Chapter 19

3.6K 98 28
                                    

"I need you."

•••

Ilang linggo na rin ang lumipas simula nung naging kami ni Stal. Oo kami na agad wala ng ligaw ligaw. Ilang taon na kaming magkakilala at napatunayan na namin sa isa't isa yun matagal na.

"Hi boo." Pumasok si Stal sa kwarto ko at yumakap sa bewang ko, inilagay ko naman ang kamay ko sa kanyang braso.

Ayoko talaga yang tawag niya na yan eh, para sa akin masyadong pambata. Pero nung sinabi kong ayoko, nagtampo. Kaya ayun no choice. Taas kamay mga under kagaya ko!!

"Hello boo." Sabi ko.

"Boo gusto ko ng malaman ng pamilya natin na tayo na." Sabi ni Stal. Napangiti ako at hinalikan ang noo niya. Atlis hindi lang ako yung may gustong mangyari yun.

"Kelan mo ba gusto?" Tanong ko.

"Hmmmm. Bukas kaya?" Tanong niya.

"Bakit bukas?" Tanong ko.

"Wala lang. Gusto ko lang. Ayaw mo ba?" Tanong njya at umalis sa pagkakayakap niya. Namiss ko agad ang katawan niyang nakadikit sa katawan ko. "Kung ayaw mo okay lang--"

Hindi ko na siya pinatapos sa sinasabi niya at hinalikan ko na agad siya. Natahimik siya at niyakap ang leeg ko at napayakap naman ako sa bewang niya.   Umalis siya sa pagkakahalik at halatang halata ang pamumula ng pisngi niya.

"Gusto ko Stal, gustong gusto ko. Nagtanong lang ako kung bakit bukas kung pwede naman ngayon." Sabi ko at hinalikan ang pisngi niya.

"I love you Ashley." Sabi ni Stal.

"I love you more boo." Sabi ko.

"Imposibleee." Pang aasar niya.

"Basta mahal kita." Sabi ko at napakamot ng ulo. Alam ko kasing kapag hindi ako nagpatalo, magagalit siya at hindi mamamansin at magpapabili ng ice cream.

Napangiti naman siya at yumakap sakin.

"Baba na tayo, ipapakilala pa kita sakanila." Sabi ko.

"Seryoso?! Wahhhh! Hindi ako nakapag-ayos?! Paano kapag hindi nila ako nagustuhan? Paano kapag ayaw nilang maging tayo?!" Tanong niya at nagpapanic na.

"Seryoso ako dun. At sobrang ganda mo pa rin kahit hindi ka nakapag-ayos. Partida hindi ka pa nag-aayos niyan ah, paano pa kaya kapag nag-ayos ka na boo. Gusto ka nila at alam kong mas magugustuhan ka pa nila. Gusto nilang maging tayo, kung alam mo lang." Natawa ako nang maalala ko ang pamimilit ng pamilya ko sa akin na aminin kay Stal.

"Salamat boo." Sabi ni Stal.

"Walang anuman." Inilagay ko sa tenga niya ang nakalaylay na buhok sa kanyang pisngi. "Baba na tayo?" Tanong ko at hinawakan ang kamay niya.

Tumango lang siya sa akin at hinalikan ko ang noo niya.

---------

Bumaba na kaming dalawa at silang lahat ay nanonood ng tv. Umupo na ako sa sofa at tumabi sa akin si Stal.

"Oh, Ashleng kumain na ba kayo?" Tanong ni mama.

"Opo ma. May sasabihin pala kami." Sabi ko.

Pinatay nila ang tv at tumingin sa amin.

"Mama, papa, kuya, Ate Ann, Kuya Ruben, aso ko, kapitbahay, buong barangay, buong lungsod, buong Pilipinas. Kami na po ni Stal." Sinabi ko sakanila na ngiting ngiti na kitang kita pa ang mga ngipin.

Inilagay ni papa ang kamay niya sa balikat ko.

"Anak, hindi kami bulag. Matagal na naming alam." Sabi ni papa at nanlaki naman ang mata ko.

"Oh?!? Paano niyo nalaman?" Tanong ko.

"Yung tinginan niyong dalawa, yung ngiti mo pag nandito siya, yung ngiti ni Stal kapag nagkikita kayong dalawa? Sa tingin ko sapat na yun para masabi naming kayo na nga talaga." Sabi ni mama at binuksan na ang tv.

Ganun na ba kami ka in love sa isa't isa?!

"Basta anak, alagaan mo si Stal. Treat her right. Alam mo na yun. Parang ginagawa ko sa mama mo, tignan mo hanggang ngayon, mahal na mahal ako. Kilig na kilig pa rin sakin." Sabi ni papa at kiniliti si mama.

"Tumigil ka nga jan! Hampasin kitang remote!" Sabi ni mama at natawa kaming lahat.

"Hindi ganyan yung sinasabi mo sakin kanina." Pang-aasar ni papa at itinaas-baba pa ang mga kilay niya.

Nanlaki naman ang mata naming lahat.

"Sa tingin ko hahatid ko na si Stal sa kanila." Sabi ko at tumayo.

"Sa tingin ko mag cocomputer nalang ako sa kwarto, nakalock ang pinto." Sabi ni kuya at tumakbo paakyat ng hagdan.

"May huhugasan papala ako." Sabi ni ate Ann at dumiretso ng kusina.

"Mukhang na flat yung gulong ng sasakyan, bobombahan ko muna." Sabi ni kuya Ruben at lumabas ng bahay.

"Tita, tito uwi na po ako, thank you po." Sabi ni Stal.

"Sige, ingat kayo ah." Sabi ni mama at papa.

Lumabas na kami at magkahawak kamay na naglakad.

"Sabi sayo magugustuhan ka nila eh." Sabi ko.

Sino bang hindi magkakagusto sakanya?

"Oo, thank you boo." Sabi niya at hinalikan pisngi ko.

"You're always welcome babe." Sabi ko.

"Babe?! Anong babe?!" Sabi niya at bumitaw sa pagkakahawak sa kamay ko.

"Ang cute din kasi ng babe eh." Sabi ko.

Cute naman diba?! Mas cute nga lang tong babaeng nasa harapan ko na parang umuusok na ang tenga at ilong sa galit.

"Palusot mo! May iba kang babae!" Sabi niya at hindi ko alam kung matatawa ako o matatakot kasi ang ganda niya kapag galit.

"Boo naman, nakyutan lang ako. Ikaw lang babae ko." Sabi ko at pinisil pisngi niya.

"Hmp!" Sabi niya at naunang maglakad.

Napafacepalm naman ako pero sinundan pa rin siya. Hinawakan ko ang kamay niya at hinalikan.

"Alam mo bang kahit ang ganda mo pag galit ka, ayokong galit ka kasi mahal kita at ikaw lang mahal ko at mamahalin ko pa. Bat pa ko maghahanap kung nakita ko na? Eto nga oh! Hawak ko pa yung kamay!" Sabi ko at tinaas ang kamay naming magkahawak.

Napangiti siya at alam ko that time, ok na siya. Yay! Libreng damo para sa lahat!!

"O-oo na." Sabi niya at naglakad na kami pauwi sakanila.

Sana mastuck ako sa panahon na to, yung hawak ko yung kamay niya at magkasama kaming dalawa.

•••

Pengeng will to update guys. Last chapter na po next. ♡ new story uliiiiiiiit thank you sa inyo.

Still Falling (gxg) (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon