Pinalitan ko yung title coz y not. May naiisip akong mas maganda hehe ×^×
Tulala si Elisha nang makalabas ng kanyang kwarto dahil sa panaginip na hindi mawala sa kanyang isipan. Tandang-tanda pa rin niya kung paano ito nagsimula.
Umiinit ang kanyang pisngi sa hindi malamang dahilan at may kung anong hindi niya maintindihan sa kanyang kaloob-looban na muli nanamang nabubuhay gaya kagabi.
Hindi niya alam kung matutuwa siya o ikakahiya ang sarili dahil sa mga pumapasok sa kanyang isip.
"How's your sleep, young lady?" Bungad sakanya ni Eros.
Hindi niya pinansin ang tanong ng binata.
Namalayan nalang niya na sa kusina pala siya dinala ng kanyang mga paa.Nakaupo si eros sa mesa at nakatitig sakanya.
Tiningnan naman niya ito ng may pagtataka.
"Bakit?" Anya.
"Anong bakit? Ako dapat nagtatanong nyan, Eros."
"Tulala ka kasi." Tugon ni Eros.
Nagpatingin si Elisha sa paligid at binalik ang tingin kay Eros nang hindi mahagilap ang kanyang hinahanap.
"Asan si Andrei?" Napakibit balikat si Eros sa tanong niya.
"Itatanong ko din sana yan kanina pero tuliro ka naman. " Napaupo siya sa katabing upuan ni Eros.
"Pasensya na, may iniisip lang ako."
"Yun ba yung kagabi?" Biglang kinabahan si Elisha sa tanong ni Eros.
"Ha? S-saan?" Mautal-utal nitong tanong. Tila hindi mapakali.
Natawa nalang si Eros sa reaksyon niya at iniwan siyang tulala sa kusina.
NASA KAMAY ni Eros ang mahahalagang papeles papunta sa opisina ng kanyang pinsan.
Matapos iwanan ang dalaga ay lumabas siya sa kanyang kwarto dala ang mga mahahalagang papeles at dokumento na kakailanganin niya sa kanyang pupuntahan.
BINABASA MO ANG
Illegirl LL Series: Andrei Sebastian
RomanceRated SPG | R-69 | Sypnosis: Para kay Andrei Sebastian, wala na siyang hinihiling pang iba kung hindi pera, kayaman, pera at kayamanan not until she came in his life. Pinakilalang anak ng kanyang yumaong ama sa ibang babae. Ang babaeng makakapagpa...