Kagabi pa sana 'to kaso walang net sa pinuntahan ko HAHAHAH enjoy, Illegal readers 😚💞 Vote and comment para sa sunod na update.
Katatapos pa lamang ni Elisha kumain ng tanghalian.
Bandang alas dos na ng makakain siya. Akala kasi niya ay babalikan siya ni Eros para ayain kumain o baka naman ay dumating si Andrei para sabayan siya.
Gusto niyang batukan ang sarili dahil masyado siyang ambisyosa kung aayain siyang kumain ng dalawa. Sino nga naman ba siya. Isang hamak na sampid.
Umiilag sakanya ang kanyang kapatid dahil na rin siguro sa ipapamana ng kanilang ama sakanya. Nagtataka na rin siya kung bakit nagiistay pa siya sa bahay na 'to kung wala man lang siyang natatanggap na tawag galing sa attorney ng kanilang papa.
Hindi niya alam kung saan magsisimula kung sakaling umalis siya ngayon. Kahit sana ay makautang siya kay Andrei pang simula niya pagkatapos ay babayaran niya nalang ito pag napalago na niya.
Ni isa sa mga iniisip niya ay hindi niya magawa dahil sa dala ng hiya.
Papasok siya ng kanyang kwarrto nang makarinig ng ingay sa baba. Napigilan siya at muling bumaba.
Nakita niya ang mga katulong na may pinipigilang babae na pumasok ng kanilang mansyon.
"Ano ba?! Hayaan niyo nga ako!"Inis nitong sabi sabay inaalis ang mga kamay ng mga katulong na nakakapit sa kanya.
"Madame, lumabas na po kayo. Wala po dito si sir Andrei." Pigil ng isa sa kanilang katulong.
"Ano, wala na ba akong karapatan pumasok sa mansyong ito?!"
"Doon nalang po kayo pumunta sa opisina ni Sir."
Napansin naman ng babae na nakatingin sakanya si Elisha.
"Sino ka?! Ikaw ba ang kabit ni Ignacio?!" Nanlilisik ang mga mata nito habang nakatingin kay Elisha.
"H-ha?"
"Sumagot ka!" Sa direksyon niya naman nito gustong pumunta.
Masyadong malakas ang babae kaya muntik nang makawala sa mga katulong. Puro lang kasi babae and nakakapit sakanya.
Hindi niya alam ang gagawin kaya napatitig nalang siya sa babaeng pinipigilan ng mga katulong na makalapit sa kanya. May tumakbong isang katulong kaya mas napadali ang babae kumawala ngunit mabilis naman uli siyang nahawakan ng mga katulong.
"Madame, tumigil na po kayo!" Sambit ng isa sa mga katulong.
"Bitiwan niyo ako! Asan ang anak ko?! Asan siya?!"
"Wala po siya dito, madame."
"Sino siya?!" Sabay turo nito kay Elisha.
"anak po siya ni sir Ignacio." Isa sa mga katulong.
"Walang ibang anak si Ignacio kundi si Andrei lang!" Nakatakas ang babae sa may mga kapit sa kanyang at tumakbo papunta sa direksyon ni Elisha. Laking gulat na lamang niya ng biglang bumagsak ito sa harap niya at unti-unting hindi na gumalaw.
Napansin naman niya ang nakatusok sa likod ng babae. Isa itong injection. Maaaring ito ay pampakalma.
"yosh!" Napatingin siya sa pinanggalingan ng boses.
BINABASA MO ANG
Illegirl LL Series: Andrei Sebastian
RomanceRated SPG | R-69 | Sypnosis: Para kay Andrei Sebastian, wala na siyang hinihiling pang iba kung hindi pera, kayaman, pera at kayamanan not until she came in his life. Pinakilalang anak ng kanyang yumaong ama sa ibang babae. Ang babaeng makakapagpa...