Chapter 20

4.3K 96 12
                                    

You're that part of me that I always needed.

•••

"Nasabi ko na ba?" Tanong ko kay Stal na katabi ko lang habang kumakain kami ng fishball sa tabi ng school.

Nagtataka siyang tumingin sa akin at natigilan pa siya bago isubo ang fishball. 

"Na?" Tanong niya at siningkitan ako ng mata.

"Na ang ganda mo kahit lumolobo na yung pisngi mo sa dami ng sinusubo mong fishball. Pero boo, ayaw ko naman na mabulunan ka kaya hinay hinay lang di naman magiging isda yang fishball tapos lalangoy sa dagat palayo sayo." Sabi ko.

Napangiti siya at natawa kaming dalawa.

"Nasabi ko na rin ba?" Tanong niya.

Napangisi ako. "Na ano?" Sagot ko.

"Na lalo akong nahuhulog sayo kapag ganyan ka na hinahaluan mo ng biro halos lahat." Sabi niya.

Ako naman ang napangiti.

"Ewan ko kung ikaw nagsabi nun pero may nakapagsabi na nga sakin noon." Sabi ko at pang-asar na ngumiti. Dahil doon nakatanggap naman ako ng eye roll na halos buong eyeball na ang umikot mula sa babaeng to.

"Ah ganun" Sabi niya at kumuha ng maraming fishball "Ikaw magbayad lahat ng niyan ah." Sabi niya at ngumiti.

Napabuntong hininga nalang ako, ang hirap talaga pagselosin nung amazonang yun eh.

"Manong magkano po lahat ng nakain namin nung babaeng matakaw na tuhog ng tuhog kahit kakatuhog niya lang." Tanong ko sa nagtitinda ng fishball.

"Uhmm, siguro sakanya mga 25 sayo sampu." Sabi niya.

"Sige po." Sabi ko

Nagbayad na ako at sumunod kay Stal. Tumabi ako sa kinatatayuan niya habang nag-aantay ng tricycle.

"Eto naman eh, hindi mabiro." Sabi ko at tinusok tagiliran niya.

"Pag hindi mo tinigil yan itutusok ko sayo tong stick." Sabi niya at seryosong tumingin sa akin.

Nanlaki ang mata ko at aaminin kong napatigil talaga ako sa sinabi niyang yun syempre kahit naman ata sinong sabihan ng ganun eh mapapatigil.

"Hindi mo sinabi sa akin na ganyan ka pala kabrutal edi sana una palang hindi na kita niligawan." Sabi ko at nagpigil ng ngiti, nakita ko naman  ang patagong ngiti ni Stal.

"Ehem, excuse you! Hindi mo ako niligawan--" Sabi niya

"Kasi sinagot mo agad ako. Paano kita liligawan nun? Hmm." Sabi ko at sabay na itinaas-baba ang kilay ko.

"Ang kapal ng mukha mo. Magpasalamat ka at may tricycle na kung hindi ngayon palang tumumba ka na jan sa kinatatayuan mo." Sabi niya at pinara na yung tricycle na walang sakay.

Pinauna ko siyang sumakay at inilahad ang dalawa kong kamay sa tricycle at nag-bow ng onti.

"After you milady na patay na patay sa akin kaya ako sinagot agad kahit di pa ako nanliligaw." Sabi ko at natawa. 

"Che!" Sabi niya at sumakay sa tricycle kaya naman sumakay na rin ako.

Alam kong pikon na to kaya naman kailangan ko ng lambingin. Ganun talaga eh, cycle na yan.

Inakbyan ko siya at salamat naman sa Diyos at mga santo dahil hindi na pumalag at isinandal niya sa akin ang ulo niya.

"I love you boo." Sabi ko.

"I love you too kahit sobrang lakas mo mang-asar." Sabi niya.

"You love me." Sabi ko.

"I know." Sabi niya.

Kahit kailan hindi ako masasanay sa mga ganitong moments naming dalawa.

-------------------------

1 year later

It's been a year na rin pala simula maging kami ni Stal pero parang kahapon lang lahat. Parang kahapon lang hindi ko pa masabi sakanya na mahal ko siya. Parang kahapon lang sila pa ni Angelo. Parang kahapon lang pangarap ko lang siya.

Pero ngayon bumubuo na ako ng pangarap sakanya. Hindi ko ineexpect na sa isang taon na yun sobrang daming magbabago at sobrang daming turn of events ang magaganap. Pero ayos lang dahil lahat naman ay good things.

Legal na rin kami both sides kaya naman nandito kami ngayon sa family reunion ng pamilya ko at inaasar ako ng mga pinsan ko na tama nga ang hula nila na sa ganda kong to ay maganda rin ang hanap ko.

At nandun si Stal kasama ang mga tita ko at sila mama, nagtatawanan sila. Sana naman hindi ako yung pinag-uusapan nila kasi nakakahiya. Pinagmamasdan ko lang siya at naiisip ko ang future na pwede naming magkasamang harapin. Mahirap pero nanjan naman siya eh, may reason ako para bumangon ng bumangon kahit anong dapa ko. She's my  end game.

Naramdaman niya sigurong may nakatingin sakanya kaya napatingin siya sa direksyon ko at nagtagpo ang aming mata. Napangiti ako at ganun din siya.

Wow, kinikilig pa rin ako sa tingin at ngiti niya.

Siguro matagal na panahon pa kaming magkakasama, sana. Pero hindi pa rin mawawala yung pagtingin at nararamdaman ko sakanya.

She won't failed to make me fall for her over and over again.

I'm still falling.

The End

•••

So ayun na nga guys, alam kong galit na galit kayo sa akin dahil sobrang tagal kong hindi nag update. Sorry na! At salamat din sa pagbabasa niyo dito sa story na to (kung may nagbabasa man) hahahaha pero salamat talaga, lalo na sa mga nagcomment na mag update na ako. Yung last comment talaga nagtulak sakin mag update eh, sabi niya binibigyan niya na raw ako ng will to update. Tinapos ko na rin to guys kasi may new story na ako! Sana rin po basahin niyo. Godbless!!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 13, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Still Falling (gxg) (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon