Chapter 4

3.2K 91 2
                                    

"I think part of me will always be waiting for you."

•••

Habang naglalakad ako pauwi, may nakasalubong akong magjowa. Jusko. Kulang nalang maghubad na sila.

Naglakad nalang ako ng mabilis para hindi ko na masaksihan ang chukchakan nilanng dalawa. Baka makasaksi pa ako ng porn ng hindi ko inaasahan eh.

Habang naglalakad ako ay nagtext si mama sakin.

Ma: ashley bumili kang softdrinks, babayaran kita pag uwi mo.

Di na ako nagreply kasi wala naman akong load. Syempre single eh, sino ba namang itetext ko? Si Stal? Panigurado magkausap na sila ngayon ni Angelo.

Dumaan na ako kina Aling Bebeng para bumili ng softdrinks. Di pa ako nakakapwesto sa harap ng tindahan niya natanaw ko na agad na may magsyotang naglalandian.

Tinutusok tusok ng lalaki sa tagiliran yung babae. Yung babae naman pulang pula na sa sobrang kilig. Ay ewan!

"Hon anuba!" Pabebeng sinabi ng babae.

Pumunta na ako at kumatok kay Aling Bebeng.

"Pabili! Pabili!" Sabi ko.

"Ashleng, bat naman parang galit ka ata." Sabi ni Aling Bebeng.

Eto kasing dalawang to eh. Sarap tusukin ng tinidor yung tagiliran eh. Tignan ko lang kung di mamula tong mga to.

"Pagod lang po." Sabi ko. "Pabili po ng kahit anong softdrinks na malamig jan. Yung malaki po." Sabi ko.

Inabot ko na ang bayad at inabot na rin ni Aling Bebeng ang softdrinks.

Umalis na ako at habang naglalakad nakasalubong ko naman ang kagawad namin na kaibigan nila papa.

"Ashley! Asan papa mo?" Tawag sakin ni Mang Nestor.

"Nasa bahay po ata!" Sigaw ko.

"Ah sige! Pakiabot naman ito sakanya oh. Nanghiram kasi ako sakanya ng pera noong isang linggo. Tara pasok ka muna." Sabi ko.

Pumasok naman ako sa garahe nila.

"Papatugtog muna ako para hindi ka mainip, medyo malaki kasi yung pera eh baka medyo matagalan ako." Sabi niya.

Tumango lang ako. Binuksan niya na an radyo at biglang tumugtog ang...

Where do broken hearts go

Can they find their way home

Back to the open arms

Of a love that's waiting there

Ayoko na. Hindi ko alam kung bakit ang bitter ko ngayong araw, hindi ko rin naman alam kung bakit andaming sweet na mag jowa ang nakikita at talaga namang hindi ko alam kung bakit ang kanta pa sa radyo eh yung bh.

Nakakaloka!!

Lumabas na si Mang Nestor at binigay na sa akin ang pera.

"Pakisabi sa papa mo salamat ah!" Sabi niya.

"Opo!" Sabi ko.

Pwede po yang radyo niyo pakisabihan wag masyadong malungkot ang pinapatugtog. Buti po nakapagpigil pa ako kung hindi naihampas ko na tong bote ng softdrinks jan.

Gusto ko sanang sabihin.

Mabilis na akong naglakad at pumasok na sa gate. Whooo wala na akong makikitang magjowa na sobrang sweet sa isa't isa. Di na ulit ako bitter.

Pagkapasok ko ng bahay ay nakita ko si kuya at ang gf niya na magkaakbay sa sofa habang nanonood ng tv.

Si kuya Ruben naman at ate Ann sweet na sweet sa kusina.

Oo na ako na! Ako na single, ako na hindi crush ng crush niya at ako na ang willing to wait pero hindi mahal ng mahal niya!

That's me bitches, Ashley Ancheta.

Tumakbo na ako sa second floor at kumatok sa kwarto nila mama. Nakita ko silang nakahga sa kama at nagtatawanan sa pinapanood nila sa tv.

Hays.

"Ma, nasa baba na po yung softdrinks at pa may pinapabigay si Mang Nestor." Sabi ko.

Binigay ko kay papa yung sobre.

"Sige anak salamat. Bakit parang wala ka at sa mood ngayon?" Sabi ni mama.

"Baka binasted ng crush niya." Sabi ni papa at natawa.

Hinampas siya ni mama at sinamaan ko siya ng tingin.

"Pero bakit nga? Don't tell me hindi mo parin nasasabi kay Stal na crush mo siya." Sabi ni mama.

Ma naman!

"Hindi..." mahina kong sinabi.

Nagtawanan silang dalawa ni papa at ako naman nanahimik lang.

"De anak, ganito kasi yan. Single naman siya diba? Tapos kakabreak lang nilanng ex niya noong nakaraang buwan. Ang mga babae..." tumingin siya kay mama at tumingin sakin

"Ang mga babae madaling makuha ang oo niyan kapag bh. Kaya ganito, sabihin mo kay Stal, pag kaharap mo na siya magbilang ka sa isip mo ng 1 2 3 at lapitan mo. Hawakan mo ang kamay at sabihin mong 3 taon mo na siya gusto." Sabi ni papa.

Napaisip ako. Tama si papa. Alam ko na kung kanino ako nagmana woooh!

"Salamat pa! Salamat ma!" Niyakap ko sila. "Magbibihis na ako! Gutom na ako eh kakain muna ako. At pa. Gagawin ko yung sinabi niyo." Sabi ko.

Bago ako lumabas ay sumigaw si mama. "GO GET HER TIGER!" Sabi niya at natawa ako.

Pumasok na ako sa kwarto ko at nagbihis. Humiga muna ako sandali sa kama ko....

Kaya ko to, para sa ekonomiya!!!

Spartans! What is your profession?!?

Awoooh awoooh

Natawa ako sa mga iniisip ko at bumaba na.

Bahala na kung kailan basta masabi ko sakanya

Para sayo to Stal.

•••

Still Falling (gxg) (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon