Chapter 3

3.5K 114 2
                                    

"You weren't just a star to me, you were my whole damn sky"

•••

Dumaan na ang Earth Science at General Mathematics at sa totoo lang inaantok na ako. Si Krystal nalang talaga adrenaline ko para hindi makatulog. Titignan ko lang siya parang narerecharge ako sa 100% eh pero pag haharap ako sa teacher eh.

Pero pasimpleng ngiti lang ginagawa ko, bat naman kasi sa harap pa ako ng upuan niya nakaupo eh. Dapat talaga tabi kami eh, kaso ayaw ng mga apilyedo namin.

Buti pa noong grade 7 hanggang grade 10 ok lang kahit saan umupo kaya pwede mo makatabi crush mo.

Hays, mahal ko ang apilyedo kong Ancheta. Mahal ko rin naman ang apilyedo ni Krystal na Garcia pero ayoko lang kapag hindi kami magkatabi dahil sa apilyedo namin.

Aphabetical is sh*t.

"Goodbye class." Sabi ng teacher namin sa General Mathematics.

Napangiti ako ng sabihin niya yun. Hindi talaga lahat ng goodbye masakit.

"Goodbye sir." Sabi naming lahat.

Isinuot ko na ang bag ko at itinapon ang mga scratch paper na nagamit namin sa pagsosolve.

"Uuwi ka na agad?" Tanong ni Stal.

"Ikaw?" Nakangiti kong tanong.

"Oo." Sabi niya.

"Sige sabay na tayo palabas ng gate." Sabi ko.

Malungkot na masaya ang uwian para sakin. Masaya syempre makakatulog sa bahay. Malungkot kasi di ko makikita si Stal, magkaiba pa naman direksyon namin pauwi.

Lumabas na kami ng room at lumabas ng gate.

"Krystal." May narinig akong tumawag kay Krystal na lalaki.

Si Angelo.

Nakita kong namula ang pisngi ni Stal at napangiti siya.

"Angelo." Sabi niya at lumapit kay Angelo.

"Ashley"

Gusto ko sanang sabihin din pangalan ko kasi naman, para silang nagroroll call ng attendance. Eh wala namang tatawag sakin kasi single ako at wala naman akong ex na nakikipagbalikan sakin. Single feels!

"Kamusta ka na? Maaga kasi uwian namin ngayon eh kaya dinaanan muna kita." Sabi ni Angelo.

"A-ah ayos lang ako." Sabi ni Stal.

"Buti naman, namiss kita." Sabi ni Angelo at ngumiti.

Infairness may itsura si Angelo. Bagay nga sila kung tutuusin. Kaya kailangan kong pigilan ang nararamdaman ko para kay Stal, walang patutunguhan kung ipagpapatuloy ko. Masasaktan lang ako lalo na pag lalong lumalim. Sinong niloko? Matagal ng malalim nararamdaman ko para sakanya.

"Alis na ako. Stal, ingat ka." Sabi ko at hindi na inantay na magpaalam siya.

Masakit na nga yung makita ko silang nag-uusap ulit, lalo naman yung marealize na kahit mahal ko siya, hindi niya ako mamahalin pabalik.

Naglakad na ako at sumakay ng jeep.

"Bayad po." Sabi ng isang babae.

Nakakatamad iabot.

"Bayad po. PAKISUYO" Sabi niya at medyo mataas ang boses.

Tumalikod na at kinuha ang bayad niya.

Ang ganda pala, kaso mukhang medyo mataray.

Inabot ko na ang bayad niya at binigay sa driver.

"Thank you." Mahina niyang sinabi at tumango lang ako.

"Diba ikaw si Ashley?" Tanong ng babaeng katabi ko.

Pano niya nalaman? Sino ba to?

"A-ah oo. Bakit?" Nagtataka kong sinabi.

"Natatandaan lang kita. Schoolmate tayo noong highschool." Sabi niya. "Nakikita kita at ngayon ko lang nalaman na dito ka rin pala nag-aaral.

"Ah. Anong pangalan mo?" Tanong ko.

"Andrea. Section Gold ako noon, diba Platinum ka noon."

"Oo." Sabi ko. Bat hindi ko kilala tong naganda binibini na ito noon. "Teacher mo rin ba si Maam Camil?" Tanong ko.

"Oo sa English. Kamusta na kaya yung aso niyang si Jeremy." Sabi niya.

Natawa naman ako.

Tama, schoolmate ko nga to. Sabi kasi ni Maam Camil noon, sa grade 10 niya lang daw kinuwento kung paano niya napulot yung aso niyang si Jeremy.

"Tayo lang ba ang lumipat sa school na to na taga dati nating school?" Tanong ko.

"Hmm, hindi ko alam." Sabi niya at nakakunot ang noo.

Ang cute niya.

Mas cute si Stal

Oo alam ko! Letseng utak.

"Ahh." Sabi ko at tumango. Tumango rin siya.

Kailangan kong mag-isip ng topic!

"Uhm, anong strand na kinuha mo?" Sabi ko.

"HUMSS." Sabi niya.

"Balita ko magaganda raw mga HUMSS ah." Sabi ko at natawa siya.

"Hindi naman gaano." Sabi niya at namumula ang pisngi. Napablush ko ba siya? O baka ang puti niya kasi kaya mabilis siyang mamula.

"Oo kaya." Sabi ko at natawa.

"Sige na nga, mapilit ka eh." Sabi niya at talaga namang natawa ako at natawa rin siya.

Yung tawa niya, ang cute.

"Ayoko sana bumaba kaso kailangan na eh, wala na akong pamasahe pabalik." Sabi ko at nagpaalam sakanya.

Tumawa siya "Sige bye Ashley! Ingat. Kita tayo sa school" Sabi niya.

"Bye Andrea." Sabi ko at bumaba na.

Habang naglalakad pauwi, nakangiti ako.

Naalala ko lahat ng tawanan naming dalawa.

Kahit papano nakalimutan kong nasasaktan ako kay Stal.

•••

Anong masasabi niyo kayo kay Andrea? Bagay ba sila ni Ashley? O team Krystal pa rin?

Still Falling (gxg) (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon