Ten

1 0 0
                                    

After the PE incident. Back to normal na ulit. At ako? Back to being non-existence or I exist to piss him off portion. Busy na din kami for other subjects and ito nga nag pplano para sa outreach program na gagawin next week.

"Mag hati hati na tayo ng gagawin para di sayang sa oras." Si Alfie ang leader ngayon. Magaling siya maging boss kaso ang sungit niya lang SAKIN.

"Ako si Mary, Paula at Shany na bahala sa food committee." I suggest sakanila. Baka kasi kung saan pa ko isipan ilagay ni Alfie. Mahirap na.

"Actually, kasama ka sa mga magtuturo so nasa teaching committe ka." What? Eh wala akong tiyaga sa mga bata.

"Magpapalipat na lang ako sa kanila. Mas marami kong maitutulong dun. I know how to cook." Di talaga. Ayaw ko dun magturo. Yun ang main event so for sure nandun siya. Iiwasan ko na lang siya.

"I said hindi pwede. Marunong ka lang di ka magaling. Andun naman ang papa ni Paula kaya di ka na kailangan dun." He look at me sternly. Kala mo natatakot ako ah.

"Mas kilala mo pa kasi ko kesa sa sarili ko. At para sabihin ko sayo. Di tayo close para manduhan ako." Galit na rin ako.

"I'm your leader, remember? Kung gusto mo talga sa food committee then go pero kasama ka rin sa magtuturo. Pagurin mo sarili mo. Masaya yan." Tinalikuran na niya ko kaya di ako nakapag banat pa. Nakaka banas. Argh! Bakit ko ba gusto ang lalaking yan? May nagawa ba kong mali sa buhay ko? Jusko naman.

"Pakihawakan ako bakla at baka di ko mapigilan sarili ko masapak ko ang lalaking yan." Kausap ko na ngayon si Mary at tinatawanan niya lang ako. Sayang saya siya sa away namin.

"Trouble in paradise?" Sabay halakhak ng babaeng to. Nagsisisi na po ako naging kaibigan ko siya.

***

"Hindi nga sabi ko pupunta dun. Ayaw ko dun. Kaya naman na yun si Boss Alfie. Ang kukulit niyo." Kanina pa kasi nila ko pinagtatabuyan. Dapat daw andun ako sa skwelahan kung saan gaganapin ang outreach program.

"Daze pumunta ka na. Buti nga magtuturo ka na lang kesa mapagod ka pa dito eh kaya naman namin to."

"Kaya rin naman nila yun dun." Naiiyak na ko dahil sa sibuyas.

"Di ka ba naawa sa mga bata Ate Daze? Tsaka kay Alfie? Pinagsasabay niya na ang dalwang section kasi wala ka." Pinag gguilt trip naman nila ko ngayon.

"Wag na kasi ma pride bakla. Sige na. Go na dun. Baka ibagsak ka nun ni Alfie sa narrative report. Hala ka." I know that. Pero kasi nakakainis siya. Iniiwasan ko na nga siya ilalagay niya pa ko dun. Ako na lang lagi napag iinitan.

"Okay fine. Pupunta na mga mahal na prinsesa." Wala rin akong nagawa kundi sumunod sakanila. Paniguradong sangkatutak na sermon ako nito.

GlimpseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon