Chapter 13

3.1K 70 0
                                    

"They told me that to make her fall in love, I had to make her laugh. But everytime she laughs, I'm the one who falls in love."

•••

Alam mo yung pinakamasaya sa lahat? Yung napapangiti ko siya. Napapasaya ko ang pinakamagandang babae sa aking nata. Naririnig ko yung mga tawa niyang parang laging perpekto ang tono. Pag napasaya ko siya parang nabubuo ang araw ko, minsan nga parang daig ko pa yung nanalo sa mga patimpalak na may premyo.

"Sabi sayo, nakakatawa yung video na yun eh." Sabi ko kay Stal na kasalukuyang nagpupunas ng luha kakatawa.

"Oo nga eh." Sabi niya at onti onti ng nawawala ang mga tawa niya at napapalitan nanaman ng lungkot ang mata niya.

Nakakabadtrip. Nakakainis. Nakakabagot hindi ko siya pwedeng halikan nalang basta tuwing malungkot siya.

"Stal, panigurado magmemessage din yun, hindi ka nun matitiis." Sabi ko sakanya at hinawakan ang kamay niya.

Bat ganyan ka Angelo? Binabalewala mo yung pangarap ko.

"Sana nga." Sabi niya.

Heto nanaman kami, iiyak siya sa tabi ko kasi nag away silang dalawa. At ako naman eto, icocomfort siya.

"Ayos lang yan." Sabi ko at niyakap siya.

"Nakakainis siya! Bat niya ako natitiis at nagagawa niya pang sumama sa mga kaibigan niya! Hindi na ba ako mahalaga sakanya?" Sabi ni Stal at nararamdaman kong basa nanaman ang balikat kung saan nakapatong ang ulo niya.

"Lahat tayo may rason Stal, depende nalang kung papakinggan mo muna siya kung gusto mo pero kung ayaw mo... desisyon mo na yun. Basta kung sa tingin mo ok ka sa desisyon mo na yun, ok na yun." Sabi ko.

Tumingin siya sa akin at ngumiti. Yung mata niyang laging may kislap. Ngayon maliwanag na kasi yung mga luha niya ang nagpapakinang.

"Salamat Ashley, di ko alam gagawin ko kung wala ka. Siguro nasampal ko na yun ngayon." Sabi niya at natawa naman ako.

Sana pala nawala nalang ako para masampal niya si Angelo noh?

-------

Hinatid ko na sa gate si Stal at inantay kong ligtas siyang nakasakay ng tricycle bago ako pumasok ng bahay. Mahirap na baka matarantado tayo dito.

Vincent: oyyy

Ashley: Uyyyyy

Vincent: tara laro tayo LOL.

Ashley: sige

Binuksan ko na ang pc at inopen ko na ang League of Legends.

Ilang minuto palang kami naglalaro ay nag chat sa akin si Vincent sa private message

Vincent: si stal pa ba at angelo

Ashley: Oo

Vincent: bat may kasama si angelo na ibang babae dito sa comp shop

Natigilan ako sandali.

Ashley: Weh? Baka hindi siya yan okaya baka kaibigan lang.

Still Falling (gxg) (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon