Chapter 9

61 4 1
                                    

Napatingin si Elisha sa direksyon ng nagsalita.

Nagulat siya nang Makita si Eros na nakatayo roon at may kapit na crossbow at mismong injection ang bala niyon.


Adik ata 'tong si Eros sa Granny sa isip ni Elisha.


"Ba't ngayon ka lang sumulpot?" Ani Elisha habang chineck kung may malay ang babae.

Napatingin siya sa bandang kaliwa kung saan pumunta kanina ang isa sa mga katulong nila.

Kausap na nito si Andrei at marahil ang babaeng ito ang pinag-uusapan nila.


Hindi niya kilala ang babae pero narinig niyang binanggit nito ang pangalan ng kanilang ama.

Baka ito ang asawa ng kanyang papa at ang mama ni Andrei.


"Ah!" Nagulat na lamang siya nang may humawak sa braso niya at hinila siya sa kung saan. Nakita niyang kumakaway si Eros sa gilid habang hinihila siya ni Andrei papalayo.


"Sinabi ko bang umalis ka sa kwarto mo?!" Galit ang namutawi sa boses ni Andrei kaya nagulat si Elisha sa inaasta nito.


"Paano kung hindi kami dumating ni Eros?! Maililigtas mo ba ang sarili sa baliw na babaeng 'yon?!"

Natahimik na lamang siya. Hindi niya alam ang nararamdaman. Naiiyak ba siya dahil sa galit sakanya si Andrei o kung ano pa.


Sa dami ng sinabi nito ay hindi na niya narinig pa at tanging pagiyak na lamang ang nagawa niya.


"S-sorry" Mahinang niyang sabi habang umiiyak ng tahimik.


Nagulat si Andrei si pag iyak kaya mabilis niya itong niyakap. Mabuti na lamang at tinawagan niya ang isa sa mga katulong nila na kanina ay kausap niya pag dating.


Pasalamat na rin siya sa kanyang pinsan dahil sa bahay nila ito dumiretso at hindi kung saan. Hinagod niya ang likod ni Elisha dahil umiiyak pa rin ito. Marahil ay natakot sakanya ang dalaga dahil na rin siguro napagtaasan niya ito ng boses.


"Tumahan kana." Malumanay niyang sabi habang pinapatahan ang dalaga sa pamamagitan ng dahan-dahang pahagod niya sa likod nito.


Pinipigilan niya ang sarili dahil may kung ano nanamang nabubuhay sa loob niya na hindi niya alam kung bakit sa dalagang yakap niya pa nararamdaman. Naiinis siya sa sarili kung bakit mabilis na nabubuhay ang kanyang pagkalalaki kapag malapit siya kay Elisha.


Naalala nanaman niya ang nangyari noong nakaraan. Napalunok siya dahil nahahawakan niya ang likod nito at ang mga balat ni Elisha na nakadikit sakanya na siyang nakakabuhay ng pagkalalaki niya.


Napansin niyang tumigil na ito sa pag iyak at parang bumigat. Tiningnan niya ito sa mukha at napansing nakapikit na. Nakatulog na pala ang babae sakanyang dibdib. Hindi niya pinansin ang nabasang damit dahil sa luha. Binuhat niya si Elisha pabalik sa kanyang kwarto at hiniga niya ng dahan-dahan sa kanyang kama.


Tinitigan niya ang maamo nitong mukha at hindi niya mawari kung bakit may iba itong katangian na siyang nakakapagpalambot sakanya.


Hinalikan niya ito bago tuluyang umalis sa kwarto ng dalaga.

Illegirl LL Series: Andrei SebastianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon