Chapter 3 - The Past and the Present

522 7 0
                                    

Charlie

Ilang oras nalang at gigising nadin si Faye. Napatingin ako sa orasan at mabilis tinulungan si Mama sa paghahanda ng mga pagkain sa lamesa. Maga-anim na taon ngayon si Faye at naisipan namin supresahin siya ngayong umaga. Maaga pa lang ay tinulungan ko na si Mama sa pagluluto habang ang aking mga kuya ang namili para sa mga lobo.

Bigla akong napalaway sa mga nakahang sopas, pansit, pichi-pichi, malabon, chicken at hotdog. Paakma na akong kukuha ng isang pichi-pichi ng sinita ako ni Mama.

"Charlie-" Binigay niya sa'kin ang tingin na palagi niyang ginagamit sa amin. Yung tingin na nagsasabing "Ibaba mo yan kundi hindi ka makakakain mamaya" Pa-simple kong binalik ang pichi-ichi sa lalagyan at sumimangot.

"Ma kahit isa lang?" Pangungulit ko. Ilang oras din ginugol ko sa pagluluto no, deserve ko din makatikim.

"Charlita!" Pagsita ni Mama. Ayun nanaman at narinig ko ang aking buong pangalan. Nakaugalian na kasi yun ni Mama, ang tawagin kami sa buo naming pangalan para mapasunod niya kami pag nagiging pasaway kami, at sa pag-"kami" ko, tinutukoy ko lamang ay ang aking sarili. Madalas ko nalang tinatawanan pag tinatawag nila ako sa buo kong pangalan pero ang hindi nila alam ay kinamumuhian ko ang pangalan na iyan. Bakit naman Charlita pa? Sa lahat naman kasi ng pangalan sa mundo. Ni hindi ko alam sa aking mga magulang kung saang Baby book nila nahanap yun o sadyang nawalan na sila ng choice kaya dun nalang nag-stick. At ngayon, kaya mas ginugusto ko nalang tawaging Charlie.

"Intayin mo ng gumising si Faye at ang pagdating ng mga Papa mo" Umalis ako sa lamesa at pumunta nalamang sa sala para manuod ng TV. Maya-maya lamang narinig ko ang mga sigaw at hiyaw nila kuya Niel.

"HAPPY BIRTHDAY TO YOU, HAPPY BIRTHDAY TO YOU-" Pagkanta ni kuya Niel at Ivan papasok na may dala-dalang lobo.

"Ay! Excited much? Wala pa, hindi pa gising si Faye. Naghahanda palang kami ni Mama" Sabi ko kila kuya Ivan, Niel at Papa na nakatulala ang mga mukha dahil sa kahihiyan. Natawa ako sa kanilang mga reaksyon. Kala nila, ah?

Bumalik ako kay Mama para tulungan siya sa paghahain nung mga pagkain. Hays, di ko talaga maalis sa isip kung anong lasa ng ibang mga pagkain na niluto ni Mama. Nalingat lang ako ng tingin saglit ay nakita ko ang dalawa kong magaling na kuya, nakain ng pichi-pichi. Aba, aba, aba. . .

"Hoy!" Sigaw ko sa kanila.

"Enu?" Namumungalang sagot nung dalawa.

"Anong ginagawa niyo ha!" Tanong ko. Di ko mapigilan ang aking inis.

"Nakain. Ano sa tingin mo?" Sagot ni kuya Ivan. Aba'y namilosopo pa. Binatukan ko silang dalawa. Kasi naman ako nga hindi nakakagat ng kahit katiting nung pichi-pichi tapos sila kung kumain parang wala ng bukas, at ako, I mean kami ni Mama, ang gumawa non.

"Aray!" Sabay nilang sabi sabay hawak sa batok.

"Ma! Sila kuya o, kumakain ng pichi-pichi. Ang DAYA!" Bulaslas ko.

"Hay naku, akin na nga yang pichi-pichi, tatabi ko muna sa ref para walang away" Napailing si Mama habang binabalik sa ref yung pichi-pichi. Hindi man lang ako nakakain kahit isa man lang nun. Lumingon ako sa direksiyon nila kuya at pinanlisikan sila ng mata.

"Tingin ka dyan?" Tanong ni kuya Niel.

"Kasi naman. . . hindi manlang ako nakakain nung pichi-pichi"

Natawa si kuya at sinenyasan akong lumapit sa kanya. Lumapit ako at nakita kong may tinatago siyang platitong may pichi-pichi at binigay sa'kin.

"Yown! Thank you kuya! Sabay kuha ko ng pichi-pichi.

A Trip to Destiny (k.n)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon