Eleven

2 0 0
                                    

Papasok na sana ko ng room kaso narinig ko boses ni Alfie sa loob. Sumilip ako sa bintana. Kitang kita kung gaano siya ka patience sa mga bata. He looks adorable pag ganyan siya unlike pag kausap ako. Laging nasasaniban.

"What do you call this one?" He is holding a stack of cards na may mga pictures. And he is pointing to an apple.

"Apple!" Masayang nag sisigawan ang mga bata. I think grade 1 ang mga to. They all look like cute lil mushrooms. Cute ang mushrooms wag kayo kumontra.

"How about this one?" Bigla na lang niya nilabas ang isang pack ng chocolates. Lalo tuloy na hyper ang mga chikiting.

Magmamasid pa sana ko ng matagal tagal ng may lumapit saking bata.

"What are you doing there po?" Nakita na pala ko ng isang bata. Nasa loob siya. Di kasi siya nakikisabay sa harapan.

"Ah. Uhm. Chinicheck ko lang kung madumi ang window niyo. He-he-he." Naweirduhan ata sakin yung bata kaya sumigaw na lang bigla.

"Kuya there is a weird girl in the window!" Sabay turo sakin. Oh gosh. Tiningnan ko si Alfie na ngayon ay nakatingin na sakin ng seryuso.

"George come here. Sit down muna kayo ha. Lalabas lang si kuya saglit." Nakatayo na ko ngayon ng matuwid and I'm playing with my fingertips. Feeling ko tuloy nahuli ko nag ccheat. For sure ang pula ko na sa hiya.

"What are doing there? Pumasok ka na dahil klase mo dapat sila." I'm shocked kasi hindi siya galit. Ang lumanay ng pagkakasabi niya.

"I know that you don't want to here sorrys but I still want to apologize." I look at him and I caught him avert his gaze.

"Pumasok ka na lang sa loob. Babalik na rin ako sa dati ko class. Ipapakilala na kita sa kanila para di sila matakot sayo. Weird girl." He smile you know. Nung sa "weird girl" nang part pero di ako sigurado kasi nasa loob na siya ng room.

"Ateng weird!" Sigaw ulit nung George. Ay kung di ka lang cute na bata ka lagot ka sakin. Nag smile na lang ako sakanya.

"Class she is your new teacher. Siya na muna in charge sainyo. Babalik na kasi si Kuya sa grade 6 eh." He is explaining patiently to them at nakikinig ng maayos sakanya ang mga bata. He really has that thing na makaka attract sayo.

"Dito ka na lang po Kuya Gwapo. You can teach us naman po." Nagrereklamo po ang isang cutie patotie na baby girl. Kumapit pa nga siya sa laylayan ng shirt ni Alfie. Awww.

"Oo nga po Kuya. Si Ate na weird na lang po dun sa grade 6." Abang mga bata to ah. Pati ba naman dito pinagtataboyan ako? Daze hinga malalim. Bata yan.

"Don't worry babies. Babalik naman si kuya maya maya to check up on you. Kaylangan din kasi ko nila ates and kuyas niyo dun." Ayaw talaga siya bitawan nung bata. Umupo na nga siya para mag pantay sila kaya naki gaya ako.

"Mag eenjoy naman kayo kasama ko eh. No worries. I will give you a lot of chocolates and candies later." Sige lang Daze push mo sarili mo kahit ayaw sayo.

"Talaga po bibigyan mo kami ng mga candies later?" Lumapit na rin yung ibang bata kaya para kaming napagkumpulan diti. I smile sweetly at them.

"Of course. Ate Daze will give you a lot like this." I demonstrate a big circle para magets nila. Nagliwanag naman mga mukha nila so I think okay na sila sakin.

"Upo na kayo sa seats niyo at mag kkwento ko mamaya ng isang magandang fairytale." Tumayo na ko at pati natin si Alfie. Okay na ko sa mga bata. Kaylangan lang talaga nila ng suhol. Sana ganun din tong katabi ko mas malala pa nga kasi puso ko na ibibigay kong suhol kaso mukhang ayaw pa. Choosy.

"You can go now Dizon. I can handle them. Di ko sila kakainin. Wag ka mag alala." He laugh at my retort kaya nabigla ako. Did he just laugh? Seriously?

"Ahem. Babalik na lang ako maya maya to check on you." Umalis na siya after that. Ang cute niya pag naka smile at tumatawa. Nawawala pagkademon niya sa paningin ko.

"Well. Hello cuties! Who want to hear a story?" Simulan na ang makipag laro sa mga chikiting.

GlimpseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon