isang halik mo lamang at ako ay tinatablan

A Trip to Destiny (k.n)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon