Chapter 3

124 6 0
                                    

Tanghali na nakarating si Andrei sa opisina dahil narin sa patagong pag aasikaso sa dalaga.

Napangiti siya ng maisip na kinain nito ang hinanda niyang agahan para sa dalaga.

"Ahm, Sir?" Nabalik siya sa wisyo nang marinig ang boses ng kanyang sekretarya.

May inabot ito sakanyang mga document galing sa Attorney ng kanyang Ama.

"Makakaalis kana." Hinintay niya munang lumabas ng kanyang opisina ang sekretarya bago binuksan ang dokumentong hawak niya.

Napakunot ang kanyang noo nang mabasa kung anong nilalaman nito. Pahampas niya iyong nilagay sa mesa sa inis.

Para saan lahat ng pagod niya para sa kumpanya kung sa ibang tao naman ito mapupunta.

Fourty percent lamang ang mapupunta sakanya na mana at ang matitira ay mapupunta sa anak sa labas ng kanyang Ama. Agad na nag init ang ulo niya at may namumuong galit para sa kapatid niyang hindi niya alam kung anak ba talaga ng kanyang Ama.

Naupo na lamang siya sa kanyang upuan at pinirmahan pa ang ibang dokumento na nasa lamesa habang nagiisip ng plano kung pano mapupunta ang dapat ay sakanya.

Simula ngayon tumatak na sakanya na pera lang kailangan niya sa buhay at pera lang din ang kailangan sakanya ng anak sa labas ng kanyang Ama.

Pinatawag niya ang Attorney na humahawak ng mga papeles ng kanyang Ama.

Alam naman niyang kampi ito sakanya dahil ninong niya ito at hindi rin naman nito hahayaan na mapunta sa iba ang mana ng kanyang Ama.

Napapikit siya para maipahinga ang sarili habang naghihintay na dumating ang taong kakausapin niya.

Napapikit siya para maipahinga ang sarili habang naghihintay na dumating ang taong kakausapin niya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Pagkatapos ng ilang minuto ay may kumatok na sa pinto at bumukas ito kaya napamulat siya.

"Sir, andito na po si Attorney." Bungad ng kanyang sekretarya na siya namang ikinangisi niya.

TANGHALI na pero wala paring magawa si Elisha sa kanyang kwarto kaya naisipan niyang lumabas pagkaalis ng kanyang kapatid.

Gusto niya makalanghap ng sariwang hangin dahil pakiramdam niya ay hindi siya makahinga ng ayos sa mansyon.

Nakita niya ang sarili na naglalakad papuntang hardin sa umaagos na tubig sa gilid ng daan. Napakaganda ng pagkakadisenyo ng  hardin na hindi mo iisiping malungkot ang nakatira.

Napabuntong hininga siya dahil naalala pa rin niya ang yumaon niyang ama. Sana ay nagkasama pa sila nito ng matagal at nakapagbonding.

Hindi man niya ito nakasama at nakilala agad, sa sandaling panahon ay pinaramdam sakanya ng kanyang ama kung ano ang pakiramdam ng pagiging buo ang pamilya.

Alam niyang hindi sila ang legal na pamilya nito dahil bata pa lamang siya ay pinapamukha na sakanya ng kanyang ina na pangalawang pamilya lang kami at anak siya sa labas ng kanyang ama.

"Nag-iisa ka, binibini."

Illegirl LL Series: Andrei SebastianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon