One

8 0 0
                                    

Sabi nila pag nakikita mo yung  nagugustuhan mo bumibilis tibok ng puso mo, pinagpapawisan ka, nininebyos, butter fly in the stomach, di makatingin ng diritso at mauutal ka. Ang weird di ba? Pero naexperience ko na yan lahat nung mag ttake ako ng entrance exam sa isang presteheyosong paaralan. Ibig bang sabihin nun crush ko yung test paper? Like ewww.

Ako nga pala si Daze ang taray ng pangalan ko noh? Pangalan ko palang nakakahilo na ano pa kaya kagandahan ko. Tawa kayo nag sasabi ko ng totoo. Wag pala kayo mag alala nakapasok ako sa Presteheyosong paaralan na sinasabi ko. I'm going to be a college student soon kaya mag ttag-lish na ko kasi dapat daw spoken dollar dun. Magbabayad ka ng 5 pag di ka nag english. Kaloka lang.

"Daze mag aral ka na. Narinig mo naman ata sinabi ni Madam Galang kanina. Accounting is a self study subject. Sige mo lang tunganga diyan. Mamaya tulog ka na naman." Bestfriend ko po slash nanay slash ate slash tatay slash buong pamilya ko.

"Mag aaral na po." Nagbasa na ko ng libro ng mabasa ko ang Debit. Tawa ko ng tawa sa naiisip ko. Tiningnan na naman tuloy ako ng masama ni Mary.

"Para ka nang baliw. Alam mo ba yun?" Annoyed look pero natatawa parin talaga ko sa naiisip ko.

"May joke ako. Alam mo ba kung ano ang debit?" Hinarap ko siya at sasagot na sana siya kaso dinugtungan ko kaagad. " yan baga yung pag maulan tapos ang ingay ng palaka. Debit. Debit. Debit." Natatawa ko habang dinidemonstrate ko sakanya yun. At ang napala ko? Sapak ng yellow paper.

"Mag jjoke ka na nga lang waley pa. Ha-ha-ha tatlo yan kaya tumigil ka na "  bumalik na siya sa pag aaral. Nag aral na din ako pero na hyper na dugo ko.

After ilang minuto tumigil na siya sa pag aaral kaya tumigil na din ako. Magkatabi pala kami sa study table at iisang boarding house lang kami.

"Bakla, napapansin mo ba si Dizon? Nakakinis siya noh? Ang yabang yabang grabe nga kwento nun tungkol sa sarili niya eh." Dizon? Hmmm. Ahh. Oo yan yung presko naming classmates. Dapat daw kasi hindi siya sa school namin mag aaral kundi sa UP. Yabang nangputs.

"Oo kilala ko. Pero di kami close kaya di ko ako nakiki alam. Di ba seatmates kayo nun sa Major?" Di naman kasi alphabet sa ibang subjects. Kahit saan pwede kang umupo pero sa iba alphabetize parin.

"Kaya nga eh. Alam mo mabait naman siya eh at sa totoo lang may ipagyayabang naman talaga siya. Matalino. Talented at sporty." Kanina lang nanglalait tong isang to. Iba rin.

"Pakidagdag ulit yung mayabang." Yan kasi ang nangunguba sa hate list ko. Yung mga taong narcissistic. Kaylangan talaga ipangalandakan na magaling? Psh.

"Yun nga talaga pero nag kwento yun about sa love life niya. Wag ka, may pinagdadaanan din pala yun sa love life." May pataas taas pa ang kilay si mayora habang nagkkwento.

"Close na agad kayo? Eh halos 1 month pa lang tayo nag kakasama sama. Baka ipagpalit mo na ko niyan?" I gave her a suspicious look.

"Wag kang paranoid. Medjo nahahalata ko lang kasi na ayaw sakanya ng ibang classmates natin." Duuuuh. Sino ba may gusto ng ganun? Minsan talaga iba rin tong bestfriend ko. Ang bait masyado.

"Di naman sa ayaw sakanya malay mo di lang vibes. Ganern? And honestly saka na yan. Chini chika mo na ko. Aral na." Kanina lang siya ang ayaw paistorbo. Ano naman daw kasi meron kay Dizon. Mas astig pa yung joke ko kesa sakanya.

GlimpseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon