*Few days later*
Niel
Sabado ngayon, ibig sabihin lang araw nang gawaing bahay. Pero kung sinusuwerte nga naman, dahil imbis na yung bahay yung linisin ko, nautusan ako ni Papa linisin yung kotse.
Pero suwerte na kami at yung kotse yung lilinisin namin, at least mas gugustuhin ko yun sa paglilinis at pagkukuskos nang buong bahay. Mas mahirap pa kasi 'ata yon, lalo na't pag nakatingin si Mama sa bawat kilos na ginagawa namin.
"E kuya, alam na ba yan nila Mama?" Patuloy na pagtatanong ni Ivan simula pa lang kanina. Nagpatuloy lang ako sa pagpunas ng winshield at nanatiling tahimik.
Hindi ko balak sabihin sa kanya dahil nag-iintay pa ako ng pagkakataon pero eto ako ngayon, at masasabi ko na 'ata ang buong plano ko. Ni minsan hindi talaga ako naging magaling sa pagtatago ng isang bagay sa kanila, kahit sandali lang.
Umiling ako. "Hindi pa. Pero plano ko din. Siguro hindi lang ngayon" Sa gilid ng mga mata ko, nakita kong tumingin siya sa'kin. Hula ko naguguluhan siya at nagtataka bakit kailangan ko pa 'tong itago at mag-intay ng tamang panahon para sabihin sa kanila.
"Bakit?"
"Gusto ko sanang supresahin sila" Napansin kong bigla siyang natahimik kaya baka naiintindihan nadin niya sa wakas.
"Sa ngayon sa atin muna. Walang munang makakaalam" Tumango siya at nagpatuloy sa pag linis nang gulong ng kotse.
Maya-maya ay bumukas ang pinto at nakita namin sila Mama at Papa na parehas na nakabihis na parang may pupuntahan.
"Alis muna kami. Niel, ikaw na bahala sa mga kapatid mo. Babalik din kami mamaya" Tinapik ako ni Papa sa aking balikat at nag-paalam. Ganun din si Mama na nagbilin sa'min ng karaniwan niyang binibilin; kumain sa oras, mag-linis ng bahay at iba pa.
Nang nakaalis na sila ay dali-dali ako sa pag-igib ng tubig. Ibinuhos ko ito sa kotse, pati nadin sa mga gulong nito. Pagkatapos ay nag paalam din ako sa kanya para maligo.
Hindi ako nagtagal ng isang oras at 30 minutes natapos din ako. Medyo nagmamadali din kasi ako ngayon dahil may pupuntahan ako. Pero saan ba at ano yung lokasyon? Sikreto muna siguro sa ngayon.
"Nalaman mo na ba?" Pagtanong ni Jade mula sa phone.
"Oo. Nasaan na kayo?"
"Malapit na, papunta na kami sa inyo"
"Sige" Binaba ko agad ang cellphone at biglang napabaling ang aking tingin kina Faye, Charlie at Ivan na tahimik nanunuod sa sala. Biglang sumagi sa aking isipan na maiiwan nga pala sila dito sa bahay.
Napansin ni Charlie ang pagtingin ko sa kanila kaya kumunot ang noo niya at tiningnan ako ng mariin.
"Bakit ka nakabihis kuya?"
"May gala lang kami" Umiwas ako ng tingin sa kanya at biglang napakamot ng batok.
"Ano namang gala yan, ha?"
Dahil sa sinabi niya, bigla akong nakosensya. Ayoko naman silang iwan dito dahil tiyak malalagot ako kila Mama pero hindi naman din puwedeng hindi ako pumunta dahil sayang yung opportunity. Dahil nandyan lang din naman.
"Hindi ko puwedeng sabihin" Nakita ko na biglang napatingin si Ivan at sinenyasan ko itong tumahimik. Napansin ni Charlie ang pagsesenyasan namin kaya napatayo siya sa kanyang inuupuan, pumamewang, at sabay tinuro kaming dalawa.
"May tinatago ba kayo sa'min?"
"Wala, wala" Sabay kaming magsabi ni Ivan, para hindi na kami tanungin pa ni Charlie pero nagkamali kami dahil nasundan pa ng maraming tanong ang tanong niya.
BINABASA MO ANG
A Trip to Destiny (k.n)
Novela JuvenilThey're best friends ever since they were five. Grew up together and got separated at the age of ten. By the age of 17, she returns to make up the days, months, years she was gone. But thing is, would things change or would things remain just the sa...