(May correction ako guys, yung isang brother ni Niel hindi pala "Jace" ang pangalan. Nasulat ko siya by mistake, Ivan talaga yun. Sorry)
Niel
Nag-ingay ang phone at nag ring ng paulit-ulit. Nanatili akong nakapikit at hindi gumagalaw sa aking kinahihigaan. Inabot ko ang cellphone na nasa bedside table. Pagtingin ko ay lumabas ang 15 missed calls galing kay Charlie. Napakunot ako ng noo. Bakit niya naman ako tatawagan? E, nasa isang bahay lang kami? Hindi ba ang weird nun? O baka naman, tinatamad lang ako gisingin kaya cinall nalang ako? Mas lalo naman ata nakaka-ewan yung pakinggan.
Bumangon ako at nag ayos ng buhok. Lumabas ako at nakita lamang ay si Mama, Papa, Lolo, at Lola na nagka-kape sa lamesa. Napansin ni Mama ang pagpapabalik-balik at pagbubukas-sara ko ng pinto kaya siya'y napatanong.
"Hinahanap mo sila 'no? Nasa perya na. Iniwan ka muna. Ang sarap daw kasi ng tulog mo" Pagiling ni Mama na may namamalaging ngiti sa mukha.
"Lakad at mag-ayos ka na. Iniintay ka na ng mga 'yon" Tumango ako. Pero bago pa man ako pa upuin ni Lola para kumain, nakakuha na ako ng dalawang pirasong tinapay at kumagat dito. Yung isa sana, balak ko nang kainin habang naglalakad papunta doon.
"Sigurado ka bang ayaw mong kumain? Mag-kape ka muna dito saglit" Pangumbinse ni Lolo.
"Hindi na po, may mabibili naman doon, baka doon nalang po ako kumain"
"O siya, sige. Huwag 'kang magpapalipas ng gutom" Tumango ako habang hinahawi ang naiwang buhok sa aking unahan. Nagsilawitan parin ito kaya tinanggal ko na ang sinuot kong beanie. Bad hair day, kala ko sa babae lang, pati pala saming lalake. Bahala na, mainit naman.
"Alis na po ako" Pagpapaalam ko sa kanila.
Naglagay ako ng earphones at kumagat sa dala-dalang 'kong tinapay, sinimulan ko ang paglalakad papuntang perya.
Charlie
Tumingin ako sa phone ko at napaangal. Call unattented kanina. Buti nga't kanina nagri-ring pa, e ngayon 'ata ay naka-mute na ang phone dahil hindi na ma-reach. Hay nako kuya, nasaan ka na ba? Hindi mo ba alam na sa bawat hindi mo pagsagot sa mga calls ko ay nababawasan ang chances mo kay Ate Kirsten? Ay, ewan ko sayo. Bahala ka d'yan, hindi mo na talaga siya makikita.
"Maglalalaro lang kami dun" Pagturo ni kuya Jade dun sa parte ng perya na may dalawang bamboo poles at kung saan nagkakaguluhan ang maraming tao.
"Maghiwalay-hiwalay muna tayo. Magsama-sama kayong babae, kami naman ang magsasama. Maglaro muna kayo dun sa mga rides kung gusto niyo" Sumangayon at nasiyahan sila sa sinabi ni kuya Jade pero parang ako lang ang naiba. Maghiwalay? Bakit pa? Bawal ba din kaming maglaro dun? Sa pagkakaalam ko wala namang nagsabi na "Girls aren't allowed to play". Gusto ko sanang sabihin sa kanila na ayoko, nang napansin 'kong naghiwa-hiwalay na sila. Narinig ko bigla ang pagtawag sa'kin ni ate Kirsten. Sinabi ko sa kanya na susunod nalang ako at tumakbo sa direksiyon nila kuya Ivan.
"Kuya! Sama naman sa inyo oh! Please" Nilapat ko ang dalawa 'kong kamay at nag-cute face kay kuya. Baka pag ginawa ko 'to, payagan niya akong sumama sa kanila.
"Hindi mo ako makukuha sa cute face mo, Charlie. Bumalik ka na dun" Nagpatuloy sa paglalakad si kuya Ivan.
"Kuya naman e! Gusto ko nga kasi mag-laro dun" Nagkibitbalikat ako at sumimangot sa kanya.
BINABASA MO ANG
A Trip to Destiny (k.n)
Teen FictionThey're best friends ever since they were five. Grew up together and got separated at the age of ten. By the age of 17, she returns to make up the days, months, years she was gone. But thing is, would things change or would things remain just the sa...