Four

2 0 0
                                    

Class officers lang ang nag mmeeting ngayon unlike kahapon na lahat ng klase. Para daw mas madali ang delegation ng meeting besides I agree para na din di maingay at mas magulo pa.

"Kailangan namin makita yung receipt at inventory nung mga shirsts Rey." Ginigisa nila si Rey.

"Bukas ko na lang ibibigay at pasensya na talaga di ko naman sinasadya na ganun ang kalabasan. Tama naman ang design na binigay ko." Depensa ni Rey. Nakaka awa siya sa totoo lang.

"Okay lang sana kasi kung hindi libo ang nahawakan mong pera kaso yung perang hawak mo, pinagpapaguran din ng magulang namin." Kung titingnan ang odds ni Rey. Lahat ng officer eh ayaw sa kanya at di pa ko kasama.

Napagkasunduan na nila na pabayarin na lang yung pera at ibalik sa klase bilang pundo at pumayag na sila except kay Dizon.

"Kaylangan rin tong malaman ng class advicer at office. Kalat narin naman ang nangyari kaya dapat lang na mabigyan siya ng parusa." He is so damn cruel. At sa nakikita ko, sumasang ayon sakanya ang mga officer. This is not right.

"Bakit naman kaylangan pang umabot sa Department Head kung na ayos naman natin dito?" Napantig na talaga ang pandinig ko at di na ko nakatiis. Nabigla ata siya sakin. Bigla  napatingin silang lahat. " Besides damay ang klase natin dito. Di lang to pangalan ni Rey but all of us. Officer tayo and we have the same responsibility as he has."

Na gets man ata nang mga classmates ko kaya di na nila pinag push ang suggestion niya. Pinag papasa na lang namin si Rey ng promissory note. After my speech di na rin ulit nagsalita si Dizon. Tiningnan ko siya pero seryuso lang siya nakatingin sa harap. Malalim ang iniisip. Bahala siya sa buhay niya basta ko uuwi na. 

Naglalakad akong mag isa pauwi. Di ko kasabay si Mary kasi di naman yun officer. Nag aaral na naman yun panigurado. Di nga naman ako nagkamali.

"Boooo!" Gulat na gulat ang bruha."hahahaha. That face bakla. *crying in laughter emoji*" epic talaga pag nanggugulat eh.

"What the hell Daze! Mamatay akong maaga sayo eh. Di ko pa nga nammeet si forever ko." Tawa parin ako ng tawa.

Kinwento ko nga saknaya ang nangyari kanina at tawa lang siya ng tawa. Proud daw siya sakin at napatahimik ko si Blue. Ako pa ba?

GlimpseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon