Eight

1 0 0
                                    

That was one of my most embarrassing moment. Bakit sa lahat naman eh yung sakanya pa and worst binuga ko pa sa harap niya. Thank goodness dahil sa shirt ko lang binuga di sa mukha. Nakakahiya ka Dazeeee!

"Oh my gosh! I'm so sorry." Pinunasan ko kaagad yung damit niya pero tinabig niya lang kamay ko. I was hurt.

"It's okay. Wag ka na mag abala may extra shirt naman akong dala." Halatang inis na siya at pinipigilan niya lang.

Buti na lang sa medyo gilid na kami nakapwesto at walang nakakita except ki Mary na katabi ko lang. Di ko naman alam na sakanya pala yun. Magkatabi kasi ang bag namin kanina bago ko tumabi ki mary dito. Darn.

"Daze are you alright?" Nag aalalang tanong ni Mary. I just gave her a nod. Wala ako sa mood.

Nakalabas na siya ng CR at nag resume na din ang practice. He is standing in front. Magkasalubong ang kilay niya and he is frowning like there is no tomorrow. Lalo tuloy ako kinabahan.

Hindi ko pa siya nakitang magalit, napikon at masar oo pero di ang galit na galit. Sakin lang naman yan nagagalit eh. Pinanganak ata yan na galit sakin.

"Hey, I'm sorry about earlier." I'm talking to him kahit di niya man lang ako tingnan. We keep on making the steps at lagi na kong nagkakamali.

"Sorry" nagkamali kasi ako ng step at nauna akong umikot. Tumingin na siya sakin.

"Stop saying sorry if you're just going to make a mistake again." He look at me but not that long. After that di na ko nagsalita.

Masama ang loob ko. I know I was at fault but it's not entirely mine. Aksidente ang mga yun hindi intentional. Kung makapag salita siya kala mo gustong gusto ko ang nangyari.

Isang jeep lang sinakyan naming magkakaklase at nagkatabi pa kami. Horaa destiny! Magpaparty ako para sayo.*note the sarcasm*

"Paki usog naman kasi may uupo pa" kinausap niya ulit ako. Magbunyi! Nasa malapit kasi ako sa pinto.

"Wala nang usugan baka nakikita mo naman ata." Di ako mataray. Sadyang gutom lang talaga ako.

Nang umaandar na ang jeep di ko maiwasan di magsalita sakanya tungkol sa sinabi niya kanina.

"Hindi ako nag s-sorry para sabihin kong di na ko ulit magkakamali. Sinabi ko yun kasi tanggap ko na may mali ako at may kasalanan ako." Nakapakit siya kala mo tulog pero alam kong nakikinig yan. Ang ingay rin naman ng iba naming kasama kaya walang nakapansin samin.

GlimpseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon