Chapter 17

3K 79 6
                                    

""

•••

Sabi nila hindi ka raw pwedeng maging "kaibigan" lang sa taong mahal mo. Anong magagawan ko kung hindi niya talaga kayang ibalik ang pagmamahal ko na higit pa sa kaibigan lang.

Nakahiga ako sa kama at nanonood ng horror movie na Insidous 3 nang nakakumot at nakayakap sa unan. Nandoon na ako sa part ng kumakatok ang bida sa kabilang pader nang biglang may kumatok din sa pintuan ng kwarto ko.

Kinabahan ako ngayon at piling ko anytime maiihi na ako sa kama ko. Patuloy lang ang pag-play ng movie sa tv at lalong lumalakas din ang katok sa pintuan ko.

"S-sino yan?" Tanong ko ng medyo malakas.

Hindi sumagot yung kumakatok sa pinto. Nararamdaman ko ang pagkabog ng puso ko sa dibdib ko na para bang tinatambol.

Pero dapat maging matapang ako diba?! Dahil may tiwala ako sa Diyos! Amen!

Dahan dahan akong tumayo at kinuha ang kahoy na pangkamot sa likod. (Yung parang kamay na kahoy na ipangkakamot mo sa likod mo. Basta yun XD)

Sa tingin ko ayos na to, kung sino o ano man ang nandoon sa labas ng kwarto ko ay hahampasin ko agad neto. Solid to.

Dahan-dahan akong lumapit sa pinto at hinawakan ang nakalock ko na doorknob. Hindi ko alam kung ano ang meron kapag binuksan ko ito kaya dapat ay handa ako sa ano mang pwedeng mangyari. Basta kung eto na ang huli kong pagkakataon ay pakisabi kay Stal na mahal ko siya.

Dahan-dahan ko ng inikot ang doorknob ko ng biglang....

"ASHLEY! SI STAL NASA BABA! BAKIT HINDI MO BINUBUKSAN YUNG PINTO?" Sigaw ni kuya sa kabilang pader.

Malakas kong binuksan ang pinto at halos matumba tumba si kuya dahil hindi ko alam na nakasandal pala siya sa pintuan at nagsi-cellphone.

"Bakit hindi ka nagsasalita agad?! Akala ko kung sinong engkanto nasa pintuan ko!" Sigaw ko sakanya.

"Kung engkanto ako, ikaw rin engkanto! Magkamukha tayo, kamukha tayong dalawa ni papa!!" Sigaw rin ni kuya.

Ang kapal ng mukha netong lalake na to sabihan ang magandang katulad ko ng engkanto!

"Edi si papa sisihin natin kung bakit mukha tayong engkanto!" Sigaw ko.

"Impakto!" Sigaw ni kuya.

"Aswang!" Palag ko sakanya

"Manananggal!"

"Undin!"

"Annabelle!"

"Zombie!"

"Fiona!"

"Donkey!"

"HOY MAGSITAHIMIK KAYO KUNG AYAW NIYONG TAWAGIN KO YUNG ALBULARYO!" Sigaw ni mama sa baba.

"Si Kuya!" "Si Ashley!" Sabay naming sigaw ni kuya.

"Leonardo Alberto pumasok ka na sa kwarto mo at Ashley Jane bumaba ka dito dahil nandito si Stal." Sigaw ni mama.

Natigilan naman ako sa sinabi ni mama. Oo nga pala?! Si Stal nasa baba?! Si kuyang impakto kasi ang may kasalanan eh nakalimutan ko tuloy.

Still Falling (gxg) (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon