Kirsten
Kring! Kring! Kring! Napagulong ako at bumagsak sa kama sa pagkakagulat ng ring ng alarm clock. Pinatay ko ito at nauntog naman ang ulo ko sa bed post. Ow!
Hinimas-himas ko ang aking ulo at napatingin sa orasan. 8:15. Tumayo na ako para ayusin ang bed sheets nang napansin kong tahimik. Walang tawanan, sigawan o anumang asaran. I scanned my eyes across the room. Wala sila Ate Gab, Alex, Sarah, at iba ko pang mga pinsan. Neatly folded ang sheets na pinaghigaan nila kagabi, nakaayos na ang mga unan at nakatiklop na ang mga comforter. Hindi pa sila nakaaalis, they would at least say good bye, kilala ko sila.
I immediately twisted the door knob and hurried downstairs. Patakbo akong bumaba sa hagdan ng makarinig ako ng mga taong naguusap sa may dining table. Nang makalapit na ako, napatingin sila lahat sa'kin at binati ako ng "Good Morning". I returned back the greeting and took a seat beside Jamie.
"Hindi ka muna namin ginising dahil ang sarap ng tulog mo. We couldn't wake you up" Ate Dianne said apologetically.
"It's okay lang po. I had the best sleep, thank you" Nilapat ko ang ang aking kamay sa kamay ni Ate Gab to reassure her it's fine. Tumango nalang siya. Nilapat naman sa'kin ni Ate Dianne ang pinggan na may dalawang pancake at nilagyan ito ng butter at syrup. Bumalik din siya sa kanyang pagkain matapos. Ngumiti ako sa kanya. The the thing about Ate Dianne is that she's so caring. Kaya almost sister nadin ang turing ko sa kanya dahil kung makaalaga siya sa'kin ay parang tunay niya nadin akong kapatid. I always admire her for that.
Nang nasa kalagitnaan na ako ng pagubos ng pangalawa kong pancake napansin ko na wala si Mom at Dad. Napansin ko na hindi nila ako ginigising ngayon kahit kadalasan na yun nila ginagawa bago umalis. Hindi ko din maintindihan kung bakit wala pati si Mom. Si Dad, understandable na nagwo-work pero si Mom, she's on vacation break, tulad ko. Yun nga lang I'm on school break and not on work break.
Itatanong ko na sana ang pagkawala nila Mom at Dad ng nagsalita si Sarah. Para bang nabasa na niya ang aking isip at alam na ang aking tatanungin.
"And oh, by the way, may iniwang note sila Tito at Tita para sayo. Naka-stick siya dun sa may fridge. Ininvite sila ng isang close friend nila para sa isang salo-salo and they needed to be there on time kaya nakaalis sila ng maaga"
Itatanong ko na sana kung saan ng pinigilan ko ang aking sarili. Baka hindi din nila alam. Napatango nalang ako at nagpatuloy sa pagkain. Isa lang ang aking nasa isip. Yung note. Kirsten, don't forget.
Pagkatapos namin kumain, tinulungan ko si Ate Gab sa paghuhugas ng pinggan. Habang sila Sarah at Jamie naman ang nagpunas ng lamesa.
Nakikipagusap lang ako kay Ate Gab ng narinig namin si Alex mula sa sala.
"Ah! I can't wait!" Tumalon-talon si Alex at nagsisigaw sa sofa. Nakita siguro ni Ate Gab ang pagkalito ko na makikita sa aking mukha kaya siya ay natawa.
"Ate Gab, may na-miss ba ako?"
"Nothing, love. May pupuntahan lang tayo. Sadyang excited lang yan sila. First time lang kasi e" Kinindatan niya ako at mas lalo pa akong naguluhan.
Sumama naman si Fhiona at nag-ingay kasama ni Alex.
"WE'RE GOING TO A FIESTA, WE'RE GOING TO A FIESTA!"
"Fiesta?" Napatingin ako kay Ate Gab at nag-shrug lang siya. "You heard it right. Now go get ready. Ako na bahala dito" Tinapik niya ako ng mahina sa balikat. Sa pagtapik niya napansin ko na paakyat nadin sila ng hagdan. I assume na maghahanda na sila.
Pumunta muna ako saglit sa kusina at nakita ang yellow post-it note doon na nakadikit sa labas ng refrigerator. The note says:
Good morning, Princess!
BINABASA MO ANG
A Trip to Destiny (k.n)
Teen FictionThey're best friends ever since they were five. Grew up together and got separated at the age of ten. By the age of 17, she returns to make up the days, months, years she was gone. But thing is, would things change or would things remain just the sa...