Chapter 9 - Shocks & Surprises

207 5 6
                                    

Kirsten

It's just like any typical Sunday. Mainit pero mahangin, madaming nagtitinda, at simula pa lang nagdadagsaan ang mga tao sa simbahan. Considering, there's still plenty of time left before the mass starts, hindi nakakapagtaka na ngayon pa lang din dumadating yung iba.

We are ahead of time today, and it's all because of me. Nagising ako ng maaga, na kinatuwa masyado nila Mommy dahil ngayon hindi na daw namin kailangan pang mag mabilis at mag hanap ng upuan pagkadating. It's somehow unusual dahil expected ko na mala-late ako nang gising matapos 'kong magpuyat kagabi dahil sa tinatapos kong palabas; isama nadin ang pagkausap kay Niel, na parang nawala nalang ng isang iglap kagabi.

*Throwback*

"Niel? Narinig mo ba ko?"

No answer.

"Magkita tayo sa Monday okay?"

Again, no answer.

Maya-maya may narinig akong gumalaw kaya nagpatuloy ako sa pagtanong. Hindi ko masasabi pero baka gising siya, sadyang niloloko lang ako.

"Niel?"

This time sumagot siya, at ibang-iba ang sinabi niya saking inaasahan.

"Gusto ko kisses" He said with his muffled voice.

"H-ha?"

"Gusto kit-"

His words were cut-off. Pero hinintay ko parin siya mag salita.

". . . kat" Gusto niya ng kit-kat?

"Hello Niel?"

Wala paring sumagot pero nagpatuloy ang paggalaw.

"Okay ka lang?"

Silence.

Napabuntong-hininga ako. "Sana habang naguusap ako ngayon, naka-record din itong phone mo para pagkagising mo malaman mo lahat ng sinabi ko sayo"

Yet another silence.

"Baka tulog ka na. I'll see you soon. Goodnight"

Bago ko pa man i-press yung end call, may biglang nagsalita. And it isn't Niel, but Charlie.

"Ate Kirsten?"

"Charlie?"

"At your service" Sagot niya na parang iniimitate ang isang cashier crew.

"Hello," Napatigil ako saglit bago magsalita ulit. "Uh, ang kuya mo?"

"Tulog na si kuya e" Tulog na? Bakit parang kakausap ko lang siya kanya?

"Oh"

"Bakit Ate Kirsten?" I figured napansin niya yung pagbaba at paghina ng boses ko kaya siya biglang napatanong.

"Kala ko narinig ko siya pero baka nagkakamali lang ako" She seem to find amusement on what I said so she let out a hearty laugh.

"Ah, opo, si kuya nga yun. Nags-sleep talk kasi. Napansin ko nga parang nagiging habit na niya dahil madalas na siya nagkaka-ganyan. Buti nalang talaga hindi kami magkaparehas ng kuwarto  kundi gabi-gabi akong di makakatulog" Hindi man inaasahan, hindi ko na napigilan ang aking sarili sa pagtawa.

"Sorry nga pala ate Kirsten kung ngayon lang ako nakasagot, hindi ko alam kung paano i-operate 'tong phone niya e"

"That's okay" I reassured her.

A Trip to Destiny (k.n)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon