Chapter 6: Ligwak

1K 64 2
                                    


Kinabukasan natatakot ako lumabas dahil baka ipatawag ako ni Sir Levi at paalisin na ng tuluyan dahil sa ginawa ko kagabi.Imbes tuloy na makatulog ako halos umaga na ako nakatulog dahil sa kakaisip dun sa first kiss ko.

"Klu!!."tawag ni ate Beth sa akin ang kusunera dito sa Mansyon..

"Ay!! gurang na yummy!!"sigaw ko sa gulat ko

"Ano ba yan Klu..sinong gurang na yummy?"kunot noo nitong tanong sa akin

"Wag kayo nangggulat ate..kung may sakit ako sa puso malamang tige na ako ditey..

"Eh bakit naman kasi naging magugulatin ka?May ginawa ka bang masama?" seryoso nitong tanong habang may hawak na sandok at nakapameywang pa sa akin..

"Naku ..w-wala po..ako pa ba..ang bait ko kaya."nakangiwi kung sabi

"Oh sya sige at gisingin mo na ang alaga mo para makapag-almusal na.

Habang papunta ako sa kwarto ng alaga ko palinga linga pa ako sa paligid baka biglang sumulpot ang kalaban na may malambot na labi at mabangong hininga.
Maayos naman akong nakarating sa kwarto ng alaga ko ng walang Levi na pakalat kalat.

Pero halos himatayin ako sa takot ng pagbukas ko ng pinto naroon eto at nakaupo sa kama ng anak nya.Lalabas na sana ako ng humarap eto sa akin

"G-Good M-morning po S-sir Levi".pinagpapawisan kung sabi".Pero wala etong sinabi tumayo lang

"Hi..Daddy Morning po..Ate Ganda.."sabi ni Lotty na kagigising lang.Umupo eto at humalik sa ama nya habang ako nanatiling nakatayo sa may pinto at nag nonovena..

"Morning din Baby ganda.."bati ko sa alaga ko

"Ate ganda may sakit po ba kayo?...ang putla mo po kasi eh!!".

"Ha? naku wala..wala Baby..okay si Ate..hehehe..

Agad na tumayo si Lotty at dumerecho sa Banyo kaya sumunod ako para alalayan sya.Habang si Sir Levi nanatiling nakaupo pero nakasunod sa akin ng tingin na lalo kung kinatakot.

Nang matapos kung asikasuhin si Lotty nagdasal ako na sana paglabas namin wala na si Sir pero nandoon pa rin eto naka upo sa kama ng anak nya.

Kaya di ko na lang sya pinansin ni tingnan di ko ginawa dahil natatakot ako na pagalitan or worse malaman pa ng alaga ko yung kapilyahan kung ginawa kagabi sa ama nya.

"Finish your breakfast baby at ako na ang maghahatid sa art class mo.."rinig kung sabi nito.

Pagminamalas ka nga naman oh.!!wala pa ata etong pasok.
patay na ako nito..

Tahimik lang ako sa tabi nya.Kakahatid lang namin kay Lotty akala ko nga di ako sasama.Pero judgement day na,
dalawa nalang kami sa loob ng sasakyan.

"Clover"..tawag nito sa akin..

"Sir..sorry na po talaga..
patawarin nyo na po ako di na talaga ako uulet.Bawasan nyo na lang po yung sahod ko o kaya kahit wag nyo na po akong pasahurin ng isang buwan wag nyo lang po ako pauwiin sa amin."nagmamakaawa kung sagot sa kanya na biglang hininto ang sasakyan sa tabi ng kalsada

"Pag-iisipan ko.."seryoso nitong sagot

"O-okay po.."nakayuko kung sagot

Akala ko uuwi na kami pero nagulat ako ng huminto kami sa isang Restaurant.Dito daw kami magtatanghalian..

"Anong gusto mong kainin?"
tanong nito habang nakaupo kami

"Sir..papaalisin nyo na ba ako?"

"What? tinatanong kita kung anong gusto mo kainin?"medyo galit nitong tanong

"Eh kasi ganun yun eh..
papakainin ka tapos liligwakin na pagkatapos."nahihiya kung sagot

"What's liligwakin?."kunot noo nitong tanong sa akin

"Ah..liligwakin po..it means tatanggalin or aalisin ganun.".

"Bakit ba lagi mo iniisip na papaalisin kita? Dahil ba sa nangyari kagabi..yung pagha..

Di na nya natuloy ang sasabihin nya dahil agad ko ng tinakpan ang bibig nya dahil nahihiya ako na marinig ang ginawa ko kagabi.Pero nagulat ako na halos lumuwa ang mata ko ng dilaan nya rin ang kamay ko tulad ng ginawa ko sa kanya..

Si Sungit ni KuletTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon