Tanghali na nang magising si Elisha dahil sa pagod kahapon sa byahe at pag entertain narin sa mga bisita. Sa pag tulog na lamang siya nakabawi para matanggal ang pagod na bitbit ng kahapon.
Napalingon siya sa gawing kanan at nakita ang pagkain na dala siguro ng maid ng kanyang kapatid.
Naninibago pa siya sa pag banggit na kapatid dahil ngayon lang din niya nalaman na anak siya sa labas at may kapatid din siyang hindi niya mawari kung totoong tao dahil sa mtipuno nitong katawan at kagwapuhang tinataglay nito.
Hindi niya maitanggi sa sarili na pati siya ay mabibighani sa kapatid kahit alam niyang mali ang iniisip niya ngunit hindi naman iyon magiging mali hangga't walang nakakaalam kundi siya at ang kanyang berdeng pag iisip.
Tinapos na din niya ang pananaginip ng gising at kinuha ang sulat na nakadikit sa baso.
Like love, breakfast is best when made at home.
Napangiti siya sa di malamang dahilan ngunit natigil ito nang biglang my kumatok sa kanyang pinto.
Napaayos siya ng buhok at agad na umalis sa kama para tumakbo sa salamin at tingnan ang kanyang sarili
Nakahinga siya ng maluwag nang makitang maayos naman ang kanyang hitsura at tanging ang kanyang buhok lamang ang sagabal.
Dahan siyang lumapit sa pintuan at binuksan ito ng may ngiti ngnit napawi iyon nang masilayan niya ang gwapong pagmumukha ng lalaking pinagpapantasyahan niya sa kanyang panaginip.
Nakangisi ito at tila nang-aakit pero alam niyang siya lang ang nakakaisip ng ganong bagay.
Napabaling ang tingin niya sa malalim nitong dimple at tila nawala sa katinuan.
"Okay ka lang?" Bungad sakanya ni Andrei.
Hindi niya masabi ang mga salitang nais lumabas sa kanyang bibig dahil sa presensya nitong nakakaakit. Masyado na siyang makasalanang kapatid dahil unang-una ay pinagnanasahan niya ito at ang pangalawa ay pinapantasya niya ang kanyang kapatid.
"Ehem." Paggising sakanya ni Andrei mula sa malalim na panaginip.
Nagising siya sa realidad at dahil narin sa gulat at pagkatuliro ay bigla niyang naisara ang pintuan kung saan naroon nakatayo ang pambihirang nilalang na gumugulo sa kanyang isipan.
Hindi siya makapaniwala sa nagawa. Napasabunot na lamang siya sa sarili dahil sa pag-alala sa binata. Baka natamaan ito sa lakas ng impact ng kanyang pagkakasara kaya nasampal niya ang sarili bilang pagganti.
Unang araw pa lamang ay pinapahiya na niya ang kanyang sarili sa kanyang kapatid. Paano pa kaya sa mga susunod na araw.
BINABASA MO ANG
Illegirl LL Series: Andrei Sebastian
RomanceRated SPG | R-69 | Sypnosis: Para kay Andrei Sebastian, wala na siyang hinihiling pang iba kung hindi pera, kayaman, pera at kayamanan not until she came in his life. Pinakilalang anak ng kanyang yumaong ama sa ibang babae. Ang babaeng makakapagpa...