NielAno kaya ang ibig sabihin niya dun? Umiling ako. Nagpaulit-ulit nanaman sa aking isipan ang sinabi ng matanda, rason lamang para sumala at sumala ang mga daliri ko sa strings ng gitara. Nawala ako sa pagtugtog at saglit na bumalik sa mga pangyayari nung araw na iyon.
*Flashback*
Dala-dala parin ang aking bisikleta, naglibot-libot ako sa parke at tumingin kung saan-saan. Hindi ko alam kung anong gagawin dito, pero tulad nga ng sabi ko, bahala na. Kung saan ako dalhin ng mga paa ko.
Mga ganitong oras, lalo na mainit, kaunti pa lang ang tao. Kadalasan, madami 'kang makikita dito pag alas-kwatro hanngang alas-sinko. Kung kelan hindi na ganun ka-araw at kainitan. Pag Sabado at Linggo pinupuntahan din ito dahil dito nagpi-picnic ang iba't-ibang pamilya pero sa gantong pagkakataon, partikular ngayong araw, hindi gaano. Siguro mamaya, pero hindi ngayong kainitan kung saan mas pipiliin nalang ng tao mamalagi sa bahay.
Pero ganunpaman, meron parin nagpapalipas-oras dito tulad ko. Mga batang nagii-skateboard, magkakasintahan at mga taong ginagala ang kanilang aso. Syempre hindi din mawawala d'yan ang mga nagtitinda. Hindi nga lang sila nagpapalipas oras kundi kumakayod para sa kanilang pamilya.
Nagpatuloy ako sa pagbibisikleta hanggang sa 'di ko namalayan nakabungo na ako ng isang tao. Sa gulat, mabilis akong bumaba sa'king bisikleta at nilapitan siya. Siya'y naka-saklob na itim kaya hindi ko makita ang kanyang mukha pero masasabi 'kong may edad na siya.
"Pasensya na po, hindi ko sinasadya. Napabilis lang po ang takbo ko, 'di ko agad natip-"
Tutulungan ko na sana siya. Dahan-dahan ko siyang hinawakan sa likod, sabay abot ang ng aking kamay na kala ko'y kunin niya pero umilag lang siya at umiwas."Ikaw bata ka 'di ka nag-iingat! Tingnan mo nga ang dinadaanan mo" Pilit siyang tumayo. Mabilis naman akong hinawakan siya sa kamay at inalalayan kahit alam 'kong galit na galit siya sa'kin. Pinagpag niya ang kanyang damit at tinanggal ang dumi at alikabok na kumapit dito. "Hay nako oo! Kayong mga batang desgrasyado!"
"Pasensya na po talaga. M-may sugat o galos po ba kayo? Ano 'pong puwede 'kong maitulong?"
"A-ah wala naman," Biglang huminahon ang boses niya at kaagad napatingin sa'kin. Sa pagkakakita niya sa'kin, nanlaki ang mata niya sa gulat. Tinitigan ko naman siyang mabuti. Parang nakita ko na siya.
"Ikaw" Sabi niya na parang nakikilala ako. Ang kanina lang naglupuyos ng galit ay napaltan ng pagkatuwa na may halong mukha ng pagkilala.
San ko ba siya nakita? Nakakasigirado akong nakita ko na siya, hindi ko lang matandaan kung saan.
"P-po?"
"Ikaw na nakita ko sa Divisoria" Napakamot ako ng ulo. Bakit hindi ko siya matandaan?
Patuloy ko siyang tinitigan, at sinubukang kilalanin siya."Hijo," Di-inaasahan natulala nalang ako.
"Anak,"'
"Ayos ka lang baga? Pasensya ka na kung natakot kita kanina"
"E' bat parang nakakita ka na d'yan ng multo, hindi ka na nakapagsalita?"
"Hijo-"
"HIJO!"
"Ha? Ano po yun?" Binigyan niya ako ng tingin at umiling. "Hay nako oo, ikaw na bata ka"
"S-sorry po" Tumango siya. Bigla ko naman nakita ang pagtingin niya sa aking braso, kung saan malapit sa aking kamay. Napatingin din ako, dala ng pagtataka ko. Tinignan niya ito hanggang sa nailang ako kaya hinimas ko ito.
BINABASA MO ANG
A Trip to Destiny (k.n)
Teen FictionThey're best friends ever since they were five. Grew up together and got separated at the age of ten. By the age of 17, she returns to make up the days, months, years she was gone. But thing is, would things change or would things remain just the sa...