Chapter 4

98 7 0
                                    

Napatingin si Elisha sa direksyon kung saan niya narinig ang boses.

"Eros Ezekiel at your service." Bungad nito nang makalapit sakanya. Nilahad nito ang kanyang kamay para magpakilala.

Napaisip naman siya sandali. Hindi niya kilala ang lalaki at hindi rin niya ito nakita kahit nung burol ng kanyang daddy ngunit nagpakilala naman ito sakanya ng pormal kaya tinanggap niya ang kamay nito. Nagulat na lamang siya nang biglang hinalikan ni Eros ang kanyang kamay.

Hindi siya makasalita dahil sa gulat kaya muling pinangunahan ng binata.

"Pinsan ako ni Andrei." Napatango si Elisha sa sinabi nito marahil ay unti unti na niyang naiintindihan ang nabgyayari.

"K-kapatid ko si Andrei."

"Alam ko." Mabilis nitong tugon.

"Hindi ako nakapunta sa burol ni tito dahil kakauwi ko lang. Paumanhin kung bigla-bigla nalang akong sumulpot kung saan."

Tumango nalang si Elisha sa paliwanag nito na sya namang nakapagaan ng kanyang loob.

Bigla namang lumabas ang kanilang kasambahay at tinawagan sila para mananghalian. Sabay silang pumunta sa hapagkainan at nagkwentuhan kahit sandali pa lamang silang nagkakausap.

Inabot sila ng hapon sa hapag dahil na rin sa haba ng kanila kwentuhan at kasama na don ay ang kasiyahan.

Gabi na nang makauwi si Andrei galing sa trabaho at bumungad sakanya ang tawanan na pamilyar sakanyang pandinig. Alam niya kung kaninong tawa ang mga ito pero hindi niya inakalang makikipagtawanan pa ito sa hindi niya kakilala. Bumungad sakanya  sina Elisha at Eros na nagkekwentuhan pa rin kahit gabi na.

Hindi siya napansin ng dalawa kaya hindi siya gumawa ng kahit anong ingay na makakapatigil sa dalawa. Naupo siya sa gilid at pinagmasdan ang tawa ni Elisha.

Tila lumabo ang paligid at tanging ang mukha lamang ni Elisha ang malinaw sa kanyang paningin.

Ang tawa nito'y masarap sa tainga pakinggan. Hindi niya mawari kung ano nga ba talaga ang nangyayari sakanya.

Napatigil siya nang bigla maalala ang nangyari kanina.

Hindi dapat siya maging ganito. Maaaring gusto lang siyang mahuli ng babae sa sarili nitong bitag kaya muli nanamang napalitan ng poot ang kanyang dibdib.

Sa inis ay napahampas siya sa pader na siyang ikinatigil ng ingay sa buong paligid.

Napalingon sakanya ang dalawa na parang walang alam sa nangyayaring tensyon sa loob ng mansyon.

"Andyan kana pala, insan."

Dali-dali siyang umakyat sa hagdan papunta sa kanyang kwarto ng hindi pinapansin ang dalawa. Pagdabog lamang ang naging tugon niya sa tanong ni Eros.

Walang malay ang dalawa lalo na si Elisha sa inasal Andrei. Hindi niya malaman kung bakit ganon ang naging asal nito sa pinsan.

Sinabi pa naman sakanya ni Eros na siya ang pinakamalapit na pinsan ni Andrei ngunit dinedma lamang niya ito.

Sinabihan siya pa siya nito na hayaan na lang muna dahil pagod siguro ang binata sa trabaho. Sinabi din niya na nagiging ganon ang asta nito pag pagod o walang magandang nangyari sa araw niya.

Tumango na lamang si Elisha at napansin ang oras.

Nagpaalam na siya kay Eros na matutulog na at babalik sa kanyang kwarto habang iniisip ang kapatid niyang hindi namansin.

~~~
Pasukan na namin huhu.

Takecare Illegal readers!
Vote and comment para sa mabilis na update!

Eros and Andrei 💕

Illegirl LL Series: Andrei SebastianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon