Nine

2 0 0
                                    

Nagsisimula na ang program namin para sa PE. Maaga kaming lahat nagising kasi magpapamake up pa. Sa boarding house lang naman namin mag mmake up kaya nauna na ko.

"Wow Ate Daze! Nagmukha kang babae." That's shany there. Manghang mangha sakin.  At ano daw? Nagmukha akong babae?

"Mukha kasing kong diyosa dati." Kala nila ah. Inirapan ko kunyari.

"I know. Mana ka kasi sakin." Tinawanan ko na lang dahil busy na ko mag ayus ng mga pang change outfit.

Natapos na din kami kaya naglakad na lang kami papunta school. Pinangangalandakan talaga namin kagandahan namin. Bakit ba?

Maayos na ang venue kaya di na kami masyado nag ayus pa. Dalawang part kasi ang program. The Folk dance then the ballroom. Okay lang naman para mas madali makapag palit. Excited na ko magperform.

"Group 4! Kayo na." Tinawag na kami ng emcee and tada!

Folk dance mauuna at mga naka saya kami pero ang ccute namin. I made my hair into a side bun with a white flower at the side. Yung ibang ka grupo ko naman eh bun rin pero kanya kanya na silang style basta maitali nila.

The dance is about Filiino form of courtship. Ang raming titigan at kunti lang sa touch gestures. It's about how love can be shown kahit sa titigan lang. Ito lang din ang mga panahong talagang nakikita ko ang mata ni Alfie. Titingnan niya lang ako pag kailangan and it wouldn't even last long.

I know what I feel towards him shifted. Hindi ko alam kung kelan nagsimulang magkagusto ako sakanya kahit ganyan siya. Nginitian ko siya nung sa step na kailangan tingnan mo ang manliligaw mo pero may panyo na nakaharang sa half ng mukha niyo. Yun kasi ang props. A hankie. Hahawakan niyo parehas yun at itataas baba para makita ang isat isa.

I saw him smile a little nung ibinaba na ang panyo. Don't do that dude. Nag ssomersault na puso ko. Don't make it fall hard.

After the folk dance. Nag change outfit na kami para sa ballroom.

"Kuya Marimar paki retouch naman us. So haggard na eh." Andito kasi yung make up artist na kinuha namin. Ang bait niya kasi mag aassist daw siya samin and I gladly agree.

"Gora na at magbihis ka na. Keri na to ng powers ko."

I immediately went to the dressing room. Andun na din yung mga girls. Kanya kanyang sikap sa pag bihis. We are wearing a very daring dress. Di ako sanay sa ganito. It was a body hugging dress with sequence dangling as a skirt. Halter ang top niya with one covered shoulder while some part is bare. Violet and pink ang color nito. I also wore two inch sandals kasi KAILANGAN ito.

"Girls ready na! Kayo na susunod." Nilugay ko na ang buhok ko and it gives a slight curls at the tip. Natural na wavy kasi buhok ko kaya di na kaylangan ng curler.

"That's the definition of hot would be in person." I giggled when I heard Rey said that.

He is a good person at ayus na yung gulong nangyari. Saka ko na eexplain yun. For now lets focus on the dance.

I really focused hard on the steps para di ako mapahiya but I can't help it lalo na nung tiningnan ako ng masama ni Alfie nung inikot niya ko at pinag dip. Stop looking at me Moron. Di siya nakakakilig kasi galit po ang tingin niya. Kala mo may utang akong isang milyon sakanya.

The performance was perfect at ngayong araw lang ako tiningnan ng maraming beses ni Alfie. Nagkalakas loob ako na makipagpicture and he smile on it. WITH ME. Bipolar din siya eh. Tsk tsk.

GlimpseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon