Naalimpungatan ako dahil sa naramdaman kung merong mabigat na nakadagan sa tiyan ko.Nagulat ako dahil sa nakita kong natutulog sa tabi ko.Dahil ang pagkakatanda ko kagabi si Lotty ang katabi ko at di ang ama nya na ngayon ay mahimbing na natutulog at nakayakap pa sa akin na akala mo tatakas ako.
Dahan dahan kung inaalis ang braso nya sa bewang ko.Pero ng matagumpay ko ng naalis at handa na akong bumangon ng nagising naman eto at hinatak ako kaya napahiga ulet ako..
"Saan ka pupunta..maaga pa.
Matulog pa tayo..mamaya mamamasyal tayo nila Lotty"Eh..bakit kasi ikaw na katabi ko samantalang natatandaan ko di naman ako lasing kagabi..malabo naman kasing malasing ako sa nilagang baka na inulam natin
"Nahihiralan ka kasi sa kama ni Lotty ..eh malaki naman etong kama kaya dito na kita pinahiga.
"Hoy wag kang ano dyan..malaki tong bahay mo..malamang marami tong kwarto..
Tiningnan nya lang ako tapos sumiksik sa leeg ko at inamoy amoy pa ako.Nahiya tuloy ako johnson baby cologne lang ang gamit ko.Kumpara sa mga mamahalin pabango nya.
"Ang bango mo naman amoy baby"..sabi nito habang singhot ng singhot sa leeg ko..
"Tigilan mo na yan baka maabutan tayo ng anak mo nakakahiya.Baka magalit yun sa akin.Saka wala naman tayong relasyon.Kung pinagtritripan mo lang ako.Wag mo na ituloy..aalis na lang ako.Alam ko kung ano ako at ayoko umasa sa alam kung imposible.."seryoso kung sabi sa kanya.
"Ang daldal mo naman bubwit ..
dont worry tulog pa si Lotty saka nilock ko yung pinto.."Hala Sir Levi..ano pong trip yan bata pa po ako..saka di nga kita boyfiend ni crush nga di kita crush tapos magkatabi tayo matulog dalawa..ano na lang po sasabihin ng iba pagmay nakakita sa atin.m
"Clover!! ang daldal mo dyan pagdika tumahimik sinasabi ko sayo hahalikan kita..saka wait..anong di mo ko crush..bakit may iba ka bang crush?"galit nitong sabi saka umupo nakita ko tuloy ang abs nya nakaboxer lang pala si gurang..
"Ha...ah eh..basta may iba akong crush..bakit may gusto ko ba sa akin ?
"Bakit ko sasabihin sayo di ba di mo ako crush..bahala ka dyan matutulog pa ako.Antok pa ako dalawang oras pa lang tulog ko.."sagot nya tapos humiga ulet at tinalikuran ako..
Nang masiguro ko na tulog na sya dahan dahan akong lumabas pero sumilip muna ako baka gising na si Lotty makita ako nakakahiya.At ng masiguro ko na okay na lumabas na ako at bumaba para mag almusal.
Naghahanda kami ng tanghalian ng biglang dumating si Sir Luke ang bunsong kapatid ni Levi.
Agad etong inasikaso ni Manang Isay at ako na lang ang nagpatuloy sa paghahanda ng mesa.Kasalukuyan kaming kumakain ng sabay sabay sa kubo na pinagawa ni Levi dahil mahangin daw rito at tanaw nya ang mga bundok.
"What are you doing here Luke?
"Well,short vacation lang naman kuya saka mis ko na ang pamangkin kung maganda."
nakangiti nitong sagot tapos tiningnan rin ako nito na kinayuko ko nahihiya kasi ako dahil napakagwapo rin nito tulad ng kuya nya.Matanda lang eto ng tatlong taon sa akin."Eyes on me Luke.."masungit na sabi ni Levi ng mapansin kung nakatitig pala sa akin si Luke lalo tuloy akong nahiya..
"Sorry kuya..Clover is really beautiful..
"I know..so behave.."pormal na sagot ni Levi
"Ang possesive mo naman kuya.."natatawang sabi ni Luke na kinakunot ng noo ko.
Natapos ang tanghalian namin na masaya dahil sa mga kwentuhan lalo na amg asaran ng magkapatid.Pagkatapos ng tanghalian nanatili kami ni Lotty sa kubo.Sinamahan ko syang maglaro ng barbie nya.Habang yung magkapatid may pinag-uusapang importante.
Maya maya lang napagod na si Lotty kaya hinayaan ko muna syang matulog siguro dahil sa presko rin ang hangin rito .
Niligpit ko na lang muna ang mga laruan nya at lumabas ng kwarto.Umupo ako sa kawayan naroon sa labas ng kubo at tumanaw sa kawalan.Nagulat ako ng may tumabi sa akin"Ang ganda .."sabi nito habang nakatingin sa akin.Namula tuloy ako
"Ha?..Oo naman iba talaga ang tanawin sa probinsya kumpara sa maynila.."naiilang kung sagot
"Oo naman nakaka relax..
"Pero mukhang di kayo tatagal mamuhay sa probinsya Sir Luke mukhang di kayo sanay eh..
"Di ko alam pero kung sakaling makakapangasawa ako at hihilingin nyang sa probinsya kami tumira ..why not.Ikaw ba gusto mo ba tumira sa probinsya?
BINABASA MO ANG
Si Sungit ni Kulet
RomanceClover is a very clever girl..then she meet his Boss..Mr.Levi Hansley CEO of Hansley Group of Companies..then their love story begin...