Six

1 0 0
                                    

Why bother yourself thinking about some one that doesn't even think you exist. Ang lakas ng loob ng gagong yun ah. Eh ano naman kung magaling siya kumanta at top one siya! Nababadtrip talaga ko hanggang ngayon.

"Bakit ba nakabusangot ka diyan kakakain mo pa lang naman?" Kasalanan ng idol mo.

"Wala. Masama lang pagkakaluto nung ulam." Nakakainis kahit pagkain di na nakakatulong sa kabadtripan ko.

"Ikaw nagluto nun tapos nagrereklamo ka? Hala Daze ipareserve na ba kita sa mental?" Sinamaan ko ng tingin si Mary. Kung tutuusin kasalanan niya to eh. Kung di niya lang sana bukambibig ang lalaking yun edi sana di ako nagkakaganito.

"Wag mo na isipin si Blue. Nag aaral na yun kaya mag aral ka na lang din." Patay malisya niya sa tingin kong matalim." By the way. Ang project daw sa PE is actual. Na inform ka na ba?" Ang PE kasi namin ngayon eh Dance. Alam niyo yun? Folk dance and ballroom.

"Oh ano naman?" Maayos naman ako sumayaw. No worries.

"By partner beb and by alphabet and who do you think ang makaka-partner mo?" She's smirking at me.

Napaisip ako. Dati naman si Rey ang kapartner ko sa sayaw. Vibes na kami simula nung incident about sa shirts. Pag PE time kasi namin. Nasa lapag kami and 10 kada group. Alphabetize at sa likod ko si Dizon. Sunuran lang apelyido namin eh. Sa harap ko naman si Rey. So bali ang arrangement is Daze Hearth De Leon(me), Alfie Dizon(Blue). Si Rey Elcano.

"Kala ko ba choose your partner?" Yun kasi sinabi ni sir and si Rey na ata ang kapartner ko kasi siya naman lagi.

"Kaya nga pero malay mo yayain ka ni Dizon. Di buh?" Ha! Asa pa. Eh ni hindi nga ako tingnan nung mokong na yun eh.

"No thanks. Baka ang labas ko eh mag doble kara kung siya kapartner ko." Pero seriously. If ever man na yayain niya ko. Maybe just maybe maging maayos kami.

***

"The perfomance will compose of 1 folk dance and 1 ballroom dance. I expect a lot from you dear students dahil ito na ang project at finals niyo. I hope you put extra effort on this." Yan lang naman bungad ng prof samin pagdating niya sa PE class namin. Bakla po pala yan. "And mag assign na kayo ng leader niyo pakatapos pasa niyo sakin."

I was elected as a leader pero kontra ata tong isang to sa lahat ng desisyon ko at ng grupo.

"Bakit pa kaylangan kumuha ng dance instructor? Kaya naman natin gawin yan eh." See? Dakilang antagonist.

"Lahat ng group is yun na ang napagkasunduan and para makatipid na din." Kung marami kasi kami mas marami din mag hahati hati sa gastos. Besides waging wagi na sa sitwasyon. Sila na bahala sa steps. Music at may mga available pa na damit dun.

"Tsaka sigurado pa dun na professional ang magtuturo." Second the motion ng isa pa naming ka grupo.

"Okay fine." Surrender na ang lolo mo. Napag botohan na kasi pero kunot noo siyang nakatingin samin habang nagpplano. Hmp. Manigas ka diyan.

GlimpseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon