Chapter 2 - Right Places at the Wrong Time

570 19 13
                                    


(Note: I-play niyo yung song na 1, 2, 3 ni TJ Monterde habang binabasa yung story)

Niel

Ang ingay. Pana'y sigawan ang naririnig ko. Kalabog ng kung ano. At tugtugan ng maraming gitara. Anong kaguluhan ang nangyayari sa baba? Napakusot ako ng mata at tinignan ang alarm ko. 6:45. Ang aga naman para dito. Babalik pa sana ako sa pagtulog nang makarinig ako ng isang hiyaw.

"ORLANDO! GISING NAAA!" Tch, gamitin pa talaga ang totoong pangalan ko. Kalimitan ginagamit nila yun pag gusto akong pagkaisahan, kumbaga panukso sa'kin. Hindi sa ayaw kong tawagin ng Orlando pero mas gugustuhin ko pa ang Niel.

Pagkababa ko nakita ko ang aking mga kaibigan sa sala. Nagkakainan at may mga dalang gitara. Kaya pala mas lumigalig pa ang aming bahay. . .

"Ano, bat ngayon ka lang nagising? Sabi nila di ka na nga daw din naghapunan" sabi ni Jade.

Napakamot ako ng batok. "Napasarap ng tulog"

"Sige kain na. Tutugtog pa tayo sa simbahan," sabi naman ni Jason. Tumango nalang ako at umupo sa lamesa. Napansin kong patapos na sila lahat, kami nalang nila Jace at Ivan ang naiwan sa lamesa. Habang kumakain napatingin ako kay Mama na naghuhugas ng pinggan.

"Ma?"

"Oh? Bakit?"

"San kayo galing kahapon?"

Napatahimik silang lahat. Pati nadin ang mga kaibigan ko. Kahapon pa 'to pero may nararamdaman ako na may mali. Na parang may tinatago sila na hindi ko dapat malaman.

"Sa mall. . . namili lang kami ng grocery," Napatingin ako sa mata ni Mama at bigla siyang umiwas at bumalik sa paghuhugas.

Hindi na ako nagsalita pa. Mag-iintay nalang ako. Kung hindi pa ito ang tamang oras para malaman ang lahat, tatanggapin ko. Sana lang pag dumating na ang tamang panahon, sila na mismo magsabi ng totoo.

Pagkaligo at pagkabihis umalis nadin kami. Nagpaalam ako kila Mama at Papa at sinabing mamaya na ulit ako babalik. Sakbit-sakbit ang aking gitara, sabay sabay kaming pumunta sa simbahan.

Ganito kami bawat Linggo, pupunta sa simbahan ilang oras bago mag misa para kami makapaghanda. Bata pa lang kami tumutugtog na kami dito kaya kilala nadin kami ng mga tao. Madalas may sarili kaming oras para tumugtog, pero minsan pag may kulang samin o alanganin ang taong kakanta nakikisabay nadin kami sa choir.

Pagkapasok namin ng simbahan wala pa masyadong tao. Rinig na rinig pa ang mga huni ng ibon at wagaswas ng mga puno sa labas. Isa din yun sa rason bakit gusto ko ang lugar na ito. Bukod sa mapayapa, mahangin at presko. May malaking pintuan ang simbahan sa gilid na kakikitaan ng isang hardin. Dun sa sentro may isang fountain nang anghel na napapalibutan ng kung ano-anong klase at iba't ibang kulay ng bulaklak, puno at halaman.

Sa bilis nang aking paglalakad papunta sa likuran ng simbahan hindi ko na namalayan na naiwan ko na pala ang aking mga kasama.

- - - - - - - - -

Jade

"Psst!" Sitsit ko ng mahina kay Jason at James.

"Bakit? Ano yun?" Bulong ni James. Tinignan naman ako ng mabuti ni Jason.

"Si Niel paano pag nakita niya ngayon si Kirsten?" Napatakip bigla ng bibig si Jason at James.

"Ang OA niyo ha. Seryoso,"

"Edi ilayo natin si Niel kay Kirsten. Ganun lang yun kadali," sabi ni James.

"Talaga? Paano?" Nagkibitbalikat ako.

A Trip to Destiny (k.n)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon