Di ko alam na bebenta to hahaha! Enjoy. Sorry sa matagal na update. Andrei 💕 Jungcxxk
"Pakisamahan mo sana ang kapatid mo. Kahit yun nalang ang isukli mo sakin bago ako mawala. Ingatan mo siya at wag papabayaan. Kayo nalang dalawa ang meron ako."
Huling habilin ng kanyang yumaong ama bago ang araw ng kanyang pagkawala. Inayos niya ang suot na salamin at muling pinasadahan ng tingin ang kaharap niyang sinasabing anak ng tatay niya sa kabit nito.
Hindi na rin masama dahil sa napakaganda nitong katawan at maamong mukha. Pero hindi parin nawawala ang inis na nararamdaman niya dahil sa ito'y kapatid niya sa ibang nanay. Ano na lamang ang iisipin ng mga tauhan niya sa kanilang kumpanya.
Napalunok siya ng bigla siya nitong tingnan. Siguro ay napansin ng dalaga na kaninang pa siya nito tinitingnan.
"I'm Elisha Martle Gabua." Pagpapakilala nito.
Hindi niya maibuka ang bibig sa di malamang dahilan o sadyang ayaw lang nitong makisama ngayon. Tila nakarinig siya ng anghel. Gustuhin man niyang magsalita ay hindi niya magawa sa di malamang dahilan. Pakiramdam niya ay parang tinahi ng dahan-dahan ang kanyang bibig ng hindi niya alam.
Inilahad na lamang niya ang kanyang kamay at tinanggap naman iyon ng kanyang kapatid. Napakalambot ng kamay nito na parang may naguudyok sa kanyang tagalan pang hawakan ang kamay nito ngunit alam niyang mapapansin iyon ng babae at maweweirduhan sa kanya kaya mabilisan din niya inalis ang pagkakahawak ng kamay nila.
May susunod pa
"Andrei Sebastian."
****
"Senyora, dito daw po ang inyong kwarto sabi ni sir Andrei." Dala ng isa sa mga katulong ang iba pang gamit ni Elisha papunta sa kanyang kwarto.
"Maraming salamat po, manang." Matapos magpakilala ng binata ay agad na binitawan nito ang kamay niya at dali-daling umalis. Nagtaka naman siya sa inasta nito marahil siguro ay ayaw sakanya nito.
Wala na rin naman siyang magawa dahil wala na siyang pupuntahan dahil wala na rin ang kanyang ina at tanging ito nalang ang iniwan sakanya ng kanilang yumaong ama. Ang makisama sa kanyang kapatid at tumira sa mansyon. Ayaw naman niyang baliin ang pangako niya sa yumaong Ama.
"Bakit hindi ka pa pumasok?" Nakarinig siya ng boses sa hindi kalayuan.
Tila nagising siya sa realidad nang marinig ang boses ng binata. Animo'y parang nagkaroon ng mga nagliliparang paru-paro sa kanyang tiyan.
"P-pinagmamasdan ko pa ang buong bahay." Pagpapalusot niya. Ayaw niyang pumasok dahil alam naman niyang hindi pa siya aantukin kaya naisipan niyang mag tingin tingin muna sa paligid ngunit natigilan siya sa boses na iyon na nakapagpautal sa kanya.
Nang lingunin niya ang lalaki ay may hawak itong baso na may lamang wine dahil sa kulay ng laman nito.
Ininom ni Andrei ang wine at napunta ang tingin ni Elisha sa may bandang leeg nito at pinagmasdan ang taas babang adams apple ng lalaki.
Tila may nabuhay na kung ano sa kanyang loob kaya dali-dali siya lumakad papunta sa kanyang kwarto at pumasok.
Naiwan sa labas ang binata na walang kaalam alam sa nangyayari.
BINABASA MO ANG
Illegirl LL Series: Andrei Sebastian
RomanceRated SPG | R-69 | Sypnosis: Para kay Andrei Sebastian, wala na siyang hinihiling pang iba kung hindi pera, kayaman, pera at kayamanan not until she came in his life. Pinakilalang anak ng kanyang yumaong ama sa ibang babae. Ang babaeng makakapagpa...