Chapter 18

3.3K 99 39
                                    

"Just one hit of you I knew I'll never be the same."

•••

N

apabuntong hininga rin ako. Nagbuntong hininga kaming dalawa.

"Siguro gusto kong magsorry sa sarili ko." Sabi niya.

"Bakit?"

"Kasi hindi ko magawa yung gusto kong gawin. Lagi kong iniisip iisipin ng iba sa akin." Sabi niya at mabilis na pinunasan ang luha  na tumulo sa mata niya.

Binitawan ko ang pinakamamahal kong turon at itinabi sandali. Nilapitan ko si Stal at niyakap siya ng mahigpit. Niyakap niya rin ako.

Kahit gustong gusto kong niyayakap niya pero mas ayoko namang umiiyak siya.

"Stal, laging may iisipin at sasabihin sayo ang tao. Depende nalang sayo kung papakinggan mo sila o papakinggan mo yung sinasabi ng sarili mo sayo." Sabi ko sakanya habang hinahagod ang likod niya.

Sa 5 minutes na iyak niya ay napatigil ko na rin si Stal.

"S-salamat." Mahina niyang bulong.

"Wala yun." Sabi ko.

Hinalikan niya ako sa pisngi.

I repeat hinalikan niya ako sa pisngi.

Hindi ako nakapagsalita nang ginawa niya yun at nakatingin lang ako sakanya. Napangiti siya at natawa na nagbalik sa akin sa reyalidad.

"Kung napicturan lang sana kita. Sana nakita mo yung mukha mo!" Pang-aasar niya.

Inirapan ko lang siya pero deep inside kilig na kilig na ako.

"Edi magiging viral yung picture ko sa internet kasi sobrang ganda ko." Sabi ko.

This time siya naman ang umirap sa akin with matching hampas pa sa braso. Natawa lang ako sakanya at hindi gumanti. Under problems.

"Pero salamat ulit." Sabi niya.

"Wala ba akong kiss ulit?" Tanong ko at namula ang pisngi niya.

Para kaming naglalandian.

Hinalikan niya ulit ako sa pisngi pero this time humarap na ako kaya naman sa labi niya ako nahalikan.

Me and my ninja moves oyeah.

"A-ashley! Baliw ka talaga!" Sabi ni Stal pero parang kamatis na sa sobrang pula.

"Friends do that right?" Pang-asar na tanong ko.

Friendzoned.

Sumeryoso naman ang tingin niya sakin.

"I don't want to be your friend." Sabi niya.

"H-huh? B-bakit?" Tanong ko. Parang binugbog ang puso ko.

"Kasigustokongmaginggirlfriendmo." Mabilis niyang sinabi at tumakbo papunta sa kama para magtago sa kumot.

Nakatingin lang ako sakanya habang tumatakbo. Hindi ko alam kung gagalaw ba ako o hindi eh ano ba sasabihin ko. Send help.

Napailing ako at napangiti. Tumayo ako tumabi sakanya sa kama.

"Gusto ko rin maging girlfriend mo." Sabi ko sakanya habang inaalis ang kumot. Gusto ko makita mukha niya.

Lumabas ang kamay niya mula sa kumot at hinawakan ko ito pero kinurot niya lang ako.

"Stal naman! Labas ka na jan." Sabi ko.

Inalis niya ang kumot at nakita ko ang pagkapula ng pisngi niya.

"E-eto na." Sabi niya.

"Ano bang sikreto mo?" Tanong ko.

"Anong sikreto?" Tanong niya.

"Sikreto kung bakit sa lahat ng ginagawa mo ang cute mo." Sabi ko sakanya.

"Maliit na bagay." Sabi niya.

"Sooooooo. Dun sa girlfriend na part, gusto mo bang pag-usapan o wag muna baka pag iisipan mo pa ayos lang yun sakin kasi handa naman akong maghin-" at hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil niyakap niya na ako ng mahigpit at kumandong siya sa akin.

"Wag ka ng magsalita. Gusto ko lang yakapin ka ngayon." Sabi niya at niyakap ko rin siya.

Nanaginip lang ba ako? Sana wala ng gisingan to woooh! Parteh parteh.

Ilang minuto kaming nakastay lang kami sa posisyon na yun at naisipan ni Stal na umalis sa pagkakayap. Pero naka kandong pa rin siya sa akin.

Iginilid  ko ang nakalaglag na buhok niya na nakakatakip ng maganda niyang mukha. Hinalikan ko ang noo niya.

Nagulat naman ako ng bigla niya akong niyakap sa leeg. Napayakap naman ako sa bewang niya.

"Bat ba yakap ka ng yakap?" Tanong ko habang natatawa sakanya.

"Eh kasi ayokong makita mong kinikilig ako! Nahihiya ako." Sabi niya.

"Ilang taon na tayong magkaibigan ngayon ka pa nahiya?" Tanong ko sakanya.

"Wag mo kong asarin!!" Sabi niya at hinampas ako sa braso ko.

"Paborito mo talaga braso ko noh?" Tanong ko.

"Mas paborito kita." Sabi niya at humalik sa pisngi ko.

Napangiti ako sa sinabi niya.

Inalis niya na ulit pagkakayap niya sa akin at tinignan ako. Nginitian ko siya ng labas gilagid at natawa siya.

"Ashley... gusto kong sabihin na sorry kasi ang duwag kong aminin sayo lalong lalo na sa sarili ko na gusto kita. Noon papala. Pero pinipilit kong ibalik si Angelo  kasi natatakot ako.. natatakot sa sasabihin ng iba. Natatakot na masira ang papagkaibigan natin at iwan mo ako. Kung alam mo lang, mas masakit pa nung iniwan mo ako at umalis ka sa bahay kaysa noong iwan ako ni Angelo." Sabi niya at tumulo nanaman ang luha niya.

Pwede talaga tong mag artista si Stal, ang bilis umiyak eh.

Pinunasan ko ang luha niya at hinalikan ang noo niya.

"Ayos na yun, wag ka ng umiyak. Hindi kita iiwan. Iiwan ko ba yung taong dahilan ng pag-sstay ko? Kung alam mo lang kung gaano kita kagusto noon pa. Natatakot lang akong aminin... kasi alam ko mahal mo si Angelo. Pero salamat sa Diyos kasi eto tayo ngayon, pinagbigyan niya ang matagal ko ng wish... ikaw. At marami pa akong wish sakanya para sa akin, sa aking pamilya at syempre para sa atin." Sabi ko.

Napangiti naman siya sa sinabi ko at nagpasalamat.

"Ashleng!" Tawag sa akin ni mama mula sa labas ng pinto

"Baba na tayo? Hinahanap na nila tayo." Tanong ni Stal.

Niyakap ko siya ng mahigpit.

"Ayoko, gusto ko yakapin lang kita." Sabi ko.

"Hinahanap na tayo ni tita. At may pagkain dun oh." Sabi ni Stal.

Nag-star ang mata ko nang narinig ko ang salitang "pagkain" kaya inalis ko na ang pagkakayap kay Stal.

"Alam ko talaga magic word mo." Sabi niya at hinalikan ako sa pisngi.

Napangiti ako sa sinabi niya pero sa totoo lang "Krystal" talaga ang magic word ko.

•••

Still Falling (gxg) (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon