Chapter 7

72 4 1
                                    

Lumabas si Andrei sa private room ng kanyang opisina nang matanggap ang tawag mula sa kanyang sekretarya.

Mabilis siyang kumilos nang malaman kung sino ito at ano ang pakay sakanya.

Binuksan niya ang pintuan ng kanyang opisina at nakita ang kanyang pinsan na mayroong ngisi sa kanyang labi.

Napabuntong hininga siya nang iwagayway nito ang hawak niyang folder na naglalaman ng kung ano.

"Mukhang nagmamadali ka ata insan." Dali-dali siyang umupo sa mesa para tingnan kung ano ang laman ng nasa folder.

Napatingin siya kay Eros nang mabasa kung ano iyon.

Ang alam niya ay hindi si Eros ang nagaasikaso kundi ibang tao. Napailing siya nang mapansin ang mapaglarong tingin ng kanyang pinsan.

"Ginawa ko na para sayo. Para hindi ka na mamroblema kay papa."

"Bakit ikaw ang nagaasikaso nito?"

Napailing si Eros sa tanong niya.

"Nasa hospital si papa. Coma."

Ang alam lang ni Andrei ay nasa hospital ito dahil nakausap pa niya kahapon lang pero mukhang bago lang balita kaya wala siyang alam.

Itinago niya sa drawer ang folder at muling hinarap anga pinsan.

"Layuan mo si Elisha." Tila maawtoridad nitong sabi. Walang halong emosyon.

Napatawa ang kanyang pinsan sa sinabi niya.

"Chill. Wala akong balak sumali sa inyong dalawa. Stick to many to." Sabay lakad palapit sa pintuan. Itinaas niya ang kaliwang kamay para magpaalam.

Nang maramdaman niyang wala na ang knyang pinsan ay madali niyang kinuha ang cellphone at may tinawagan.

"Asan ka?"

Illegirl LL Series: Andrei SebastianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon