Thirteen

1 0 0
                                    

"Hoy bakla! Magtapat ka nga. May something ba sainyo ni Dizon?" Nakapamewang si Mary ngayon sa harap ko at feeling mother na naman siya sa pag iinterrogate.

"Meron." I smile at her sweetly and she just gave a raised eyebrow."Mag jowa kami. Di mo alam?"

"Lokohin mo lilang mo. Nangangarap ka na naman. Seryuso nga ako. Is there something going with you too?" Nakaupo siya sa kama ko. Nakahiga kasi ako and double deck kami. She has the upper bunker.

"Grabe ka naman. Panira ka ng imagination. Tsaka paano mo naman nasabing may something samin. Di mo ba nakikita na bipolar lang ang isang yun?" Totoo naman ah. Kaya nga iiwasan ko na siya. Promise talaga.

"Nagtataka lang kasi ako. I mean di ka ba nagtataka na medyo nagiging okay na siya sayo? At sayo lang siya ganun?" Kung alam mo lang. Yan ang dahilan kung bakit sumasakit bangs ko sakanya.

"Wag na ako tanongin mo bakla. Tutal close naman kayo. Why don't you ask him?" Napabalikwas na ko sa kama. Tama! Para di na rin ako mabaliw sa kakaisip sa kanya. Masama na kasi sa health.

"Sige. Basta libre mo ko." Magkaibigan nga kami. Parehas kami ma lamon. May forever sa pagkain.

"Okay fine. Pero dapat malaman mo muna. I bet mahihirapan ka. Hahahaha. Good luck to you." Hindi yan sasabihin ni Alfie sakanya. Masyado yung matalino.

"Tsk. Tsk. Don't underestimate me bakla." Tumayo na siya para matulog.

I drifted to sleep while thinking of him. Lagi na lang ganito. Sana di siya makatulog ngayong gabi para makabawi man lang sa pagpapahirap niya sa isip at puso ko.

***
*phone vibrates*
"Dave punta ka na sa school. Nandito na kami."

Unknown number ang nagtxt at nagtataka ko dahil di naman Dave pangalan ko. Last time I check babae pa naman ako. I called the texter. Kakatamad mag txt.

Di muna ko nagsasalita para malaman ko kung lalaki o babae.
"Hello?" It's a guy. "Hello Dave? Asaan ka na ba? Kanina ka pa namin hinihintay dito." The voice is eerily familiar. Then it dawn on me. It's Alfie.

"Uhm hi." Natigilan siya." Hindi to si Dave. I think you got the wrong number." Wala nang nagsasalita sa kabilang linya pero on going pa naman yung call.

"Ah ganun ba? Kala ko si Dave. Bye then." He didn't even explain kung paano niya nakuha number ko. Di pa nga ako nakakapag bye na end na yung call.

My morning just got interesting. Paano kaya nagkaroon si Alfie ng number ko? Dave is our classmate. Magkatunog nga at halos magkalapit pangalan namin pero duuh?! Hindi naman ata siya bulag para di yun mabasa. In fact dati na silang magkaibigan ni Dave so imposibleng nanghingi pa siya sa iba at nagkamali lang.

Parang akong tangang nakangiti habang kumakain ng breakfast. Nag aayus na lang kasi kami ng clearance kaya pupunta kami sa school.

"Tigilan mo nga yang ginagawa mo. Ang creepy mo na." Tiningnan ko si Mary na parang natatakot na nga sakin.

"What? Masama na ngumiti ngayon?" Kain lang ako ng kain eh sa kinikilig ako sa naiisip ko.

"Oo. Masamang masama lalo na kung talo mo pa yung Cheshire cat sa ngiti mo." Di na ko nakipagtalo sakanya. Ang importante. May number na ko ki Blue.

Tinxt ko nga kung saan niya nakuha number ko. Kaso wala. Deadma na naman ako. What's new about it anyway.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 02, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

GlimpseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon