Two

4 0 0
                                    

Busy lahat ng estudyante kasi may event ang department namin. We need to have a group presentation for the upcoming acquaintance party. 1 day and 1night kasi yun. Napag usapan ng group na sayaw na lang gawin and the leader is no other than tenenen Mr Alfie Dizon. Please give him a round of applause.

"Wag na natin isama yung step na yan at yung first batch na lalabas eh all girls lang." Ang bossy niya lang eh noh? Pero I admit tama si Maria Kaligayahan a.k.a my bestie may ibubuga nga ang lalaking to at ang nakakainis is lagi ko na siyang napapansin. Simula nang araw na banggitin yan sakin ni Mary joy(totoo nang pangalan) nilubos na araw araw.

"Daze tinatawag ka na sa harap. Kasama ka daw sa first group." Tawag sakin ng kaklase ko. Pumunta na ko sa harap at ang instructor po ay siya lang naman.

"Presence of mind po kung maaari kasi lahat naman tayo dito gusto nang matapos to." Obvious bang nagpaparinig siya? Di naman di ba? Di naman nakatingin sakin kaya wapakels.

Chin up and do the moves. I'm not a dancer but I'm a fast learner. Kala mo sakin na mokong ka ah.

"Sabay na tayo umuwi bakla. After lang nang pa last round ni Mayor eh uwi na tayo." Mag gagabi na kasi at nag mamastering na lang ng mga sayaw.

"Ayaw kitang kasabay." Poker face ako.

"Ganyan ka na. Itinatakwil mo na ko porket mas maganda ko sayo. Huhuhu." Talagang umaarte siya na nasasaktan puso niya.

"Gaga! Ayaw ko lang makarinig na naman ng kung anong nasagap mong kwento ki Blue. Utang na labas naman bakla. Kotang kota na ko sa kwento mo." Di ko na mapigilan mag reklamo. Halos alam ko na talambuhay niyan ni Dizon dahil sakanya.

"Hahahaha. Ito naman. Di na nga eh. Next tine naman. Busy din kasi siya kaya walang chika ngayon." Nakahinga ko ng maluwag sa sinbi niya

"Buti naman at pagod na ko. Naka hit hit ata yan eh. Kung pagpractisin tayo kala mo naman Pilipinas got talent sasalihan." Feeling ko talaga bali bali na bones ko.

Blue pala tawag namin ki Dizon kasi mahilig yan sa Blue water. Arte lang. Pero gusto ko din nun. Yun lang ata ang pagkakasunduan naming dalwa. Ang tubig.

GlimpseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon